27

80 7 0
                                    

NAIWAN akong mag isa rito sa mini restaurant. Iniwan ako ni Chandler na may pagtataka. Napaka bastos niya talaga, nagtatanong pa ako eh!

Tinanong ko siya kung anong OLD at COLD ang pinagsasabi niya kaso nagpaalam na lang bigla ang mokong! Kaya naman eto ako ngayon, parang tangang iniisip pa rin ang sinabi niya.

Bigla rin akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Matunog akong bumuntong-hininga at tumayo. Hindi niya naman siguro kasama si Lance. Nagbayad na ako at lumabas na ng restaurant.

Hindi na muna ako bumalik sa room ko, sa halip ay dumiretso ako sa tabi ng dagat. Hinayaan kong mabasa ng dagat ang mga paa ko. Napangiti ako at saglit na napatulala sa dagat.

Pakiramdam ko kapag nandito ako sa Villa Agatona hindi ko mararamdaman na nag iisa ako. Gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko ang tanawin rito.

Ilang saglit pa akong nakatayo sa pwesto ko hanggang sa unti-unti ng lumulubog ang araw. Hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti sa'king labi habang nakatingin sa papalubog na araw.

The sunset became my comfortzone. From orange yellow to flamboyant pink, the clouds painted with changing colours as the sun goes down.

Napaka romantic nitong tingnan at kahit na sino ay gustong abangan ang paglubog nito.

Hinintay ko pang lumubog ng tuluyan ang araw bago ako nagdesisyon na bumalik na muna sa room ko. Tatalikod na sana ako ngunit agad rin akong nabunggo sa dibdin ng kung sino.

Napangiwi ako at agad na napahawak sa aking noo. Shutangina, ang tigas naman ng dibdib nito! Pagkaangat ko ng tingin sa kaniya ay dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata kasabay nito ang paglaglag ng aking panga.

Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin ng mariin. Nang matauhan ay agad akong lumayo ng kaunti sa kaniya at umiwas ng tingin.

"'Wag ka ngang humarang-harang d'yan! Tabi... dadaan ako!" singhal ko habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

Aktong lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang siko ko para pigilan dahilan para mapaatras ako at mapabalik sa pwesto ko kanina.

Mabilis na kumunot ang noo ko at masama siyang tiningnan. "Ano bang problema mo!?"

Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga at unti-unti siyang lumapit sa akin. "Bakit ka biglang umalis kagabi?"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya dahilan para magtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Malalim ang tingin niya sa'kin habang binabasa ang ekspresyon ko.

"Wala ka ng pake dun!" singhal ko.

Agad nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kita ko ang inis sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"About last night..." he trailed off. "Are you jealous?" tanong niya gamit ang malambing niyang boses

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya nang makitang hindi ako makasagot.

"B-bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita?" nag ipon pa ako ng lakas ng loob bago para sumagot. "Kahit makipag chukchakan ka pa sa iba't ibang babae, hinding hindi ako magseselos Lance."

Matalim ko siyang tiningnan bago walang pasabi siyang nilagpasan.

"Alison the girl you saw last night was my ex girlfriend's cousin..."

Napahinto ako sa narinig at unti-unting lumingon sa kaniya. Nakayoko na siya ngayon at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

Matunog akong ngumisi. "Manloloko! Eh bakit ka niya hinalikan?"

Matunog siyang bumuntong-hininga bago ibinalik ang kaniyang tingin sa'kin.

"Ali hindi niya ako hinalikan. We didn't kiss." bakas sa boses niya ang inis pero halatang nagtitimpi lang siya.

"You jerk! Bakit naman ako maniniwala sa'yo?" sambit ko at sinabayan ng pekeng tawa.

"She's pregnant... nabuntis siya ng pinsan ni Dion."

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Nakaawang ang mga labi ko habang gulat sa narinig.

"May mga nagmamasid sa kaniya sa paligid kaya binulong niya na lang sa'kin ang gusto niyang sabihin." naka poker face na ngayon ang mukha niya.

Napayuko ako sa kahihiyan. Mariin ang kagat ko sa aking labi at pakiramdam ko kaunti na lang ay dudugo na ito.

Mula sa pagkayuko ay kita ko ang paghakbang ng mga paa niya palapit sa'kin. Parang dinaga ang puso sa sobrang kaba.

"Now it's my turn to ask you. You're with Chandler last night, aren't you?" he asked in a deep voice.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko para tingnan siya. Sobrang lapit niya na sa'kin. Shutangina para akong kakapusin ng hininga sa sobrang kaba! My ghad!

"Uhh... o-oo, sinamahan niya ako sa mga paintings ni—"

"I don't fvcking care, Ali. Hindi mo ba alam na nagseselos ako?"

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang paghinga ko sa sinabi niya. Like wtf? Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon. He's jelous?

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ngayon ng pisnge ko. Para akong malalagutan ng hininga. Hindi sa pagiging OA pero shutangina may nararamdaman kasi akong mga paru-paro sa tiyan ko!

"Kaya may atraso ka sa'kin," sambit niya at nakita ko ang pag angat ng gilid ng kaniyang labi.

Mabilis akong umiling at dahan-dahang napaatras nang unti-unti siyang naglakad palapit.

"Q-quits na tayo!" nauutal kong saad.

"Kiss is better than quits."

Matapos niyang sabihin 'yon ay agad akong napapikit ng mariin nang bahagya siyang yumuko at unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa'kin.

Kasunod kong naramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa labi ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang tensyon.

Nakapikit lang ako at hindi pa rin tumutugon sa halik niya. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Mas malalim ang halik niya ngayon kaysa sa nangyaring first kiss namin sa kotse niya.

Ramdam ko ang pananabik niya sa mga labi ko. Para bang uhaw na uhaw siya sa halik! Pero isa lang ang masasabi ko. He's a good kisser! Wild na may pagka smooth. Ayokong isipin na kaya siya good kisser dahil marami na siyang nahahalikan!

Para akong nakahinga ng maluwag nang huminto siya sa paghalik. Nakayuko pa rin siya at nakatingin sa mga mata ko.

"Have you ever been kissed?" mahina niyang tanong at ramdam ko ang paghinga niya.

Hindi ako nakasagot agad at saglit pang napatulala sa kaniya. Para akong timang na nababaliw sa boses niya. Ang hot kasi ng boses niya at sobrang nakakainlove.

What if inlove na pala ako sa lalaking 'to?

"Mhmm..." I nodded.

Nakita ko ang pag iba ng ekspresyon niya dahil sa naging sagot ko. Akmang ibubuka niya na sana ang bibig niya nang bigla akong nagsalita.

"Lance..." mahina kong usal.

"Hmm?"

Medyo kinakabahan ako pero pinipilit kong kumalma. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang pagkakataon pero sa tingin ko ay kailangan ko na 'tong ibunyag sa kaniya.

Pasimple akong humugot ng lakas ng loob bago ko sinabayan ang mga titig niya.

"Gusto na ata kita Lance..."

Mas lalong dinaga ang dibdib ko sa kaba nang hindi siya magsalita. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang pinag aaralannang mukha ko. Hindi na siya nagsasawa sa mukha ko?

"Really? Prove to me then," panghahamon niya.

Napatingin ako sa mga labi niyang mamasa-masa at bahagyang napalunok. Nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago pumikit at agad siyang siniil ng halik.

Dahan-dahan siyang tumayo habang hindi pa rin humihinto sa paghalik sa'kin. Ngayon ay nakatingkayad na ako at marahang inikot ang dalawa kong kamay sa batok niya.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now