CHAPTER XLIV (FREEN's POV)

3.4K 172 18
                                    

Hinatid ko muna si Bec sa school nya bago ako pumunta sa office.

Sa office kasi kami magkikita bago kami pumunta sa resort.

Pagbaba ko ng kotse ay nandoon na si Lisa, si Sky at si Tee. Ayaw daw sumama ni Fon dahil busy sa work.

"Lets go.." aya ni Sky.

"Are you that excited?" Tanong ni Tee kaya naman napangiti si Sky.

Crush na crush kasi ni Sky si Lisa, first time nya rin na makakasama to kaya ganito sya kaexcited.

Pinagbukas ng pinto ni sky si Lisa para magkatabi sila pero hindi sumakay si Lisa.

"Dito ako sa unahan.." sabi ni Lisa kay Sky sabay bukas ng upuan sa unahan.

So ang set up eh nasa likod yung dalawa, at si Lisa ang nasa tabi ko.

"Ahm Lisa, may boyfriend ka ba?" Tanong ni sky, pambasag sa katahimikan.

"Hmm.. wala.." matipid na sagot nito.

"Weh? Sa ganda mong yan?" Sabi ni sky na parang hindi naniniwala.

"Im into girls, so you should ask me if I have a girlfriend.." nakangiting sabi ni Lisa sabay lingon kay sky.

Napangiti si sky sa sinabi ni Lisa. Palabiro din pala to. Akala ko hindi marunong makisama.

"So do you have?" Nakangiting tanong ni Sky.

"Wala rin.." nakangiting sagot ni Lisa.

"But I have a girl in my heart for a long time.." nakangiting dugtong nito.

"That girl is already taken, but I dont care.. maghihiwalay din naman sila.." tumatawang sabi ni Lisa kaya tumawa nalang din si Sky.

Kami lang ata ni Tee ang hindi natawa sa sinabi nya kaya naman agad nyang binawi yung sinabi nya.

"Just kidding.." nakangiting sabi ni Lisa..

Pagdating namin sa resort..

Dalawa lang ang kwarto sa isang bahay kaya kailangan bumukod ng dalawa.

"Dito kami ni Tee, dun kayong dalawa sa kabilang bahay.." sabi ko.

"Huh??" Reaksyon ni Lisa na bakas sa mukha nya ang pagkaayaw sa sinabi ko.

"But dito ko gusto, malapit sa dagat.." nakangiting sabi ni Lisa.

"Okay, stay here with Tee. Kami nalang ni Sky ang pupunta sa kabila." Sabi ko. Nang palakad nako papunta kay Sky ay pinigilan ako ni Lisa.

"Wait, iiwan moko sa kanya?" Tanong ni Lisa sakin habang nakahawak sya sa braso ko.

"Dont worry, hindi nangangagat yan" biro ko sa kanya habang tumatawa.

"Am I look pervert?" Tanong ni Tee.

"Mukha lang manyak yan, pero mabait yan. Saka magkahiwalay naman kayo ng kwarto.." sabi ko kay Lisa habang tumatawa.

"You stay here.. with me." Sabi nya sakin.

Parang boss mag command. Nagulat ako sa sinabi nya. Speechless.

"Huh?" Reaksyon ko.

"I rather be with you, than with her.." prangkang sinabi ni Lisa kaya agad natawa si Tee.

"As if naman na gusto kitang kasama.." tumatawang sagot ni Tee.

"Tee.." awat ko kay Tee na tila nabubwisit na. Wala kaming nagawa kundi sundin ang gusto ni Lisa.

Ako at si Lisa ang magkasama sa isang bahay. Pero magkaiba naman kami ng kwarto.

"Fine, I'll go inside.. I wanna rest." Sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay. Pagkatapos kong ituro kung saang kwarto sya mag stay ay dumiretso narin ako sa kwarto ko.




Paghiga ko sa kama ay agad akong nag message kay Bec..

"Love, kakarating lang namin dito. Nagpapahinga lang ako saglit tapos mamaya puntahan na namin yung site.." sabi ko..

"Okay, be a good girl for one week. When you come back home, I'll give you a reward.." sabi ni bec na agad namang nakapagpangiti sakin.

"Okay, I'll be a good girl everyday.." sagot ko sa kanya nang biglang may kumatok sa pinto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang naka balot ng twalya sa katawan.. si Lisa..

Im so speechless. Bakit sya lumabas ng kwarto ng nakaganun?

"Woah bat parang takot na takot ka? Wag kang mag alala hindi kita rereypin." Nakangiti nyang biro sakin.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya

"Walang tubig sa banyo ko, pwede ba akong maligo dito?" Tanong nya sakin.

"Ahh.. Okay sure.." sagot ko kaya naman pumasok sya agad.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama.. tinawagan ko ang maintenance ng resort para sabihin na ayusin ang problema sa banyo.  Pagkatapos non ay tumawag si bec.
Nag videocall kami.

"Hi love.. kakauwi ko lang ng bahay.." sabi nya sakin..

"How's your day?" Tanong ko sa kanya.

"Okay naman.. pero namimiss na kita agad.." nakangiti nyang sagot sakin.

"Where's Tee?" Tanong nya sakin.

"Nasa kabilang bahay sila eh.." sagot ko.

"So are you with Lisa?" Tanong nya sakin.

"Hmm yes.. ayaw nya daw kasing kasama si Tee.." sagot ko.

"Ahhh.. okay.." sagot nya..

Okay na sana, kaso bigla nyang nakita si Lisa na dumaan sa likod ko galing sa banyo.

"Wait, who's with you right now?" Tanong nya.

"Huh?" Reaksyon ko. Lumingon ako at nakita kong lumabas ng banyo si Lisa ng nakabalot ng twalya.

Nang makita nyang ka-video call ko si bec ay lumapit ito at bumati..

"Hello bec.." nakangiting bati nito sabay alis..

Napalunok ako.. alam ko na magseselos si bec dahil dito..

"So thats why she want to stay with you?" Tanong nya sakin na bakas sa mukha ang inis.

"Nakiligo lang sya, umalis na rin sya after." Mahinahong sagot ko, dahil nakikita kona ang pag usok ng ilong nya sa sobrang selos.

"Really?" Tanong nya sakin na bakas sa boses ang pagkainis.

Hindi nga ako nagkamali, ramdam ko yung selos nya hanggang dito.

Ieexplain kona sana sa kanya kung bakit nakiligo dito si Lisa, pero agad nyang pinatay ang phone.

Hinayaan ko lang naman na maligo si Lisa dito dahil walang tubig sa banyo nya. Wala namang malisya sakin yun.

Haaaay.. akala ko ba may tiwala sya sakin? Bakit ang bilis nyang nagalit nung nakita nyang nandito si Lisa sa kwarto ko?

Dahil hindi nya sinasagot yung tawag ko, minessage kona lang sya.

Ayoko rin naman na mag isip sya ng hindi maganda about samin. Dahil mag business partners lang naman kami. And I think yun din naman ang tingin ni Lisa sakin.

"Love, it's not good if we argue about it. I told you that we are just business partners. I'm sure she only thinks of me as a business partner, nothing else. Don't be jealous, don't overthink. She just took a bath here because there was no water in her bathroom. Kaya tinawagan kona yung maintenance para ipaayos yun. Para hindi na to maulit.." text ko sa kanya.



Alam kong nagseselos sya, at ayokong nararamdaman nya yun. Lalo na't malayo kami sa isat isa. Mahirap manuyo kapag ganitong hindi kami magkasama.

.
.
.
.










(Please do like and leave a comment every chapter.. dont forget to follow my account.. Thank you so much. You are my motivation, love you all ❤️)






Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now