CHAPTER LXVI (FREEN's POV)

3.1K 147 9
                                    

Ayoko syang makita pero pilit akong dinadala dito ng mga paa ko..

Sa bahay ng babaeng iniwan ako..
Tinignan ko ang paligid, sinigurado kong walang tao bago ako lumapit sa puno kung saan nya ako palaging ginagapos..

Akala ko ba time heals every wounds?.. pero bakit kahit gaano na katagal yung pangyayaring yon, nasasaktan parin ako ngayon.

Naging sariwa ang lahat ng sugat nang lumapit ako sa punong ito.. Naaalala ko parin ang lahat.. Malinaw na malinaw sa isipan ko ang bawat pangyayari..

Malinaw na malinaw kung paano nya ako hatawin ng walis tambo habang nakagapos.. Kung paano nya ako sabunutan at ingudngod sa platong puno ng panis na kanin... Kung paano nya takpan ng unan ang mukha ko habang natutulog ako sa gabi.. Lahat yan naging sariwa ulit sa alaala ko..

Hindi ko mapigilan ang maiyak nang maalala ko ang pagmamalupit nya sakin..

Isang boses ang umawat sakin sa pag iyak..

"Ineng.. Sino ka? At bakit ka umiiyak dito sa bakuran ko?" Mahinahong tanong ng isang babae..

Paglingon ko ay nakita ko ang maamong mukha ng isang babae..

Lalo akong naiyak nang makita ko mismo sa harapan ko ang babaeng nang iwan sakin noon..

Ang kirot..

Gusto ko syang sigawan.. Gusto ko syang sumbatan.. pero wala akong magawa.. ni hindu ako makapagsalita.. ang tanging nagawa ko lang ay humagulgol sa iyak..

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin at nang tangka nya akong hawakan ay agad akong umiwas..

Tinignan ko sya ng masama..

Paano nya nagagawang tanungin kung okay ako na para bang wala syang ginawang masama sakin?

Pano mo nakalimutan ang punong to kung saan mo ko muntik ng patayin?

Hindi na ako nagsalita at umalis nalang ako.


Pagpasok ko sa kotse ay hindi kona napigilan ang sarili kong humagulgol sa pag iyak..

"What happened?" Nag aalalang tanong ni becky sakin. Iniwan ko kasi sya sa kotse..

Hindi ako sumagot.. Umiyal lang ako ng umiyak hangganb sa patahanin na ako ng yakap nya.

"Paano nya nakukuhang maging masaya? Paano nya ako nakuhang kalimutan nalang?" Umiiyak na sigaw ko sabay hampas sa manibela..

"Dalawang buhay ang sinira nya, pero bakit sya nagiging masaya?!" Galit na sigaw ko habang umiiyak..

"Calm down.." sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko.

"Pano ako kakalma? Nakita ko yung babaeng yon at mismong sa harap kopa talaga!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Ang sakit sakit.." sabi ko sabay dukdok sa manibela.. Hinimas nya ang likod ko.. pahiwatig na nandyan sya kapag kailangan ko sya..


Pagtapos kong umiyak ay pumunta naman kami sa puntod ni Lea.. Gusto ko sana makilala nya si bec.. pero sa mas maayos na sitwasyon sana.. hindi sa ganito.. pero wala eh, huli na ang lahat.. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isat isa dahil sa babaeng yon.

"Lea, si bec nga pala.. wifey ko.." sabi ko sabay hawak sa kamay ni Bec..

"I wish naipakilala ko sya sayo sa mas maayos na sitwasyon, hindi sa ganitong paraan.." Sabi ko..

"Lea, alam mo ba magiging mabait na kapatid si freen sayo kung nabubuhay ka pa.. Kasi naging mabait na ate sya sa kapatid ko.." nakangiting sabi ni bec na nagpangiti sakin..

"Mabait syang kaibigan, mabait syang kapatid, mabait syang anak at higit sa lahat.. mabait syang karelasyon.." nakangiting sabi ni bec..

"Kaya mahal na mahal ko tong kapatid mo.. sayang at hindi kayo nabigyan ng pagkakataon para maiparamdam ang pagmamahal ninyo sa isat isa.." sabi ni bec sabay hawak sa kamay ko..

"Alam mo ba? Nagseselos na nga si bec sakin dahil mas close na kami ng kapatid nya.. I wish you were here, I wanna know if magiging ganun din ba tayo kaclose.." nakangiting sabi ko..

Masaya kaming nakikipag usap sa puntod ni Lea nang biglang nagsalita ang isang babae.

"Tama ako, dito ka pupunta.." sabi nya na biglang nagpalingon samin ni bec..

Tinignan ko sya ng masama dahil kapag nakikita ko sya, wala akong maalala o maramdaman kundi galit..

Buti nalang nandyan si bec, hinawakan nya ang kamay ko para pakalmahin ako.

"Lets go.." aya ko kay bec sabay hila sa kanya pero may sinabi ang babaeng yon na nagpatigil sakin..

"Anak.." sabi nya na agad na nagpatigil sakin.. Inutusan ko si bec na pumunta na sa kotse.. dahil ayokong makita nya akong magtransform dahil sa galit..

Pagkaalis ni bec ay agad kong kinausap ang babaeng nasa harap ko..

"Alam kong ikaw ang anak ko, pero hindi ako nagpakilala kanina dahil nahihiya ako sa ginawa ko sayo.." mahinahon nyang sabi sakin.

Tinawanan ko sya..

"Kung nahihiya ka, sana hindi kana lang nagpakilala ngayon.." Nakangiting sabi ko sa kanya habang may namumuo ng luha sa mata ko..

"Anak.." tawag nya sakin kaya agad ko syang sinigawan.

"Hindi mo ko anak! Wag na wag mo kong tatawaging anak!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang galit ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.. pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang galit..

"Im sorry.." umiiyak na sabi nya
.

.
.
"Sorry? Sa tingin mo mabubura ng sorry mo ang lahat ng kasalanan mo sakin? Saming magkapatid?!" Sigaw ko sa kanya.

"Alam kong hindi sapat.." sabi nya pero diko na sya pinatapos magsalita..

"Talagang hindi! Dahil kahit mamatay ka sa harap ko, hindi kita kayang patawarin!" Sigaw ko sa kanya.. Hindi ko gustong sabihin to mismo sa harap nya pero hindi kona napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang galit..

"Masaya akong nakita kitang maayos ngayon.." nakangiting sabi nya sakin..

"Kung masaya ka, ako hindi! Hindi ako masayang makita ka!" Sigaw ko sa kanya.

Nang marinig ni bec na sumisigaw na ako ay agad syang lumapit para awatin ako.

"Get inside the car!" Sigaw ko kay becky nang hawakan nya ang braso ko para awatin ako.

"Calm down.." mahinahong awat nya sakin.

"Its okay.." nakangiti nyang sabi kay bec na lalong nagpainis sakin.

"Stop acting like an angel, hindi bagay sayo!" Sigaw ko sa kanya.

"Love, enough.." awat ni bec sakin..

"Nakalimutan mo na ba ang lahat ng pinag gagawa mo?! Kasi kung nakalimot kana, ako hindi!" Sigaw ko sa kanya..

Ang nagpainis pa lalo sakin ay nginingitian nya ako kahit nakikita nya akong galit na galit sa kanya..

"How can you smile like that?" Inis na sabi ko..

"Im sorry.." malungkot na sabi nya.

"Hindi kita mapapatawad.." inis na sabi ko sa kanya sabay hila kay bec papunta sa kotse..

Umalis na kami. Dahil kung dipa kami umalis, siguradong marami akong masasabi na tiyak na pagsisisihan ko sa huli..


"Ayokong nakikita kang ganun.. galit na galit.. nawawala yung freen na nakilala ko kapag nagagalit ka.." sabi ni bec sakin.

"Kaya nga kita pinapasok sa kotse diba? Bat ba kasi bumaba kapa?" Sabi ko sa kanya.

"Wag mong hayaan na maging masama kang anak... Dahil lang sa hindi sya naging mabuting ina sayo.." nakangiti nyang sabi sakin..

Alam ko naman na gusto lang ni bec na mapabuti ako. Pero kapag nakikita ko talaga ang babaeng yon, ang bilis uminit ng ulo ko.. Bumabalik lahat ng sakit, ng galit.. Ang hirap pigilin.. Ang hirap tanggalin..

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now