CHAPTER LXXXI (FREEN's POV)

3.2K 163 24
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas. Nag pasya kaming mag celebrate ng graduation ni Rich sa resort ko. Shempre, walang kasamang magulang. Kami kami lang ang nag punta sa resort para mag enjoy. Ako, si bec, si Rich, Tee, Yuki, Jim, Fon, Sky, Maddy.

Hindi kami nag sama ng matanda dahil ayaw namin ng may hadlang sa kasiyahan namin. Shempre iba mag isip ang matatanda. Saka gusto kong mag enjoy si Rich ngayon.. Yung hindi nya iisipin na may bawal gawin.

Pag dating namin sa resort ay bakas sa mukha ni Rich ang sobrang pagkasaya..

"Rich, welcome to college life!" Masayang bati ni Sky.

"Thank you po sa inyong lahat.. Thank you din ate freen.." nakangiting sabi ni Rich.

"Sabi ko naman sayo eh, ako bahala sayo.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pag gusto mo ng babae for the whole week, let me know.." nakangiting sabi sa kanya ni Tee kaya nag tawanan kaming lahat.

"Pwede po ba?" Tumatawang biro ni Rich.

"Kung tanggalin ko kaya yang tenga mo?" Nakangiting sabi ni bec habang pinipingot si Rich.

"Aray ate.." sigaw ni Rich habang hawak ang kamay ng ate nya.

"Wala nga tayong kasamang matanda, pero nakalimutan natin na nandyan pala ang ate nya." Tumatawang sabi ni sky.

"Basta sabihan mo lang ako, si freen na bahala sa ate mo.. diba freen?" Tumatawang sabi ni Tee sabay tingin sakin kaya naman tumango ako habang nakangiti. Nang makita ni bec ang pag tango ko kay Tee ay agad nya akong kinurot sa tagiliran.

"Ouch.. why? I didnt say anything.." tumatawang sabi ko sa kanya.

"Hoy kayo, wag nyo ngang turuan mang babae tong baby brother ko.." sabi ni bec

"Ate hindi na ako baby.. 16 years old na ako.." sabi ni Rich.

"You're still my baby brother kahit na umabot ka pa ng 50 years old.." sabi ni bec kay Rich sabay pisil sa magkabilang pisngi nito.







Kinagabihan ay nakapalibot kami sa bonfire sa gilis ng dalampasigan.


"Rich, nasan na yung ate mo?" Tanong ko sa kanya kaya lumingon sya sa paligid.. kumpleto na kami maliban nalang kay bec..

"Baka nasa loob pa po, sunduin kona po ba?.." tanong ni Rich..

"Yes please.. pakisundo na.. thank you.." sabi ko sa kanya kaya umalis na sya para sunduin si Bec..



Sa hindi kalayuan ay may naririnig kaming sumisigaw..

Si bec at si Rich.. May humaharass sa kanila? Nasa likod ni Rich si Bec at pilit na kinukulit ito ng dalawang binata..

Nag worry kami kaya agad kaming lumapit sa kanila.

"Ayoko nga! Bat ba ang kulit mo?" Sigaw ni bec sa dalawang binata na nasa harap ni Rich.

"Nakakabastos na kayo ah! Suntukan nalang oh!" Sigaw ni Rich na tila pinoprotektahan ang ate nya.

"Anong problema dito?" Tanong ko sa kanila. Lumapit na kami nila Tee, Yuki, Jim, Sky. Habang si Fon at Maddy ay naiwan sa bonfire.

"Eto kasi ate freen eh, pilit na hinihingi yung number ni ate.. ayaw tumigil.." sabi ni Rich na bakas sa mukha ang inis at gusto ng sapakin ang dalawang binatang nasa harapan nya.

"Hindi naman namin binabastos yung kasama mo, hinihingi lang naman namin ng maayos yung number nya.." sabi nung isang binata..

"Eh ayaw nga diba? Bingi ka ba?!" Sigaw ni Rich na handa ng bumanat, mabuti nalang ay hinawakan sya ni bec at naawat..

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now