CHAPTER XLII (LISA's POV)

3.6K 168 20
                                    

Nandito kami sa isang resto bar na palagi kong pinupuntahan kasama ang dalawa kong bestfriend. Si Rose at si Jenie.

Dito kami palaging nagpupunta kapag nagna-night out kami. May mga sikat na banda kasi na tumutugtog dito.. Kaya paborito namin ang lugar na to.

Pag upo namin sa isang table malapit sa stage ay nakita ko si Freen sa mismong stage.. habang nagsisigawan ang mga kasama nya na nasa kabilang table lang.

Napangiti ako, kahit na palagi kong pinapanood ang mga videos nya noon, iba parin pala yung kilig kapag live mong makikita yung crush mo na kumakanta..


Watch the sunrise along the coast
As we're both getting old
I can't describe what I'm feeling
And all I know is we're going home
So please don't let me go, oh
Don't let me go, oh-oh-oh

And if it's right
I don't care how long it takes
As long as I'm with you
I've got a smile on my face
Save your tears, it'll be okay
All I know is you're here with me
Oh, oh, oh, oh-oh-oh-oh-oh

Watch the sunrise as we're getting old, oh-oh
I can't describe, whoa-oh
I wish I could live through every memory again
Just one more time before we float off in the wind



Omg! Iba ang dating kapag personal syang kumakanta..

Yung favorite song ko pa ang kinanta nya.. sakto sa boses nya kaya abot tenga ang ngiti ko dahil sa kilig.

Pagbaba nya ng stage ay dumiretso na sya sa table na nasa gilid namin. Hindi nya ako napansin, siguro ay hindi nya ako nakita.
Kaya naman lumapit ako sa kanila..

"Hey!" Nakangiti kong tawag kay Freen.

Nagulat silang lahat ng tawagin ko si freen.

"Lisa!!!" Nakangiting sigaw ng isa sa mga kasama nya. Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang braso ko.

"Pwede ba akong magpapicture sayo?" Nakangiting tanong nya.

Ngumiti ako, panigurado kasing fan to.

"Sure, why not?" Sabi ko sa kanya. Binigay nya ang phone sa katabi nya para picturan kami.

After nyang magpapicture ay umupo na sya sa upuan nya.

"So dito rin kayo nagna-night out?" Nakangiti kong tanong kay freen kaya agad nyang inoffer sakin ang upuan na nasa tabi nya.

Pero bago ako maupo ay sumenyas muna ako sa mga kasama ko na makikiupo lang ako saglit.

"Si Tee, si Yuki, si Sky, fon, Maddy, Jim, bec.." nakangiti nyang ipinakilala sakin ang mga kaibigan nya.

"Woah. Hello guys.." nakangiti kong bati sa kanila.

"Madalas rin ba kayo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Hmm.. Hindi naman, kapag gusto lang mag chill outside.." sagot ni Freen.

"Oo madalas kasi dun lang kami nagchichill sa bahay ni Freen eh.." sabi ni Tee..

"Ahhh.." reaksyon ko.

"If you want, sama ka minsan.." nakangiting aya ni sky.

"Sure.." nakangiting sagot ko.

Tumingin ako kay Freen na busy sa pagpapak ng pulutan.

"Freen, tumatawag ako kanina, hindi ka sumasagot.." sabi ko sa kanya pero speechless sya.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon