CHAPTER XII (FREEN's POV)

5K 206 19
                                    

Napakasarap sa pakiramdam na tanggap nila kung ano ang meron kami ni becky.
Sana wala rin maging problema sa pamilya ko, dahil ayokong mag iba ang tingin nila kay bec..

"Ate freen, salamat dito sa shoes ah" nakangiting sabi ni Rich.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Limited edition pa talaga, ang ganda.." tuwang tuwa na sinabi ni Rich habang sinusukat ang sapatos.

"So eto yung iaabot mo kay Rich na ayaw mong sabihin sakin?" Tanong ni Bec na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.

Para akong igigisa sa mantika..

Kung nakakasugat lang ang tingin, malamang ay duguan na ako. Ang talim ng tingin nya sakin.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako sumagot.

"Freen, hindi kana sana nag abala..." Sabi ni mama nya. Alam kasi nila na ayaw ni bec na bumibili ako ng kung anu-ano para sa pamilya nya lalo na at wala namang okasyon.

"Wala kang balak sumagot?" Pagmamaldita nya sakin.

"Love.. kasama sa top10 si Rich.. reward ko lang sa kanya yon.." paliwanag ko sa kanya habang pinipiga ang braso nya bilang pampakalma..

"Kung may dapat magreward, ako yun... Ako yung ate nya eh." Sabi nya sakin habang bakas sa mukha nya ang inis.

"Hindi nya ba ako ate?" Tanong ko sa kanya ng mahinahon.

Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"You know what I mean!" Sabi nya sakin habang nakatitig sakin ang nanlilisik nyang mga mata..

Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Gusto ko lang naman bigyan ng gift yung kapatid mo kasi masaya ako na nag aaral sya ng mabuti..." Mahinahon kong sinabi at sinubukan ko ulit na pakalmahin sya..

Niyakap ko sya.. "wag ka ng magalit.." bulong ko.

Inalis nya ang yakap ko sabay walkout. Umakyat na sya sa kwarto at iniwan kami.

Tumingin ako sa papa nya..

"Naiintindihan ko ang punto mo, pero kung pag aawayan nyo ni bec ito, next time you should know what to do.." mahinahong sabi ng papa nya.

"Nagpapasalamat ako kasi tinuturing mong kapatid si Rich.. tinuturing mo kaming pamilya.." sabi naman ng mama nya.

"Sorry ate, dahil sakin nag away pa kayo.." sabi ni Rich.

"Wag mong isipin yon, ako ang bahala dun.." nakangoti kong sinabi..

"Pagbutihan mo ang pag aaral mo.." dagdag ko pa.

"Sige na umakyat kana sa taas, mukhang kailangan mong manuyo ng dragon" biro ng papa nya.

Natawa naman ako.

Ganon nya rin siguro suyuin si mama.

Umakyat na ako sa kwarto.
Nadatnan ko syang nakaupo sa kama at nanlilisik parin sa inis ang mga mata nya.

Lumapit ako at niyakap sya pero inalis nya ang kamay ko at lumayo.

"Love..." Bigkas ko..

"Kailangan ba nating pag awayan yung ganitong bagay? Kapatid mo naman yun eh" mahinahong sabi ko. Sinubukan ko ulit syang yakapin pero tinanggal nya ulit at lumayo sakin.

"Love.." bigkas ko sabay back hug sa kanya.
Hindi nya agad naalis ang pagkakayakap ko kaya hinalikan ko na ang balikat nya papuntang leeg.

Hinawakan nya ang kamay ko na nakayakap parin sa kanya. 

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now