CHAPTER XIII (BECKY's POV)

5K 205 3
                                    

Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong kami ni mami.. mother of freen..

Mami narin kasi ang tawag ko sa kanya dahil yun ang gusto nyang itawag ko sa kanya..

Nagmano agad ako sa kanila ni dadi.

"Bakit baligtad ang damit mo?" Tanong ni mami.

"Minamadali po kasi ako ni Freen kanina eh" nakangiting sagot ko.

"Osya tara na. Kumain na tayo. Sigurado akong gutom na kayo.." aya samin ni mami.

Nag iisang anak lang kasi si freen, kaya alagang alaga sya ng mami nya.

"Bec, niluto ko rin yung favorite mong adobo.. tikman mo" alok ni mami sakin at nilagyan nya ng adobo ang plato ko.

"Thank you po.." nakangiting sagot ko..

Tinikman ko agad ang adobong niluto nya..

"Mmmmm... Ito na yata ang pinakamasarap na adobong natikman ko.." nakangiting sabi ko..

"Ikaw talaga binobola mopa ako.." sagot ni mami..

"Mi, we have something to tell you.." singit ni freen.

"Ano yun?" Tanong ni mami.

Nakatingin na samin si mami at dadi.

Hinawakan ko ang kamay ni freen na nasa ilalim ng mesa saka ako sumenyas ng "wag"

Ewan ko.. pakiramdam ko kasi ay hindi ito ang tamang oras para ipagtapat yung relasyon namin..

Hinawakan nya ang kamay ko para iparamdam sakin na wag akong matakot o mag alala..

"Bec and I are now in a relationship.." sabi nya kila mami..

Nagtinginan si mami at dadi pero wala akong nakitang kahit konting bakas ng pagtataka, pagkagulat o pagkagalit.

"Then??" Tugon ni mami para magpatuloy si freen sa pagsasalita.

"We are in a relationship.. romantic relationship.." ulit ni freen..

"Thats all?" Tanong naman ni dadi.

Tumango si freen bilang sagot.

"Akala ko naman kung ano.." sabi ni mami sabay hawak sa dibdib at hinga ng malalim.

Nagtinginan lang kami ni freen.

No reaction??

"Unang beses ka palang iuwi ng anak ko dito, alam ko na.." sabi ni mami.

Omg.. nakakahiya..
Parang gusto kong lamunin ng lupa..

So all this time na sinasabi naming magkaibigan lang kami, hindi pala sila naniniwala??

Nakakahiyaaaaaa!!!



Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami..

Nauna akong umakyat sa kwarto para makaligo..
Para narin magkaroon ng time mag usap si freen at ang mami nya..

Alam ko kasing naging busy si freen sa work, at yung free time nya eh sakin pa napupunta.

Pag akyat ko ng kwarto, saktong nag ring ang phone ko.

Nag message si Albert.. ang escort ko. Pareho kaming pinanlaban ng school.

Matagal ng gustong manligaw nito pero binasted ko sya noon palang.

Bakit sya nagtext?

"Hey, nagustuhan mo ba yung chocolate na binigay ko?" Tanong nya.

Ha?? Sa kanya galing yung chocolate na nasa loob ng bag ko.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now