CHAPTER LXXII (FREEN's POV)

3.2K 152 26
                                    

Pag uwi namin ng bahay ay agad akong niyakap ni bec..

"Woah. Do you miss me that much?" Tanong ko sa kay bec na nakayakap sakin.

"Hmm.. I miss you everyday.." paglalambing nya sakin. Kaya naman niyakap ko rin sya ng mahigpit..

"I have something to tell you.." sabi nya sakin nang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

"What is it?" Tanong ko.

"I saw your real mother.." simula nya..

"How many times do I have to tell you that she is not my mother.." sabi ko sa kanya sabay pisil sa ilong nya.

"Fine. Kanina nung nasa mall kami ni mama, nakita ko yung babaeng nang iwan sayo noon..." Sabi nya sa akin..

Hindi ako nagsalita kaya inulit nya ito sa akin. Ipinaliwanag nya ng maayos ang sinasabi nya.

"I found out na sya rin yung ex lover ni mama.." sabi nya sakin.. Tinignan ko lang sya pero hindi ako nagsalita.

Naghihintay sya ng reaksyon o response ko sa sinabi nya kaya nagsalita na ako..

"Tapos?" Sabi ko sa kanya.. kaya nagtaka sya kung bakit wala man lang akong reaksyon.

Like what? Do I need to show that im happy to find out? Kailangan ba may reaksyon ako sa nangyayari?

"Anong tapos?? Naiintindihan mo ba ako? Yung ex lover ni mama, sya rin yung babaeng nang iwan sayo noon.." sabi nya sa akin dahil akala nya ay hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya

Ano bang dapat kong maging reaksyon? Dapat ba lumundag ako sa tuwa?

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya. Kailangan ko pa bang magtatatalon o mag tumbling sa mga sinabi nya?

"What else? I already know that one.." sabi ko sa kanya.

"Pano mo nalaman?" Tanong nya sakin.

"Diba sabi ko naman sayo, narinig ko kayong nag uusap ng mama mo about her ex lover.." sagot ko sa kanya.

"Alam mona agad kahit yun lang ang narinig mo?" Tanong nya sakin.

"Shempre nagpaimbestiga ako.. I feel bad about it, kaya inalam ko agad.." sabi ko sa kanya.

"So what does it feel when you found out?" Tanong nya sakin

"Nainis.. sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit yung babaeng yun pa ang naging ex ng mama mo.." sabi ko sa kanya.

"But it doesnt matter, past is past.. Ang mahalaga ay nakamove on na ang mama mo sa kanya at meron na syang ikaw at rich.. Soon magkakaroon na rin sya ng little freen, little becbec at little richie." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay halik sa labi nya.

"Im sure sasakit ang ulo ni mama kakahabol sa tatlo.." nakangiting sabi nya sakin

"Edi tulungan sya ni mami humabol.. exercise nilang dalawa yung paghahabol dun sa tatlong chikiting natin.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Can I ask a question?" Tanong nya sakin.

"Sure.. ano yun?" Tanong sya sabay upo sa kama..

"Ayaw mo man lang bang marinig yung reasons nya kung bakit ka nya iniwan noon?" Tanong nya sakin.

"Kung marinig ko yung reasons nya, maibabalik ba nun ang buhay ni Lea? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkasama kami ng kapatid ko? Hindi naman diba?" Sabi ko sa kanya.

"Pero masasagot nun yung mga tanong mo mula nung bata kapa.. kung bakit sya naging malupit sayo.. kung bakit ka nya iniwan.. hindi mo ba gustong malaman? Matagal mo ng tinatanong yan sa sarili mo diba?" Sabi nya sakin.

"Walang valid reason ang pag iwan sa anak sa gitna ng lansangan.. Ayoko ng marinig ang mga paliwanag sya..." sabi ko sa kanya.

"Yun ba talaga yung reason kung bakit ayaw mo? O baka natatakot ka na patawarin mo sya kapag narinig mona yung side nya?" Tanong nya sakin.

"Hindi nya deserve ang patawarin sa kabila ng mga kasalanan nya sakin.." sabi ko sa kanya.

"See? Ayaw mong marinig yung side nya kasi ayaw mong magpatawad.." sabi nya sakin.. pero hindi ako sumagot..

Somehow, she's right. Ayoko talagang patawarin ang taong yon. Hindi nya deserve na patawarin sya.

"Gusto mo ba talagang mabuhay ng may galit sa puso mo? Gusto mo ba talagang hindi mabigyan ng sagot yang mga tanong sa isip mo?" Tanong nya sakin.

"Love.. wag na muna nating pag usapan to.." mahinahong sabi ko sa kanya kaya hindi na sya nagsalita..






Kinabukasan ay nagpaalam ako kay bec na magkasama kami ni Lisa na pupunta sa puntod ni Lea. Hindi naman na nya pinagseselosan si Lisa dahil tumigil na rin ito sa panghaharot nya sakin.

Pagdating namin sa puntod ay nadatnan namin ang isang babaeng umiiyak..

Oo, sya nga.. ang babaeng nang iwan sakin noon.. umiiyak sya sa puntod ni Lea..

Para ano?

"Kahit anong iyak mo dyan, hindi na yan babangon para patawarin ka." Sabi ko sa kanya kaya agad syang napalingon..

Tumayo sya at humarap sakin..

"What are you doing here?? Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kakapalan ng mukha para magpunta dito.." galit na sabi ko sa kanya kaya agad akong inawat ni Lisa..

"Pwede ba kitang makausap, anak?" Tanong nya sakin.

"Anak?? Ngayon may lakas ng loob ka pang tawagin akong anak pagkatapos mo akong iwanan sa lansangan?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Anak, sana hayaan mo akong magpaliwanag.. at makabawi sayo.." sabi nya sakin.

"Nakaya ko ngang mabuhay ng wala ka eh, bakit ko pa hahayaan na bumalik ka sa buhay ko?" Sabi ko sa kanya.

"Alam ko na mali ako.. Pinagsisihan ko lahat, maniwala ka.." umiiyak na sabi nya sakin sabay luhod at yakap sa hita ko.

"Pano kita paniniwalaan? Ikaw ang unang sumira ng tiwala ko.. Natatandaan mo ba? Nangako kang babalikan mo ko pero hindi mo ginawa.." inis na sabi ko sa kanya.

"Maybe its not the right place to talk about this.. lets look for a good place to talk..." Sabi ni Lisa..
Kaya agad syang tumayo.

Akala nya siguro ay kakausapin ko sya. Pwes nagkakamali sya.

"We dont have to.." sabi ko kay Lisa.. sabay lakad palayo..

Wala akong balak kausapin sya, kahit saglit. Naiirita ako kapag nakikita ko sya. Lahat ng sakit ay bumabalik, lahat ng galit..

Naglalakad na ako papuntang kotse nang biglang sumigaw si Lisa..

"Freen help!!" Sigaw nya kaya napalingon ako.. nakita ko ang matandang babae na nakahandusay sa lupa..

Walang malay..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

(Stay tuned.. leave your comment..)

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now