CHAPTER XXXIX (FREEN's POV)

3.7K 166 18
                                    

Nkaupo kami sa sala habang nag iinuman.. Si bec naman ay nasa kwarto, naliligo.

"Big boss kana ngayon ha.." pang aasar sakin ni Cher habang tumatawa..

"Siraulo.." sabi ko..

"Btw, ang ganda ng jowa mo.." nakangiting sabi ni Cher.

Pagbaba ni Bec ay napanganga si Jim sa suot nya.

"Bec, you're so damn hot... Nice dress!." sigaw ni Jim na bakas sa mukha ang paghanga..

"Thank you.." nakangiting sagot ni bec na nakasuot ng maikling dress na pasando ang style.. revealing..

Pagkaupo nya sa tabi ko ay yumakap agad sya sa braso ko..

"Go get a nice shirt.." bulong ko sa knya.

"But jim said it's a nice dress..." sabi nya sakin. Sabay paawa. Mahilig kasi syang magsuot ng mga pang sexy na damit kapag ganitong gabi na.. pero shempre, hindi sya pwedeng magsuot ng ganun ngayon dahil may iba kaming kasama..

"No, its not. Too revealing.. Change your clothes now. Stubborn kid." Sabi ko sabay irap.

"Woahh. You're so cute together.." nakangiting sabi ni Cher. Kaya naman nginitian sya agad ni bec bago ito umakyat para magpalit ng damit.

"Btw, nabalitaan ko na galing daw sa office mo si Lisa.. Anong meron?" Tanong ni Sky.

"Huh? Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Nakafollow ako sa IG at twitter nya.." sagot ni Sky.

"Saka maraming followers yun, maganda kasi tapos ang galing pang sumayaw.." dugtong pa ni Sky.

Ngumiwi lang ako. Panigurado kasing type na naman ni Sky to.

"We're business partners now.." sabi ko.

"Ahhh.." response ni Sky..

Pagbaba ni bec ay inabot nya sakin ang phone ko. Hindi ko naman hinihingi pero binigay nya. Kaya naman nilapag ko lang to sa table.

Wait, bakit parang wala sya sa mood? Dahil ba sa pinagpalit ko sya ng damit?

Tuloy tuloy ang kasiyahan ng lahat habang si bec naman ay tahimik lang.

"Love.. are you okay?" Tanong ko sa kanya dahil napansin ko na kanina pa sya tahimik.

"Please.. dont talk to me.." sabi nya sakin sabay irap. Bakas sa mukha nya ang inis. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Huh??" Reaksyon ko. Bakit nya sinabi yon? May nagawa ba ko?

Hindi na nya ako pinansin. Bigla syang tumayo at nagpaalam.

"I'll go upstairs.. im not feeling well.." sabi ni Bec..
Agad namang nag worry si Jim.

"Woah. Maybe you're tired.. Take a rest bec.." sabi ni Jim.

Tumayo ako para tignan kung mainit ba sya pero hinawi nya ang kamay ko saka sya umalis.

Anong problema nun?

Masama ba ang pakiramdam nya o galit lang sya sakin?

Hinayaan kona lang muna syang magpahinga. Naupo ulit ako at nakipagkwentuhan.

"Lets sing.. get a guitar.. I miss Freen's voice, hindi kana nakakapag upload ng video sa channel mo.." sabi ni cher na palagi palang nakaabang sa mga pinopost kong video.

"Woah. Naka subscribe ka ba?" Tanong ko habang nakangiti.

"Aba shempre, naka notify pa sakin yon noh" sabi ni cher.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now