31

55 6 0
                                    

HUMUGOT muna ako ng malalim na hininga. Tumingin ako sa kaniya.

"You can call me Ali,"

Ngumiti ako at inilahad ang aking kamay sa harapan niya. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay bago tumingin sa kamay kong nakalahad.

"Magkaibigan narin naman tayo, so why not 'di ba?" I shrugged.

Hindi rin nagtagal ay tinanggap niya ang kamay ko at nakipagkamay. Kapag talaga nahahawakan ko ang kamay niya para natatae sa kilig.

"You can call me whatever you want." He said before looking away.

Matapos niyang sabihin 'yon ay agad niya ring binawi ang kamay niya sa'kin. Bahagyang napagilid ang mukha ko. Grabe! Kahit saang angulo siya tingnan, sobrang gwapo niya pa rin!

"Like what?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.

"It's up to you. It's either love, honeybunch, crush ko, pogi, something like that."

Para akong nasamid kahit wala naman akong iniinom. Shutangina! Pinagsasabi ng lalaking 'to? Pigil ang ginawa kong pagtawa ngunit napansin niya 'yon.

"What?" suplado niyang tanong.

"Alam mo, ang corni mo Lance!" natatawa kong saad. "Hindi pa nga kita boyfiee pero yung mga sinu-suggest mong itatawag ko sayo, pang mag jowa na!"

Nakita ko ang pagsalubong ng dalawa niyang kilay. Pakiramdam ko ay naiinis na siya sa'kin. Tumigil na ako kakatawa at sumeryoso.

Itinuon ko na lang rin ang paningin ko sa dagat. Pareho na kaming tahimik. Nag isip pa ako saglit ng mapag uusapan bago tumingin ulit sa kaniya.

"Lance?"

"Mhmm?"

Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. Dumako ang tingin ko sa lalamunan niya at nakita ko ang pag galaw nito.

"Anong first impression mo sa'kin?" tanong ko dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"I don't do first impression thing, Alison..." pasimple akong napanguso. "But one thing is for sure, you are like the sunset... ang ganda mo, Ali."

Matapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang umiwas ng tingin. Agad akong namula sa sinabi niya. Isang compliment lang ng isang Lazaro, sobrang dami na ng butterflies sa tiyan ko.

Hindi ako agad maka get over sa sinabi niya. Literal na natameme na naman. Sinundan ko ang tingin niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa'king labi nang makita ang paglubog ng araw.


***

MEDYO madilim na nung makabalik ako sa room ko. Pagkatapos kong magbanlaw ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis.

Ginawa ko muna ang skin care routine ko bago nagsuklay ng buhok. Napunta ang tingin ko sa may veranda kaya naisipan kong pumunta roon.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok, nakatingin lang ako sa magandang view sa labas mula dito sa veranda. Nasa third floor ang room ko kaya kitang-kita ang magandang view dito sa taas.

Ilang saglit pa akong nag stay roon nang may makita akong tatlong familiar na lalaki. Kakalabas lang nila sa hotel. Halatang nagmamadali sila.

Nang makita ko si Chandler agad akong nagtaka. May problema ba? Dahil sa kuryosidad ay nagmamadali akong magsuot ng jacket at lumabas ng kwarto.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon