CHAPTER VIII (FREEN's POV)

5K 258 16
                                    

Naging madalas ang pagkikita namin sa nakalipas na dalawang buwan. Natutulog ako sa bahay nila, at minsan naman ay natutulog sya sa bahay namin kung saan kasama ko ang pamilya ko, at minsan naman natutulog sya sa bahay ko.

Hatid sundo..
Kaya mas napalapit ako sa pamilya nya at ganon rin sya sa pamilya ko.

Kahit na ganon, hindi kopa rin masasabi na we are dating.. hindi ko naman kasi sinabi na gusto ko sya..

Hindi ko kayang sabihin.. kaya pinaparamdam ko nalang. And I hope na nararamdaman naman nya lahat. 

Nandito na naman ako sa iskwelahan nya para sunduin sya.

Well, masaya naman ako palagi kapag hinahatid sundo ko sya.

Pabor rin naman sakin dahil nakakasama ko sya.

Bumaba ako ng kotse para bumili sana ng tubig sa loob ng school pero nakita ko ang dati kong professor at nakipagkwentuhan at kamustahan sakin.

Sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko ang isang grupo ng magkakaibigan.. kasama nila si bec..

May nakaakbay sa kanyang lalaki. 

Medyo nasaktan ako.
Bakit?
Ano ba kami?

Medyo nawala ako sa mood kaya nagpaalam na ako sa professor ko.

Hindi na rin ako bumili ng tubig. Hinintay kona lang sya sa kotse.

Maya-maya ay dumating na sya..

Si bec..

"Kanina ka pa?" Tanong nya sakin.

Malalim ang iniisip ko kaya kahit narinig ko sya, hindi ko sya sinagot.

Pakiramdam ko ay nagtataka na sya kung bakit tahimik lang ako.

"May problema ba?" Tanong nya..

"Wala." Cold na sagot ko.

"Bakit parang ang cold mo ngayon?" Tanong nya na halata sa boses ang pag aalala.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong nya ulit pero hindi ko pa rin sya sinasagot.

Kaya tumahimik nalang sya.. pero hindi sya nakatiis..

Matapos ang sampung minutong katahimikan, nagsalita ulit sya.

"May nagawa ba kong mali o dimo gusto?" Tanong nya sakin.

"Wala.." cold na sagot ko.

"But it feels like I've done something.." sabi nya na puno ng pagtataka.

"Galit ka ba?" Tanong nya sakin.

"Should I?" Tanong ko sa kanya sa mababang tono ng boses.

Kita ko sa expression ng mukha nya na naistress na sya.

Ewan ko ba. Naiinis ako. Wala ako sa mood.
Hindi naman kami magjowa. Pero bat ko to nararamdaman?

Nandito na kami sa labas ng bahay nila pero dipa rin kami bumababa ng kotse.

Humarap sya sakin at niyakap nya ang braso ko.

"I love you.." paglalambing nya sakin habang nakayakap sya sa braso ko at nakatitig sakin.

Oo lagi syang ganyan. Straightforward. Showy. Unlike me.

"Gamer.." mahina kong sinabi na naging dahilan para bitawan nya ang braso ko.

"Gamer?" Ulit nya.

Tinignan ko sya.

"I need to go.." sabi ko sa kanya para bumaba na sya ng kotse. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now