CHAPTER XLV (BECKY's POV)

3.3K 153 17
                                    

May tiwala ako kay freen, pero bakit hindi ko maiwasang mainis sa nakita ko?

Dapat naiintindihan ko sya, alam kong hindi naman nya ginusto na ganun ang mangyari. Pero bakit nangangamba parin ako?

15 missed calls.

Hindi ko sinasagot ang tawag nya dahil naiinis parin ako.

Nilapag ko ang cellphone ko sa mesa malapit sa sofa na inuupuan namin ni papa.

Panay parin ang tawag nya pero hindi ko sinasagot.

Habang nanunuod kami ay patuloy sa pag ring ang phone ko pero dinededma ko lang ito. Tinignan ni papa ang cellphone ko, nakita nyang si Freen ang tumatawag.

"Hindi mo ba sasagutin? Ako na ang sasagot.." sabi ni papa at nagtangkang kunin ang phone ko pero inunahan ko sya.

"Ayoko syang kausapin.." sabi ko kay papa..

Pinatay ni papa ang Tv at nakipag usap sakin.

"Bakit?" Tanong ni papa.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Anong problema?" Tanong ulit nya.

"Wala.. naiinis lang ako.." sagot ko.

"Im sure may dahilan yang pagkainis mo.." sabi ni papa saka nag buntong hininga..

"Naiinis lang ako kasi magkasama sila sa kwarto.." sabi ko.

"Yun lang??" Tanong ni papa.

Tumango ako bilang sagot. Kaya naman agad nyang tinapik ang ulo ko..

"Alam mo ba nung mag jowa palang kami ng mama mo, nag abroad ako habang nandito sya sa pilipinas.. Maraming nagkakagusto sakin, ganun din sa mama mo.. pero nanaig parin ang pagmamahal namin sa isat isa.." kwento ni papa.

"Ang gusto kong matutunan mo.. ang nagmamahal, nagtitiwala.." dugtong nya kaya naman napatingin ako sa kanya..

"Eh pano kung yung tukso na ang lumalapit sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa tao yun kung magpapadala sya sa tukso.." sagot ni papa.

"Marami rin kaming pinagdaanan ni mama mo.. napakaganda kasi nyan nung dalaga pa sya. Kaya napakarami kong kaagaw.." nakangiti nyang kwento sakin.

"Pero dahil may tiwala ako sa kanya at may respeto sya sakin, hindi kami nasira ng mga tuksong nasa paligid.." kwento pa ni papa.

Halatang proud na proud sya na nalagpasan nila ni mama yung pagsubok na dumaan sa buhay nila noon.

"Kinailangan kong mag abroad, dahil mas maganda ang opportunity don.. kaya kahit ayokong malayo sa mama mo, pinilit kong kayanin.." sabi ni papa.

Napapaisip ako sa sinasabi nya. Minsan ko lang makausap si papa pero talagang napakalalim nyang magbitaw ng salita.

"May tiwala naman po ako kay freen pa.." sabi ko kay papa habang nakatingin ako sa mga mata nya..

Pero sa tingin nya sakin, parang hindi sya naniniwala sa sinasabi ko.

"Kung may tiwala ka, bat hindi ka mapalagay?" Tanong nya sakin.

"Anak, magkarelasyon kayo ni Freen.. pero hindi ibig sabihin non ay pag aari mo sya.. Hindi pwede na lahat ng makakasama nya ay pagseselosan mo.." sabi ni papa habang nakatingin sakin.

Alam ko naman na tama ang sinasabi nya. Pero bat diko maiwasang magselos?

"Alam ko naman po yun pa.." mahinahong sabi ko.

"Yun naman pala eh, sagutin mona yung tawag nya. She's worried about how you feel.. Hindi mo dapat sya pinag aalala ng ganyan..." Sabi ni papa.

I know he's right.. bakit ko nga ba tinatakbuhan ang ganitong problema? Eh dapat inuunawa namin ang isat isa..

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now