CHAPTER XXXV (FREEN's POV)

4.1K 198 17
                                    

ITS SUNDAY!!

Pag gising ko, wala na si Bec sa tabi ko. Nasaan sya?

Nakakapanibago, lagi kasi akong nauuna bumangon sa kanya. Pero ngayong araw, mas maaga syang bumangon. San kaya sya nagpunta?

Pagbaba ko ay nakita ko syang nagluluto..

Nilapitan ko sya at niyakap..

"Goodmorning baby ko.." sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Whats good in the morning?" Iritang sabi nya.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"I tried to be a nice wife who can cook for her partner.." sabi nya sakin.

Tumingin sya sa mga itlog, ham at hatdog na niluto nya. Tumingin rin ako dito at natawa..

"Bakit ka tumatawa?" Inis na tanong nya.

"Because its cute.." nakangiti kong sinabi sa mga sunog na ulam na niluto nya.

Inalis nya agad ang yakap ko sa kanya at kinuha nya ang mga ulam..

Nang tangka na nyang itapon ay pinigilan ko agad sya.

"Bakit mo itatapon?" Tanong ko.

"Eh kasi hindi naman ako sanay magluto.. but I tried.. tapos pagtatawanan mo lang.." malungkot na sabi nya.

"Kakainin ko to kasi luto to ng wifey ko.." nakangiting sabi ko sa kanya sabay kagat sa sunog na hotdog.

"The best hotdog ever.." sabi ko sabay ngiti.

"Inuuto mo lang ako.." sabi nya..

"Im not.." sabi ko sabay hawak sa bewang nya at hinila ko sya palapit sakin.

"But I think.. I prefer 'you' as my breakfast everyday.. what do you think?" Sabi ko sa kanya sabay halik sa labi nya.

Niyakap nya ang leeg ko at humalik sa labi ko..

"Hindi ka mabubusog sakin.." sabi nya sabay kiss habang nakayap parin sa leeg ko.

"Im on a diet.." sabi ko sabay kiss sa labi nya habang nakayakap naman sa bewang nya.

Ang sarap gumising sa umaga na may ganito kagandang lalambingin at maglalambing sayo..

Ding! Dong!

May nagdoorbell.. ...

Agad kong binuksan ang pinto para malaman kung sino ang nagdoorbell.

Pag mga kaibigan ko kasi ang pumupunta, diretso na agad sila sa loob ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si mami. Papasok na sya ng gate..

Sinalubong ko sya ng halik..

"I miss you.." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Hindi ako naniniwala.. kung namimiss moko, uuwi ka ng bahay.." sabi nya at dire-diretso sa pagpasok.

Sinalubong din sya ng halik ni bec at nagmano sya dito.

"Napadalaw ka mami?" Tanong ko.

"Di kita nakita nitong mga nakaraan, hinintay kitang dumalaw after namin mag usap ni bec, pero dika naman nadalaw.. thats why nagpunta nako dito to check on you... I have a meeting in Thailand tomorrow.. I'll be there for a week." Sabi ni mami.

Napakahectic ng sched.. well, mayaman naman kasi sila. May malaki silang company at may branch sila sa ibang bansa. Kaya medyo busy sila palagi, pero kahit ganon gumagawa parin sila ng way para maiparamdam sakin na mahal nila ako..

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now