CHAPTER I (BECKY's POV)

24.5K 374 64
                                    

I am Becky. A third year highschool student. Hindi ako katalinuhan, pero matiyaga ako pagdating sa pag aaral. Hindi naman sa pagyayabang, pero lagi akong top 1 sa klase. Kaya naman medyo sikat ako sa school namin, kinukuha rin kasi akong panlaban sa ibang school.
Pero kung usapang sikat, may kilala ako.
Maganda..
Mabait..
Humble..
At varsity ng school namin..
Si Freen.
Oo crush ko sya.
Kaya naman finollow ko sya sa IG, twitter, facebook at tiktok nya.
Masyado ba akong obvious?
Hindi naman siguro no?

INTRAMS DAY.
Magkabukod ang building ng highschool sa building ng college. Kaya naman dumadayo pa ako sa kabilang building para panoorin sya sa laban nya.

Shempre kasama ko ang very supportive kong bestfriend na si Ron. Oo lalaki sya. Straight. Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, and I hope na ganun rin sya sakin.

Pagdating namin sa court, ang daming tao. Ang daming sumusuporta sa kanya. Magaling kasi syang maglaro and at the same time, magaling din sya sa acads. So pano ko ba sya hindi magugustuhan diba? Nasa kanya na lahat.

Pagdating namin sa court nakita namin ang tropa ni Ron na nasa harapan. Kung saan kitang kita nila yung naglalaro. Kaya naman pumunta agad kami sa tabi nila para mas makita namin ng maayos ang laro nila.

Shempre ang daming nagchicheer kay freen. Halos pangalan nya ang naririnig ko na isinisigaw ng mga kababaihan.
Hindi pa kami pero parang gusto ko ng magselos sa sobrang dami kong kaagaw.

Sa gitna ng laban, sa hindi inaasahang pagkakataon, tinamaan ako ng bola. Kaya naman agad akong natumba. Shempre to the rescue ang bestfriend kong si Ron.

"Are you okay?" Tanong sakin ni Ron.
"It hurts" sagot ko sakanya.

Nagulat ako nang biglang lumapit sakin si freen.
"Are you okay miss?" She asked me.

"Im sorry, hindi sinasadya ng teammate ko" sabi pa nya at hinawakan ang kamay ko para tulungan akong tumayo.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sa sobrang tuwa, para bang gusto ko nalang tamaan ulit ng bola sa susunod nyang laro para hawakan nya ulit ako.

Nang makatayo na ako, bigla syang tinawag ng ka-teammate nya kaya naman tinapik nya ako sa balikat at nagtungo na sya sa mga kateam nya.

4th quarter na, patapos na ang laban. Nakita ako ng teacher ko.

"What are you doing here?" Tanong sakin ni Sir Dan.

"Sumusuporta po sa school sir" sagot ko na medyo nahihiya.

"Hmm.. baka sumusuporta sa crush mo? Kasi kung sa school ang suporta mo, pwede ka namang manuod dun sa laban ng highschool. Pero nandito ka sa college." Sagot ni sir sakin na para bang alam nya kung sino ang gusto ko dun sa naglalaro.

Sa sobrang speechless ko, napangiti nalang ako. Ayoko na kumontra dahil totoo naman.

"That smile is an answer.." nakangiting pang aasar sakin ni sir.

AFTER THE GAME,

Lumapit sakin si Freen.
"Are you okay now?" She asked me. Kita ko sa mata nya yung pag-aalala nya.
I smiled and say "Yes, im okay now."
"Good to know that you're okay now" she said.

May sasabihin pa sana sya pero tinawag na sya ng mga ka-team nya para makapag celebrate na sila.

Kaya naman tinapik nya lang ako ulit sa balikat, saka sya tumakbo papunta sa mga ka-team nya.

"Let's go home bec, im tired." Sabi ni Ron habang bitbit nya ang dalawang bag na punong puno ng gamit. Shempre ang isa don ay kanya, at yung isa ay akin.

Magkapitbahay lang kami ni Ron kaya naman lagi kaming sabay pumasok at umuwi kahit na hindi kami magkaklase.

Oo ahead sya sakin. Graduating na sya at ako naman ay 3rd year pa lang.

Habang naglalakad kami pauwi, hindi ko maitago ang ngiti dahil sa sobrang saya ko.

"Ang saya ko." Nakangiti kong sinabi kay ron. Kaya naman napatingin sya sakin.

"Ang saya saya ko. Hinawakan nya yung kamay ko." Nakangiti kong sinabi. Ewan ko ba. Kinikilig parin ako.

"Fyi, hinawakan ka nya kanina para tulungan kang tumayo dahil tinamaan ka ng bola" kahit kailan ay panira ng moment tong si Ron eh.

"Kaibigan ka ba talaga?" Inis kong sabi at sabay irap sa kanya.

Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa labas ng bahay namin.

"Pumasok kana nga. Dun kana sa loob mag daydream" pang aasar sakin ni Ron.
Kaya naman pumasok na ako sa loob dahil baka mag F.O lang kami. Char.

SA KWARTO KO

Wala naman akong assignment kaya inubos ko ang oras ko sa pag stalk sa account ni freen.

Nakita ko ang post nya, nakatalikod sya sa picture habang suot ang jersey nya.

"Ang cute ng surname mo, bagay sakin" comment ko sa picture nya.

Omg ang landi mo becky.

Lahat ng post nya naka heart reac ako, mapa-facebook, twitter, tiktok at instagram.

Feeling ko nga kilala na nya ako dahil sa notifs na natatanggap nya sa mga social media nya.

Palagi naman akong nagcocomment. Pero ni isang react wala akong natatanggap.

In short, HOPIA.

Walang pag-asa.

Okay lang, famous eh. O baka tamad makipag usap.

Basta gusto ko sya.

Omg! Bat ba ako nababaliw ng ganito sa kanya.

Graduating na sya this year. Hindi kona sya makikita. Iniisip ko palang, nasasaktan na ako.







(Please leave a comment about how you feel about the story..❤️)





Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon