17

119 6 0
                                    


NO! This can't be happening!

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya. Halatang hindi niya rin inaasahan na makikita niya ako dito. Na ako ang pinsan ni Deyron.

Napansin kong nag-aalangan siyang ibuka ang bibig niya at hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. I know she still knows me!

"Do you guys know each other?"

Nabaling ang tingin ko kay Deyron nang magsalita ito. Nakakunot ang kaniyang noo at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ng babae.

I shook my head. "Excuse me,"

Mabilis akong naglakad paalis doon. Ayokong magtagal kasama ang babaeng 'yon!

So, she is Deyron's girlfriend. Ang liit naman ng mundo!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nadatnan ko na lang ang sarili ko na naglalakad palabas ng gate. Lakad-takbo ang ginawa ko makalayo lang doon.

Nang makalayo na ng kaunti sa bahay ay huminto ako sa pagtatakbo. Mariin kong nakagat ang labi ko kasabay nito ang pag guhit ng mga luha sa aking pisngi.

Parang bumalik na naman ang sakit ng kahapon, tangina!

Napayuko ako at napahawak sa tuhod ko habang pilit na iniinda ang nararamdaman. Shuta, parang sasabog ako sa mga nalaman.

Ramdam ko ang unti-unting paglabo ng mga mata ko. Mabigat ang bawat hininga ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.

'Yung ala-alang pilit mo ng kinakalimutan sa mga nagdaang buwan, tapos biglang eto, bumabalik na naman.

Marahan akong napaupo sa daan dahil sa panghihina. Madilim na at wala nang dumadaang sasakyan. Nasapo ko ang mukha at nuling umiling.

Hindi ko lubos na maisip na ang babaeng 'yon ay ang girlfriend ng pinsan ko. Mas lalong hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit ngayon, at sa ganitong sitwasyon pa! Nakakabwisit!

Parang dinurong ang puso ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Deyron noon. Sinabi niya sa akin noon kung gaano niya ka-mahal ang babae!

"Bakit... bakit siya pa?!" Humihikbi kong sigaw.

Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. Mabilis akong nabasa kaya niyakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo at hinayaan ang sariling mabasa ng ulan.

Wala na akong pake kung hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Mas gusto kong mapag-isa. Alam kong magtataka sila kung bakit bigla akong umalis.

Pinaghalo na ng luha at tubig ulan ang mukha ko. Ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa lamig.

Kahit hindi ko tingnan, kita sa gilid ng mata ko ang liwanag at ang paghinto ng sasakyan medyo hindi kalayuan sa akin.

Dahan-dahan akong tumingin doon at agad kong hinarang ang kamay ko sa mukha nang masinag sa ilaw ng kotse.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng kotse senyales na bumaba ang kung sino man dito. Mas humigpit ang pagyakap ko sa mga tuhod dahil sa sobrang ginaw.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang presensya ng kung sino man sa gilid ko. Medyo humina na rin ang pagpatak ng ulan. Nakatayo lang ito sa gilid ko at hindi nagsasalita.

Mahina akong natawa. Hindi ko pa rin binaling ang tingin ko sa kaniya.

"Kung gusto mo akong kidnappin... e hostage, 'wag mo ng ituloy..." wala sa sarili kong anas.

"Wala kang makukuhang pera sa akin! Mga magulang nga wala ako, eh..." pait akong tumawa na parang tanga.

Ngunit napansin kong hindi man lang ito kumikibo. Saka ko lang ibinaling ang tingin sa kanya nang ilahad nito ang kaniyang kamay na may hawak na panyo.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now