CHAPTER XXX (BECKY's POV)

3.8K 169 8
                                    

So kaya pala hindi sya nagpaparamdam, she's with Fon. Pano nya nagagawang maging masaya sa piling ni Fon knowing na nasasaktan nya ako?

Does she really care about me? Bat nya hinahayaang maramdaman ko to?

Umiiyak na naman ako. Hindi ko na naman mapigilan ang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Halos hindi na rin ako nakakakain dahil wala akong gana..

How could you do this to me? Mahal na mahal kita, binigay ko ng buo ang sarili ko sayo dahil akala ko hindi mo ko sasaktan ng ganito..
Nagkamali ba ako?

Maya-maya ay dumating si Yuki.. Pumasok sya sa kwarto ko without knocking the door..

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya sabay talikod.

"Im here because my bestfriend needs me.." sabi nya sabay upo sa kama ko.

"Lets go, lets eat somewhere else.. my treat.." aya nya sakin pero hindi ko sya pinansin.

Napansin nya ang namumugto kong mata kaya hindi na nya pinilit pa.

"I know it hurts, but don't let yourself drown in pain.." sabi ni Yuki sabay tapik sa binti ko.

Hindi ako kumibo.. hindi ko rin kasi alam kung paano makaahon.. sobrang bigat ng pakiramdam ko.. para akong sinasaksak ng paulit ulit.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak ng umiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko.. kaya wala ring nagawa si Yuki kundi ang tapikin ako..

Kring!!! Kring!!!

Nagriring ang phone nya.

"Hello babe.." bungad ni Yuki.

"Sorry diko nasagot yung tawag mo kanina, nagdadrive ako nung tumatawag ka eh" sabi ni Tee..

Nakaloudspeaker sya palagi sa twing may kausap sya sa phone. Hindi ko alam kung bakit. Maybe nakasanayan nya yon para mas marinig nya ng malinaw ang kausap nya.

"Where are you? Magpapasama sana ako sayo kanina eh." Sabi ni Yuki.

"Nandito ako sa bahay ni Fon.." sabi ni Tee na gumulantang sakin.

So alam nila na nandun si Freen pero hindi nila sinasabi sakin?

Its feels like a betrayal..
Napatayo ako sa sobrang inis.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Yuki.

Hindi ko pa man din naririnig ang dahilan, nag ayos na ako para makaalis.

Sobrang bigat ng loob ko dahil yung mga tinuring kong kaibigan, pinagtatakpan din si Freen.

"Kung ayaw na nya, bat hindi nya sabihin sakin? Hindi yung ganitong pinagmumukha nya akong tanga!" Sabi ko sabay alis..

Alam kong hinahabol ako ni Yuki pero hindi ko na sya pinakinggan. Umalis ako. Sumakay ako ng Taxi papunta sa bahay ni Freen para kuhanin lahat ng gamit ko.

Oo alam kong padalos dalos ako, pero anong gagawin ko? Masyado na akong nasasaktan sa nangyayari. Parang wala syang pakielam sa nararamdaman ko so bakit kopa kailangan pag isipan ang pag alis sa bahay nya?

Pagdating ko sa bahay ni Freen ay nadatnan ko ang mga magulang nya na nakaupo sa sofa.

Nagmano ako sa kanila bilang respeto.. shempre hindi naman sila damay dito sa away namin ni Freen.

"Anak, what happened?" Tanong sakin ni mami nang makita nyang namumugto ang mata ko.

"Wala po.." sagot ko.

"Where's freen? Akala ko nandito sya kaya pumunta kami dito.." sabi ni mami.

"Hindi ko rin po alam kung nasaan sya.. dalawang araw na rin po kasi kaming hindi nag uusap." Sabi ko

Kita ko sa mata ng mami nya na nagwoworry sya.. niyakap nya ako..

"Nandito po ako ngayon para kuhanin ang mga gamit ko.." sabi ko sa mami nya na bakas parin sa mukha ang pag aalala.

Umakyat na ako. Hindi ko akalain na sinundan ako ng mami nya.

Habang kinukuha ko yunh mga gamit ko ay patuloy naman sa pagpatak ang mga luha ko.

"Anak, sure kana ba dyan?" Tanong ni mami.

"May mga bagay na dapat pinag uusapan nyo ng maayos, para nagkakaintindihan kayo.." sabi ni mami.. napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko.

Hinawakan nya ako sa balikat at Pinaupo nya ako sa kama..

"Alam mo ba? Bagong kasal palang kami ng asawa ko, pero muntik na agad kaming maghiwalay.. kasi hindi kami magkaanak.. isang taon na kaming sumusubok pero wala talaga.." pagsisimula ni mami sa kwento nya.

"Tapos nagpacheck up kami pareho, nalaman namin na parehas kaming baog.." dugtong pa nya.

"Kaya nagpasya kami na mag ampon.. 5 years old palang si Freen nung inampon namin sya.. Sya yung kumumpleto sa pangarap naming pamilya ng asawa ko.. sobrang tumibay ang pagsasama naming mag asawa mula nung dumating samin si Freen.." kwento ni mami habang nakangiti..

Nashock ako sa nalaman ko.
Ampon pala si Freen? Pero bakit sa tagal naming nagsasama, hindi man lang nya sinabi sakin yun?

"Ampon po pala sya? Pero wala po syang sinabi sakin na ampon sya.." sabi ko..

"Last time kasi na sinabi nyang ampon sya, nagalit ako. Kaya sinabi ko sa kanya na wag nyang sasabihin ulit yun. Dahil para sakin, totoo ko syang anak.." sabi ni mami..

Napakabait nila... Nashashock ako sa mga nalalaman ko.

"Isang anak na mapagmahal sa magulang lang naman ang gusto namin, pero higit pa don ang ibinigay ni Freen samin.." buong pagmamalaki sakin ni mami.

"Yung mga medal nya, yung maging honor student, hindi naman namin hiningi sa kanya lahat ng yon.. pero binigay nya.. kasi ang gusto daw nya, maging proud kami sa kanya.. para daw hindi namin sya ibalik sa orphanage.. natawa nga ako nun eh, kaya sinabi ko sa kanya na hinding hindi kona sya ibabalik dun.. dahil anak ko sya.." kwento ni mami habang pinipigilan ang pag iyak.

"Si freen, kapag nagkakasakit sya, hindi nya sinasabi sakin.. magpapanggap pa yon na wala syang sakit para lang hindi ako mag alala.." sabi ni mami.. hindi na nya napigilan ang pagpatak ng luha nya. Naiyak rin ako dahil sa kwento nya. Wala akong magawa kundi ang makinig lang, dahil wala rin naman akong masabi. 

"Kaya nung nakaraan nagtataka ako.. Out of nowhere sinabi nya sakin na okay lang sya at wag akong mag aalala sa kanya. Dun palang alam ko nang hindi sya okay.." at tuluyan na ngang naiyak si mami. Kanina ako ang niyakap nya, ngayon naman ay ako na ang yumakap sa kanya..

"At nung makita kitang mugto ang mata, nasaktan agad ako.. dahil wala ako sa tabi ng anak ko ngayong kailangan nya ako.." umiiyak na sabi ni mami..

"Nung nalaman ko na gilrfriend ka nya, tutol ako nung una.. kasi both girls kayo eh.. hindi kayo magkakababy..  but then I realize, kami nga ng asawa ko opposite sex pero hindi magkaanak eh. Thats why tinanggap ko kung ano ang meron kayo.. Pwede naman kayong mag ampon yulad namin.. at saka kung mahal ng anak ko, at kung mahal ang anak ko, why not?" Sabi nya sabay ngiti.

Nadudurog ang puso ko. Sobra.. Yung ngiti ni Freen, nakakawala ng kalungkutan.. pero sa likod ng mga ngiti na yon, meron palang kadiliman.. merong kalungkutan..

Am I a good partner? Bakit hindi ko man lang nakita yung ganung side nya? Is there a time that she needs someone to lean on? If there is, nasaan ako nun?

Naging selfish ako. Nasanay ako na palagi nya akong inuuna bago ang lahat, kaya siguro ako nagmamatigas ngayon.. kasi panatag ako na hindi nya ko matitiis..

Lalo akong nasaktan sa realization ko. Im so selfish..

Palagi nyang sinasabi na hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit sakin at pinapatunayan nya yon, pero isang beses lang nya akong nakalimutan dahil sa emergency nya, gumawa agad ako ng bagay na alam kong ikakaselos nya.. na alam kong masasaktan ko sya..

At ako pa talaga ang naghihintay na suyuin nya kahit malinaw naman na ako yung may kasalanan ng lahat..

Im so selfish!!!



Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now