EPILOGUE

83 7 0
                                    


MASAYA ako para kay Ali lalo na ngayong nakuha niya na ang hustisya na para sa mga magulang niya.

Nabalitaan ko ring ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho niya. Simula kasi no'ng malaman niya ang katotohanan, parang nawalan siya ng ganang sa lahat.

Nalaman ko mula kay Nicole ang pagpunta ni Ali sa Villa Agatona. Naiintindihan din naman namin na gusto niya munang mapag-isa. Alam naming hindi ito magiging madali para sa kaniya.

Maski kami ay nagulat sa nalaman tungkol sa bunsong kapatid ni Lance.

Hindi ko maintindihan pero sa tuwing nakikita kong nasasaktan si Ali, para nang dinudurog ang puso ko.

Nasa byahe ako ngayon papuntang Villa Agatona. Wala muna akong tinatanggap na kliyente sa ngayon. Nakapag desisyon na kasi ako sa sarili ko. Kakausapin ko si Ali para ipagtapat ang matagal kong nararamdaman para sa kaniya.

Alam kong hindi pa 'to ang tamang pagkakataon para umamin ako kay Alison, pero handa naman ako at sanay na sa rejections.

Huminto ako sa parking lot dito sa Villa Agatona. Kinakabahan akong lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin ngayon, pero bahala na!

Nagsimula na akong maglakad patungo sa tabing dagat. Maraming tao kaya medyo nahirapan akong hanapin siya.

Napahinto ako hindi kalayuan sa may bench. Kahit nakatalikod siya, agad ko rin siyang nakilala. Nagsimula na akong humakbang papalapit sa kaniya.

Tahimik lang siyang nakatingin sa dagat. Sa sobrang lalim siguro ng iniisip niya, hindi niya napansin ang presensya ko. I took a deep breath.

"Miss Pineza," sambit ko.

Lumingon siya sa'kin at nakita ko ang pag guhit ng gulat sa kaniyang mukha.

"Eloy?" gulat niyang saad.

Parang may kumirot sa bandang dibdib ko nang makita ang itsura niya. Mahahalata mong wala siyang tulog.

Nginitian ko siya bago umupo sa tabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang makita ako rito.

"Masaya ako para sa'yo, Ali. Sa wakas nakuha mo na rin ang hustisya." Nakangiti kong sambit.

Agad na napawi ang kaninang gulat niyang itsura. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Salamat, Atty Ruiz... salamat sa pagsama sa laban ko hanggang dulo..." matamlay siyang ngumiti.

Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya at marahan itong pinisil.

"Tinupad ko lang 'yong pangako ko sa'yo, Alison." usal ko ngunit agad ring nangunot ang noo ko. "Bakit parang hindi ka masaya?"

Mahina siyang natawa bago niya binawi ang kaniyang kamay sa'kin. "Nakatadhana na siguro sa'kin ang maging malungkot."

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kaniya na deserve niya ring maging masaya. Pero alam kong wala akong karapatan para gawin 'yon.

Bigla kaming natahimik. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatingin siya sa malayo.

Damn, kahit kailan hindi nakakasawa ang ganda niya!

"Hanggang ngayon ba si Lance pa rin ang nasa isip mo?" basag ko sa katahimikan.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko sa naging tanong ko. Masakit pero kailangan kong malaman.

Napatingin siya sa'kin at pait na ngumiti. "Hindi naman nawala 'yon."

Parang sinaksak ng pa ulit-ulit ang puso ko sa naging sagot niya. Fuck, how I wish I was the person she's so inlove with.

Pait akong ngumiti at umiwas ng tingin sa kaniya. Paniguradong talo ako, mahal niya pa ex niya, eh. Ano laban ko do'n?

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon