CHAPTER LXIX (MARIETA's POV)

3K 145 32
                                    

Meron akong kasintahan.. Rowena ang pangalan nya. Sobrang mahal namin ang isat isa.. Pero dahil sa isang bangungot, nagbago ang lahat..

Nung nabuntis ako..

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Kung paano ko sasabihin sa kanya..

Ipapalaglag ko ba ang ipinagbubuntis ko para di nya malaman? Pero hindi kaya ng konsensya ko na ipalaglag ang dinadala ko, hindi ko rin kayang lokohin si wena.. Deserve nyang malaman ang totoo..

Kaya nagpasya akong aminin ang lahat kay wena.. at umaasang hindi nya ako iiwan sa kabila ng lahat..



"Ginahasa ako, hindi ko to ginusto.." umiiyak kong paliwanag kay wena habang nakaluhod at nakayakap sa mga hita nya.

"Enough.. Hindi na kita kayang tignan sa paraan kung paano kita tignan noon.. Sa twing nakikita kita, nasasaktan ako.." umiiyak na sabi nya sakin.

"Wag mo akong iwan please.. hindi ko kayang mawala ka sakin.." umiiyak kong sabi sa kanya..

"Hindi ko rin kayang mawala ka sakin.. but this is the best thing that I can do for myself right now.. Simula nung dumating ka sa buhay ko, naging masaya ako ng sobra.. Kaya binigay ko ng buo yung pagmamahal ko sayo.. Wala akong itinira para sa sarili ko.. thats why it hurts so much.. This is the only thing I could do.. Please let me live the way I deserve." Umiiyak na sabi nya sakin at pilit tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Nang makawala sya sa pagkakayakap ko ay agad na itong umalis..

I don't know what to do. It's hard to let go of someone you want to hold forever. Pero wala akong magawa para pigilan sya.






Simula noon ay hindi na kami nagkita ni wena.. Pero kahit ganon, palagi parin akong naghihintay sa kanya.

Halos nabaliw ako nung iwan nya ako. Sinubukan kong ipalaglag ang dinadala ko pero hindi ko magawa.. Hindi ko kaya.

Hanggang sa nanganak na ako ng kambal.. Hindi ko sila kayang buhayin pareho kaya nagpasya akong ipaampon ang isa sa kanila... Wala rin naman akong mga magulang na pwede kong maging katuwang sa pag aalaga... Pati yung isang taong inaasahan ko na hindi ako iiwan, wala na din.. Iniwan na ako ng lahat..


Mag isa kong itinaguyod si freen.. Araw araw ko syang binubugbog dahil naaalala ko kung paano nasira yung buhay ko nung dumating sya... Nasasaktan ako kapag nakikita ko sya dahil pinapaalala nya sakin yung panggagahasa sakin.. Ayoko syang saktan dahil wala naman syang kasalanan, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko..

Kaya isang araw, nagpasya akong iwanan sya sa lansangan.. para makatagpo sya ng pamilyang magmamahal sa kanya. Yung pagmamahal na khit gusto kong ibigay, hindi ko magawa dahil isa syang alaala ng bangungot sa buhay ko... Alam kong mali ako.. Pero yun lang ang naisip kong paraan para wala ng makapanakit sa kanya..


Mula nung iniwan ko si Freen sa lansangan, hindi na ulit kami nag kita. Lumipat rin kasi ako ng bahay.. para makalimot at magsimula..

Pero isang buwan ang nakalipas, hindi ko kinaya. Namimiss ko si Freen. Ang aking anak.. Kaya sinubukan ko syang balikan kung saan ko sya iniwan pero hindi kona sya nakita.

Araw araw kong binabalikan yung lugar kung saan ko sya iniwan.. halos isang taon akong pabalik balik sa lugar na yun at nagbabakasakaling makikita ko syang muli.. Pero hindi ko sya nakita..





Halos madurog ako kailan lang, nung malaman kong namatay ang isa kong anak.. Binalita sakin ng pinsan ko.

Napaka walang kwenta kong ina.. Hindi ko man lang naalagaan ang anak ko.. Araw araw akong gumigising ng may pagsisisi.. Bakit naging masama akong ina?




Binalikan ko yung dati kong bahay..
Walang pinagbago.. nakikita ko pa rin ang batang si freen na umiiyak sa bawat sulok ng bahay na yon pagkatapos kong bugbugin..

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak sa sobrang pagsisisi.. Paano ko nagawa ang lahat ng yon sa musmos na bata?

Im so selfish!!




Ilang araw pa ang nakalipas, bumalik ulit ako sa bahay ko na yon.

May nakita akong babaeng umiiyak sa puno.. alam kong si Freen yon.. Dahil nakita ko na ang mukha nya. Pero nagpanggap ako na hindi ko sya kilala. Hindi kami nagkausap..

Wala akong lakas ng loob na magpakilala. After ng ginawa ko sa kanya, Alam kong hindi nya ako patatawarin..

Okay lang.. ang mahalaga sakin ay makita syang maayos.. at masaya.. Maraming nagmamahal.. Mas deserve nya ang ganitong buhay kaysa yung buhay na binibigay ko sa kanya noon..

Pumunta ako sa puntod ni Lea para sana ikwento na nagkita na kami ng kapatid nya.. pero diko inasahan na dun pala didiretso si Freen..

At doon ay hindi ko napigilan ang sarili kong magpakilala sa kanya.. at tama ang hinala ko.. Malaki nga ang galit nya sakin.

Sinigawan nya ako. Pero tinanggap ko yun lahat kasi alam kong naging masama akong ina.. Hindi ako karapat dapat na kilalanin bilang isang ina.



Lumipas ang ilang araw habang naglalakad ako sa mall, may nakita akong isang pamilyar na mukha.

Si rowena..


"Rowena.." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Marie.." sabi nya..

Kilala nya parin ako..

Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa pagkatuwa..

"Ang tagal kitang hinanap.." sabi ko sa kanya habang nakayakap.. halos maluha ako sa sobrang tuwa nang makita ko sya.

"Kamusta kana?" Nakangiting tanong ko sa kanya..

"Okay naman.. ikaw kamusta?" Nakangiting sabi nya sakin.

"Pwede ba tayong mag usap? Kahit saglit lang.." sabi ko sa kanya..

"Kailangan ko kasing makabalik agad sa bahay dahil magluluto pa ako, pero kung sandali lang naman, sure sige.." nakangiting sagot nya sakin. Napakabait nya parin at napakaganda..




Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad syang nagsalita.

"Hindi ako pwedeng magtagal ha.." sabi nya na tila nahihiya pa sakin.

"Ang tagal kitang hinanap.. kung kani-kanino kita tinatanong pero lahat sila walang sagot na binigay sakin kung nasaan ka.." sabi ko sa kanya..

"Sinabi ko sa kanila na wag sabihin sayo.. so that we can have a new beginning without each other.." nakangiti nyang sabi sakin..

"Kamusta na nga pala yung anak mo?" Tanong nya sakin sabay higop sa kape nya.

"I have twins.. But the one has died a year ago.. and I lost the other one.." sagot ko sa kanya.

"Its a long story.. How about you?" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"May dalawa na akong anak.." nakangiti nyang sagot sakin.

"You're married.. Hindi ko nabalitaan yun.." sabi ko sa kanya.

"Its a civil wedding.. Hindi kaya ng budget eh.. Pero okay lang, ang mahalaga naman is makasal ka sa taong mahal mo eh.." nakangiti nyang sabi sakin na agad namang nagpakirot sa dibdib ko.

Ang sakit..

Kahit na matagal na kaming hindi nagkita at nagkasama.. ramdam kong mahal kopa rin sya.. Walang nagbago.. maliban sa feelings nya..

Ang sakit..

Bakit kasi ikaw parin kahit hindi na ako?
.
.
.
.
...
.



Stay tuned and give a comment..

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now