CHAPTER XLVII (FREEN's POV)

3.3K 172 16
                                    

Pag gising ko, naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. Para bang ang bigat..

Kasing bigat ng babaeng nakayakap sakin mula kamay hanggang paa.

Si Tee..

Nang makita ko ang pagkakayakap nya sakin at pagkakalapit ng mukha namin ay bigla ko syang naitulak ng malakas na naging dahilan para magising sya.

"Pervert!" Sigaw ko sa kanya na agad gumising sa diwa nya.

"Huh?" Reaksyon nya.

"Anong ginagawa mo dito? Kung makayakap ka wagas.. daig mo pa si bec." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Woah. You forgot.. You texted me last night to come here.. You bitch cried and asked for help.." sagot ni Tee sakin.

"Asked for help?" Ulit ko.

Tumango sya bilang sagot.

"Help? What for?" Tanong ko.

"Aba malay ko sayo. You better ask Lisa, you're with her last night." Sagot sakin ni Tee.

Hindi kona sya sinagot si Tee, kinuha ko ang phone ko para tignan kung nagreply ba si bec or kung tumawag na ba sya..

Wala pa din..

Well, hindi naman na bago to samin, even before, she could bear not talking to me the whole day..

Hindi ako magtataka kung magagawa nya ulit yun ngayon.

Pero kahit ganun, sinubukan ko parin syang tawagan. Para hindi nya maisip na okay sakin na ganito ang sitwasyon namin. Well, hindi naman talaga okay, and yun ang gusto kong malaman nya para dina nya patagalin tong tampuhan na to, dahil napakabigat sa dibdib..

"Hello love..." Bati ko sa kanya pagkasagot nya sa tawag ko.

"Hello ate freen.. si Rich to.. wala po si ate dito.. dun po sya natulog kay ate yuki.. naiwan po nya ang phone nya dito.." sabi ni Rich..

"Ah ganun ba.. sige sige salamat.." sabi ko sabay patay ng phone.

Tinawagan ko si Yuki..

"Hello Freen.." bungad sakin ni Yuki.

"Si bec, pwede bang pakausap ako.." sabi ko sa kanya kaya agad nyang binigay ang phone kay bec..

"Hello." Sabi nya.

"Love.. pinag alala moko.." sabi ko sa kanya. Pero hindi sya nagsalita.

"Wag na nating patagalin tong tampuhan na to, ang bigat sa dibdib eh.. Mas lalo kitang namimiss..." sabi ko sa kanya.

"Parang hindi naman.." cold na sagot nya sakin.

"Love naman.. sorry na.." sabi ko sa kanya..

"Okay.." tipid na sagot nya.

Alam kong gusto nya lang maging okay kami kaya nmsya nag okay sakin. Pero alam kong may tampo parin syang nararamdaman..

"I love you.." sabi ko.

"I love you too.." sagot nya.

"Tawag ka kapag nasa school kana.." sabi ko sa kanya.

"Okay, padala ko kay papa yung phone ko." Sagot nya.

Kahit sinabi na nyang okay na kami, ramdam kong hindi parin.

Kailangan kong gumawa ng bagay na makakapagpagaan ng loob nya kahit na nasa malayo ako.

Kaya naman naisipan ko syang padalhan ng paborito nyang milktea at shawarma rice, at shempre bulaklak.. para sa nagtatampong girlfriend.

Nilagyan ko pa ng card yon para naman mapangiti ko sya kahit na nasa malayo ako.

"Para sa nag iisang babaeng minahal ko, minamahal ko at mamahalin kopa hanggang sa pagtanda ko.. I love you.. Bati na tayo baby ko" yan ang nakasulat sa card.

Ewan kona lang kung hindi pa lumambot ang puso nyan.

Well sana nga mapalambot nito ang puso nya. Alam ko kung gano sya katindi magtampo, halos nakakalimutan na nyang mahal nya ako.

Sakit diba? Pero okay lang.. kasi ramdam ko naman na mahal nya ako kapag wala syang topak o wala syang pinagseselosan..


Pagbaba ko ay nakita kong patingin tingin si Tee sa phone nya habang nakaupo sya sa sofa.

"Anong meron sa phone mo at dika mapakali?" Tanong ko kay Tee pagbaba ko ng hagdan at naupo ako sa tabi nya.

"Si Yuki, hindi nya sinasagot yung mga tawag ko.." sabi nya sakin habang nakasimangot na parang bata.

"Huh? Bakit? Dont tell me magkaaway din kayo.." sabi ko sa kanya.

"Hindi.. pero kagabi pagkuha ko ng phone ko, tadtad ako ng calls and texts." Sagot nya sakin kaya natawa ako. Napaisip sya kung bat ako natawa.

"Bat ka tumatawa? Im broke bitch."  Inis na sabi nya sakin.

"Its because we're in the same situation.. Last night pagkuha ko ng phone ko, tadtad rin ako ng calls and texts.. and just like you, I was broke too.." tumatawang sabi ko sa kanya.

"Nakukuha mo pang tumawa.." inis na sabi nya habang nakasimangot parin.

"Ngayon lang kita nakitang nasasaktan dahil lang sa hindi ka pinapansin ng babae.. im happy for you.." tumatawang pang aasar ko sa kanya. Hinampas nya ako ng unan.

"It hurts.." sabi nya sakin.

"It hurts because you love her.. and I'd rather see you hurt because you know how to love than to see you happy because there's a girl begging you not to leave." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"So rude.. You prefer to see me hurt than to see someone else in pain because of me.." sabi nya sakin.

"Because you're an older sister to me.. and I love you so much... I want you to know that.. it's more acceptable to be hurt because you love someone.. than to hurt someone because you don't know how to love.." nakangiti kong sabi sa kanya..

"Woaaah. The truth is.. Im afraid.." sabi nya sakin..

"Afraid of what?" Tanong ko.

"I'm afraid that when I can no longer lose her in my life, she will leave me like I did in my past relationships." Sabi ni Tee na bakas sa mukha ang takot at pagsisisi sa mga nagawa nya sa past relationships nya.

"Don't think about that. In life, nothing is certain. But this is what you should remember.. When you fall in love, you must always choose to be faithful.. even though you're not sure if you'll be together until the end" sabi ko sa kanya..

Nakatingin lang sya sakin at nakikinig.

"Sabi nga nila, ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay walang bayad pero may sukli.. So no matter how cruel the world is, you should always choose to be a good person.." nakangiti kong sabi sa kanya sabay tapik sa balikat nya.

Tee is like a true sister to me. Wala akong tunay na akin, pero tinuturing ko silang tunay. Dahil pinaramdam nila sakin na kahit isa akong bunga ng pagkakamali para sa tunay kong ina, isa akong blessing para sa kanila.

That's what you should really do, appreciate the things you have.. because if you keep holding on to the past, how can you appreciate what's in the present?




(Please do like and leave a comment every chapter.. dont forget to follow my account.. Thank you so much. You are my motivation, love you all ❤️)


Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now