CHAPTER XXIV (FREEN's POV)

4.3K 179 4
                                    

Uwian time..

"Mag ingat kayo sa pag uwi." Sabi ko habang nag aayos na sila ng mga gamit bago sila mag alisan.

Tumingin ako kay Bec na nag aayos na rin ng gamit.

"Ms. Rebecca, maiwan ka. please come to my office. Marami pa tayong tatapusing paperworks." Sabi ko sa kanya.

"Maam, bat hindi nalang po ako ang ipaiwan nyo? Mas maalam naman po ako kesa kay becky.." sabi ni Heidi na halata sa boses ang pang lalandi.

"Ano pa bang hindi mo alam dito sa company ko?" Tanong ko kay Heidi.

"Gamay kona po ang lahat ng pasikot sikot dito maam, kaya ako nalang ang ipaiwan mo.." nakangiting sabi ni Heidi..

Tumingin ako kay Bec. Nakita ko na masama ang tingin nya kay Heidi habang umuusok na ang ilong sa sobrang inis. Kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong duguan na tong si Heidi sa sobrang talim ng tingin sa kanya ni becky.

"Exactly..." Sagot ko kay Heidi.

Ngumiti sya dahil akala nya ay ipapaiwan ko sya.

"You know everything in this company.. ano pa ang ituturo ko sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Becky is our new intern here.. kailangan ko syang tutukan, kailangan ko syang turuan, kailangan ko syang itrain para malaman din nya lahat ng nalalaman mo dito sa company ko.."  sabi ko pa.

Natahimik si Heidi sa sinabi ko.

"I think, I can help you with that.." sabi ni Heidi

"I can manage.." sagot ko.

"Bec, come here.." sigaw ko kaya agad namang nataranta si Bec at nagtungo sakin.

"Just go home and rest." Sabi ko kay Heidi sabay hila kay bec papasok sa loob ng office ko.

Haaaaaay. Ang hirap magpanggap na hindi kami mag jowa. Anytime na makita ko sya, gusto ko yang yakapin pero hindi pwede dahil nandito kami sa office at ayokong makasira sa internship nya.

"Nasan na yung mga paperworks na sinasabi mo?" Nakangiting tanong nya sakin sabay tingin sa malinis kong table.

Umupo ako sa sofa na nasa loob ng office ko. Tumingin ako sa kanya at ng makita kong nakatingin sya sakin ay nahiya ako kaya umiwas ako ng tingin.

Ngumiti sya at lumapit sakin.

"May gusto ka bang sabihin?" Nakangiti nyang tanong sakin.

Tumingin ako sa kanya habangnakatayo sya sa harap ko.

"I...." Sabi ko pero diko matuloy dahil nahihiya ako.

"What?" Tanong nya.

"I should have a reward.." sabi ko sabay cross ng mga braso ko, at umiwas ng tingin sa kanya.

Ngumiti sya..

"Reward for?" Tanong nya at nagpamewang sa harap ko.

"Because Im a good girl.. you know? Good girls should have a reward.." explain ko sa kanya.

"Ow.. so you think you are a good girl today?" Nakangiting tanong nya sakin sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Always.." sagot ko sa kanya.

Ngumiti sya at tumabi sakin.

"What reward do you want?" Nakangiti nyang tanong sakin sabay yakap sa braso ko.

Tumingin ako sa kanya ng may nakakalokong ngiti.

Hinampas nya ako sa braso sabay sabi ng..
"Pervert.."

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now