CHAPTER LXXVIII (MARIE's POV)

3K 171 34
                                    

Pagkatapos nilang mag inuman ay nag siuwian na ang mga kaibigan nya.

Inakyat na ni Freen si bec dahil masyado itong nalasing. Kaya naman inalalayan nya ito patungo sa kwarto.. Habang ako naman ay nagliligpit ng mga pinag gamitan nila.

Ang sarap sa pakiramdam na pinagsisilbihan ko ang sarili kong anak.. Mga bagay na hindi ko nagawa noon sa kanya.. Dahil pinili kong maging malaya kesa magpaka ina sa kanya.

Habang naghuhugas ako ng plato ay parang may nakatingin sa akin..

Hindi nga ako nagkamali.. dahil pag lingon ko ay nakita kong nakatayo sa likod ko si freen habang nakasandal sa pader at nakatingin sakin.

"Oh bat dika pa magpahinga?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang mag pahinga.. Paano ka gagaling kung  inaabuso mo yang katawan mo?" Inis na sabi nya sakin kaya ngumiti ako.

Totoo ba to? Concern sya sakin?

"Bat ka ngumingiti? Anong nakakatuwa sa sinabi ko?" Tanong nya sakin.

"Masaya lang ako na nag aalala ka sakin.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi ako nag aalala sayo.. Gusto kong bumuti yung lagay mo para makaalis kana dito.. Ang sakit sa dibdib sa twing nakikita kita.." sabi nya sakin kaya naman yung ngiti ko ay unti unting nawala..

Ang sakit sa dibdib na narinig ko sa kanya ang mga salitang yon. Gusto nya akong gumaling para makaalis na ako dito. Ganun nya kaayaw sakin??

Ang sakit isipin na para akong tinik sa dibdib nya.. na sa twing makikita nya ako, bumibigat anv pakiramdam nya.

Pero hindi ko sya masisisi.. dahil mas malala pa yung sakit na pinaramdam ko sa kanya noon.. Alam kong hindi pa sapat na kabayaran to sa lahat ng pasakit na binigay ko sa kanya noon.

"Magpahinga kana.. Ako na ang gagawa nyan.." sabi nya sakin sabay agaw sa sponge na hawak ko.. Nagsimula na syang mag hugas ng plato habang ako ay nasa likod nya lang..

"Pasensya kana.. kung huli na nung narealize ko na ayaw kitang mawala.." sabi ko sa kanya habang naghuhugas sya ng plato..

"Hindi kita masisisi kung bakit ganyan kalalim yung galit mo sakin.. pero sana wag mo akong pigilan na makabawi sayo ngayon.." sabi ko sabay pahid sa luhang nag uunahang pumatak galing sa mga mata ko..

"Ang sabi ko matulog kana.." inis na sabi nya sabay harap sakin.

"Nagsisisi ako na naging malupit ako sayo noon.. na iniwan kita sa kalye.. pero maniwala ka man o hindi.. bumalik ako.. Paulit ulit akong bumabalik.. kasi hindi ko kayang mawala ka.. Araw araw kitang namimiss.. Araw araw akong bumabalik kung saan kita iniwan.. nagbabaka sakali ako na makikita kita ulit.." umiiyak na sabi ko habang pinupunasan ang pisngi kong basang basa ng luha.. Hindi kona napigilan ang humagulgol..

Humarap sya sakin nang may namumuong luha sa mata.. At nakikita kong pinipigilan nyang maiyak para ipakita sakin na hindi na sya nasasaktan..

"Ang dami mong sinasabi.." sabi nya sakin sabay walk out.. Pero agad ko syang sinundan..

"Hindi ko sinasadya anak.." umiiyak na sabi ko sa kanya kaya huminto sya sa paglalakad at humarap sakin.

"Hindi mo sinasadya?? Pinamigay mo yung kambal ko, hindi mo man lang kami binigyan ng pagkakataon na magkakilala.. Araw araw mo akong binubugbog.. araw araw mong pinaparamdam sakin na isa akong pagkakamali.. iniwab mo ko sa kalye na para bang wala kang pakielan kung mamatay ako sa gutom.. Tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi mo sinasadya??" Umiiyak na sigaw nya sakin.


Halos naiyak ako sa sinabi nya.. Maging ako ay nasasaktan dahil hindi ko man lang nakasama si Lea.. at mas pinili ko pang iwan si Freen noon..

Bakit ba ang selfish ko?

"Araw araw pinagsisisihan ko.." sabi ko sa kanya pero dina nya ako pinatapos magsalita.

"Pinag sisisihan??!! Aanhin ko yang pagsisisi mo?!" Sigaw nya sakin habang tumutulo ang luha nya.

"Wala akong pamilya.. Hindi ko alam kung paano ko kayo bubuhayin.. Wala akong katuwang.. Wala akong trabaho... Kaya pinili kong ipamigay ang isa sa inyo.. Dahil mas hindi ko kakayanin ang makita kayong mamatay dahil sa gutom.." umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kakayanin kapag namatay kami sa gutom? Nakalimutan mo na ba kung ilang beses mo kong pinagtangkaan na patayin?" Umiiyak na sabi nya..

"Hindi ko makakalimutan yun.. Yung sarili kong ina, hindi lang isang beses akong pinagtangkaan na patayin..." Umiiyak na sabi nya at naupo sya sa sofa..

"Oo inaamin ko.. dumadating ako sa point na gusto kitang patayin.. Pero hindi ko ginawa.. kasi hindi ko kaya.." umiiyak na sabi ko aa kanya.

"Kaya iniwan mona lang ako sa lansangan?? Ganon mo kaayaw sakin diba?" Nakangiting sabi nya habang tumutulo ang luha.

"Iniwan kita kasi hindi ko kayang pigilan yung sarili ko na saktan ka araw araw.. Hindi ko maiparamdam yung pagmamahal na dapat ay sakin mo unang nararamdaman.." umiiyak na sabi ko sa kanya.

"So sa tingin mo yung pag iwan mo sakin noon, nagpapakita ng pagmamahal??" Sigaw nya sakin.

"Hindi.. pero alam kong makakahanap ka ng pagmamahal.. na hindi ko magawang ibigay sayo noon.. Ginahasa ako.. At kayo ni Lea ang bunga ng pambababoy sakin noon, kaya kahit gusto kong iparamdam na mahal kita, hindi ko magawa.. dahil sa twing makikita kita, ang naaalala ko ay yung pang bababoy sakin.." umiiyak na sabi ko sa kanya.. Hindi na sya sumagot..

"Alam kong naging masama akong ina, marami akong naging maling desisyon.. isa na dun yung pinili kong hindi magpaka ina sa inyo ni Lea.. Araw araw kong pinag sisisihan lahat... Patawarin mo ko.." sabi ko sa kanya. Hindi kona napigilan ang humagulgol..

"Akala mo ba ganun kadali ang patawarin ka?" Tanong nya sakin habang umiiyak.. Tumayo sya para sana umakyat sa kwarto pero agad ko syang pinigilan. Lumuhod ako sa harap nya at niyakap ko sya..

"Alam kong hindi madali.. pero sana wag mo akong pigilan para makabawi sayo anak.. Wag mo sana akong tanggalan ng paraan para iparamdam sayo na mahal kita.. anak ko.." umiiyak na sabi ko sa kanya habang naka yakap ako sa kanya..

Hindi sya nag salita. At pilit nyang inalis ang pagkaka yakap ko sa kanya.. Nang maalis nya ang pag kaka-yakap ko ay agad na syang umakyat sa kwarto..

Iniwan nya akong humahagulgol sa pag iyak..

Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako anak ko.. Gusto ko na bago ako mawala sa mundong to, mapatawad mo ako.. Yun ang pinaka magandang mangyayari sakin.. Yung mapatawad ako ng pinaka mahalagang tao sa buhay ko..
.
.
.
.
.
(Please vote and leave a comment.. Lahat po ng comment nyo ay nababasa ko. Lakas maka motivate.. Thank you🖤)

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon