10

141 10 0
                                    

"HOY Ali! Ikaw ha, kanina ka pa ngiting tagumpay diyan!" marahang siniko ni Klea ang tagiliran ko.

"Syempre hindi kami sumabit ni Ulap sa pagpapanggap namin kagabi, alangan naman maging malungkot ako, diba?" sabi ko bago kinuha ang aking bag at sumunod sa kaniya maglakad.

Nauna na sa bus sina Nicole. Ngayon ang alis namin papuntang Beach kung saan kami mag c-camping.

Marami pang naging tanong si Klea sa akin tungkol kagabi bago kami makalabas ng tuluyan sa campus.

Nakasakay na sa kanya-kanyang mga bus ang mga estudyante. Yes, may kanya-kanyang bus ang kada section.

Nasa pangatlong bus ang bus na para sa section namin kaya dumiretso na kami ni Klea doon. Pagkasakay namin, nakita ko kaagad sina Abby. Magkatabi si Abby at Jared habang si Nicole ay katabi ang kaklase naming si Jack. Landi.

Umupo ako malapit sa bintana, tumabi rin naman sa akin si Abby. Kapag nasa byahe ako mas gusto kong umupo malapit sa bintana.

Ilang saglit lang ay nagsimula ng umandar ang bus na sinasakyan namin. Nakasunod lang kami sa mga naunang bus.

Sa pagkakaalam ko ay medyo malayo 'yung lokasyon na pupuntahan namin. Sa tantsya ko ay nasa tatlo o apat na oras ang magiging byahe namin bago kami makarating doon.

Kinuha ko sa aking bag ang dala kong headset at nilagay ito sa aking tenga. Mas nakakachill kapag may music.

Nagulat nalang ako nang biglang hablutin ni Klea ang headset sa aking tenga. Kaagad ko naman siyang tiningnan nang may inis sa mukha.

"What the— anong problema mo?" inis kong sambit kay Klea.

"Shh!! Hinaan mo nga boses mo, kasama natin si Sir Luna." aniya habang tinatakpan ang aking bibig. "Makinig daw muna tayo sa sasabihin niya kaya ko tinanggal 'yang headset mo." pabulong niyang sambit.

Napatingin rin naman ako sa harapan at tama nga si Klea, nakatayo na sa harap si sir Luna habang nakatingin sa aming lahat.

"Pasensya na," pag-hingi ko ng sorry kay Klea.

Ngumiti lang siya bago tumango. Binalik niya narin sa'kin ang headset ko. Umupo na ako ng maayos at nakinig sa mga sinasabi ni Sir Luna.

"Pag nakarating na tayo sa mismong location, walang mag-uunahan sa pagbaba, maliwanag?" sambit ni Sir Luna.

"Yes sir!" sagot ng mga kaklase ko.

"At kapag nakababa na kayo ng bus, hintayin niyo munang makababa ang lahat ninyong kaklase." pagpatuloy ni sir Luna. "Panghuli sumunod kayo sa'kin para maituro ko sa inyo kung saan tayo p-pwesto."

Nag si sang-ayon rin naman kami sa mga sinabi ni Sir Luna. Inaamin kong na e-excite ako sa magiging Beach Camping namin. First time ko lang maranasan 'tong mga ganto, kasama ko pa mga kaibigan ko at ang buong section.

"Maraming nagtatanong sa'kin kung bakit kailangan pang magdala ng mga camp tent, kung pwede namang mag rent nalang ng rooms."

Gusto ko rin sanang magdala ng sarili kong tent, kaso sabi nitong apat magsama nalang daw kami sa iisang tent. Kaya naman, ang tent ni Nicole ang gagamitin namin. Mas malaki naman 'yon kasyang-kasya kaming lima.

Sanay narin kaming lima na magkasamang matulog. Madalas na namin ginagawa 'yon sa bahay nina Abby. Minsan nga kasama namin si Ulap mag overnight, pero syempre kapag nandito lang siya sa Pilipinas.

"Una sa lahat, ang theme natin ay Beach Camping. So dapat sa mismong Beach magaganap lahat pati activities." anunsyo ni sir Luna. "So bakit pa mag r-rent ng rooms? Masyado na 'yong magastos, diba? Let's just be fair to all, that's it."

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon