CHAPTER LXXIV (FREEN's POV)

3.2K 169 15
                                    

Yung tahanan na dati ay excited akong uwian, ngayon ay parang ayoko na.. nandito kasi yung taong ayaw ko ng makita..

Bakit ko ba kasi sya dito pinatira? Nahihibang na ba ako?

Maya-maya ay pumasok na si becky sa kwarto.
Tapos na silang kumain habang ako naman ay kumukulo na ang tiyan sa gutom.

"Hindi mo man lang ba titikman yung luto ko?" Tanong ni bec sakin. Hindi ako sumagot. Ewan ko ba. Naiinis ako kasi ang bait bait nya sa babaeng yun.

"Love.. yan kana naman.. nakakunot na naman yang noo mo.." pang aasar nya sakin. Pero hindi ko pa rin sya pinansin.

"Alam mo ba? Bilib ako sayo.." nakangiting sabi nya sakin. Nagtaka ako kung bakit nya nasasabi yun.

"Bakit?" Tanong ko.

"Coz you're brave enough to control your anger at this situation.." nakangiting sabi nya sakin.

Really? Nakokontrol ko ba? Gusto kona nga syang kaladkarin palabas ng bahay. Kairita. Pag nakikita ko sya, umiinit ang ulo ko.

"I love you.." nakangiting sabi nya sakin sabay kiss sa labi ko. Tinadtad nya ng halik ang labi ko..

Well,, ganyan naman sya palagi maglambing sakin. Yan yung pinaka gusto kong ginagawa nya kapag magkasama kami..



Kinabukasan, bago kami bumaba ng kotse para pumasok sa opisina ay may inabot akong bouquest ng bulaklak kay bec.. Gusto ko kasing maramdaman nya na mahalaga sya sakin araw araw..

"For you,.." nakangiti kong sabi sa kanya sabay kuha sa bulaklak na nasa likod ng upuan nya.

"Wow! Anong meron? Monthsary ba natin?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Kailangan ba may okasyon para iparamdam sayo na special ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Siguro may kailangan ka no?" Nakangiti nyang tanong na tila nang aasar.

"Wala ah.. ikaw lang ang kailangan ko wala ng iba.." nakangiti kong sabi sa kanya na agad namang nagpangiti sa kanya habang inaamoy ang bulaklak.

"Nga pala love, dun tayo mag sleep sa bahay nyo mamaya.. miss kona sila mama eh.. saka yung luto nya.." nakangiti kong request kay bec.

"Love.. kakapunta lang natin dun.. gumagawa ka lang ng way para dika mag stay sa bahay mo..' nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige na please.." pagmamakaawa ko sa kanya para pumayag nmsya na doon kami matulog sa bahay nila. .

"Alam kong ayaw mong umuwi dun kasi nandun si aling marie.." sabi nya sabay pacute.. Pero kahit cute sya, hindi parin ako kumibo.. Hindi nya ako madadaan sa mga pagpapa cute nya.

Well, totoo naman. Ayoko sanang umuwi sa bahay ko dahil nandun ang taong ayaw kong makita.

Bat ko ba kasi sya pinag stay dun? Pwede ko naman syang hayaang mag isa katulad ng ginawa nya sakin noong iniwan nya ako sa lansangan.

"Bat ko ba kasi sya pinag stay dun.. para akong gumawa ng sarili kong problema.." inis na sabi ko pero ngumiti lang sya sakin.

"Alam kong ginawa mo yan kasi concern ka.. kahit na may galit dyan sa puso mo, pinili mo parin maging mabuting tao.." nakangiti nyang sabi sakin.

"Diba sabi mo.. gaano man kalupit ang mundo, piliin mo palagi ang maging mabuti.. Ngayon naman sasabihin ko sayo, gaano man sya naging masamang ina sayo, piliin mo parin maging mabuting anak.." sabi nya sakin.

Parang ang hirap ng hinihingi nya sakin. Mabuti naman akong anak.. pero hindi ko kayang maging anak sa taong piniling hindi maging isang ina..








Pagdating namin sa office, nadatnan kong nakaupo sa sofa si Fon habang si Tee ay nakaupo sa pwesto ko at nakataas ang paa sa mesa.. Kaya naman agad kong hinampas ng bag si Tee..

"How many times do I have to tell you na ayokong tinataas mo ang paa mo sa table ko?" Inis na sabi ko sa kanya sabay hampas ng bag sa braso nya.

"Ouch! You're so rude huh!" Sabi nya habang nakahawak sa braso na hinampas ko at unti unti syang tumayo..

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanila.

"Ano tong nabalitaan ko? Nasa bahay mo yung totoong nanay mo?" Tanong ni Tee na bakas sa mukha ang inis.. akala mo sya ang iniwan.. well, sabi nga nila.. kapag ang may nanakit sayo, asahan mong mas galit pa sayo ang bestfriend mo..

"Wala akong choice.. May sakit sya.." Tanging sagot ko sa kanya sabay upo sa pwesto ko.

"Woah.. naisip mo ba yung mararamdaman ni mamu kapag nalaman nya na dun na nakatira sayo yung totoo mong nanay?" Inis na sabi nya. Mamu ang tawag nya kay mami dahil halos parang magkapatid na kaming dalawa.

"Hey Tee.. Wag mo syang pakielaman.. Buhay nya yan.. besides, totoong nanay nya yun.. Hindi nya yun pwedeng pabayaan nalang.." sabi ni Fon.

"Woah.. So ngayon nanay na sya ni freen? Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa nya kay freen noon?" Inis na sabi ni Tee sabay irap kay Fon.

"Baka nakakalimutan mo, pinabayaan lang din sya nun. Kaya anong masama kung pababayaan nya rin yung taong yun ngayon?" Inis na dugtong ni Tee..

"Bakit ba mas galit kapa kesa kay freen? Ikaw ba yung iniwan?" Inis na tanong ni Fon sabay irap kay Tee. Hindi talaga sila titigil hanggat walang umaawat sa kanila. Kaya madalas silang magkapikunan eh.

"Pumunta ba kayo dito para ipa-witness sakin yang pagtatalo nyo?" Inis na sabi ko sa kanila kaya naman pareho silang tumahimik.

"Once na umayos ang pakiramdam nya, paaalisin ko na sya." Sabi ko sa kanila.

Bakit ba kailangan kong mag explain? Nakakairita.

Sa sobrang inis ni Tee ay nag walk out sya bigla. Well, naiintindihan ko naman kung bat sya naiinis. Alam kong galit din sya dun dahil sa sinapit ko noon sa kanya. She's my bestfriend, maliban kay Fon. Halos kapatid na ang turingan naming dalawa kaya naiintindihan ko kung bakit galit na galit rin sya sa babaeng yon.

Paglabas ni Tee ay lunapit sakin si Fon..

"Mali ba ako?" Tanong ko sa kanya kaya umupo sya sa harap ng table ko.

"You did the right thing.." sabi nya sakin.

"Pero bakit ang hirap gawin ng tama? Ang bigat sa dibdib na nakikita ko syang nasa loob ng pamamahay ko.." sabi ko sa kanya.

"Sabi nila, lahat ng mabigat, gumagaan kapag binitawan.. Kaya kung gusto mong gumaan yang bigat na nasa dibdib mo, bitawan mo.." nakangiti nyang sabi sakin. Hindi ako nagsalita. Bat ba ang dali para sa kanila na sabihin na i-let go ko yung galir ko? Bat ba ang dali para sa kanila na sabihin na magpatawad ako.. Hindi nga madali para sakin..

"Bat ba pareho kayo ni bec? Pinipilit nyo na magpatawad ako.. na parang bang ang dali daling magpatawad sa taong nagbigay ng malalim na sugat sa puso mo.." sabi ko sa kanya.
Pero hindi sya nagsalita.

"Sabi nila, time heals all wounds.. pero bakit kahit ilang taon na ang nakalipas, masakit parin?" Tanong ko sa kanya.

"Masakit parin yan kasi hindi mo hinahayaan na maghilom.. paulit ulit mong hinahawakan yung sugat kaya hindi gunagaling.." nakangiti nyang sabi sakin.

Napaisip ako sa sinabi nya.. masyado kasing malalim..

"What do you mean?" Tanong ko. .

"Kaya hindi nawawala yung sakit, kasi paulit ulit mong inaalala yung nakaraan kung paano ka nya sinaktan.. Yung nakaraan na matagal ng tapos.. Mygad.. Move on move on din pag may time.. Matuto kang magpatawad sa mga taong nagkasala sayo.." paliwanag nya sakin.

Hindi na ako sumagot.. pero napaisip ako sa sinabi nya..

"Well, ano man ang maging desisyon mo.. Im always here.. whether you need me or not." Nakangiting sabi nya sakin sabay tayo sa kinauupuan nya. Lumapit sya sakin at tinapik nya ang balikat ko bago sya umalis.



.
.
.
.
.
.
..
.
.

.
.
.
.
.
.
(Please leave a comment about this chapter)





Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now