15

132 7 0
                                    

"SORRY..." he uttered.

Marahan akong tumingin sa kaniya dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa.

"Don't be sorry, it was meant to be happen anyway." tipid ko siyang nginitian.

Nakagat ko ang aking labi nang makaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya bago pinahid ang mga luhang nagsiunahan na naman sa pagtulo.

Natahimik kami pareho. Tinuon ko nalang ang tingin ko sa dagat bago tinungga ang beer na hawak ko.

"Do you chase?"

Nabaling ang tingin ko kay Lance na nasa tabi ko nang basagin niya ang katahimikan.

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa buhangin. Alas onse na ng gabi pero nandito pa rin kami sa dalampasigan.

Nakailang beer na rin kami pareho. Medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo pero pinipilit ko pa ding maging matino.

Kanina ay medyo naiilang ako sa presensya niya pero ngayon na lasing na ako, kumakapal na ang apdo ko.

"Chase? Chase saan?" I asked.

"To someone, I guess?" he asked.

Napagilid ang mukha ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa mukha niya. Shesh, ang gwapo niya talaga!

Napabalik ako sa katinuan nang bahagya niyang kinaway ang kamay niya para matauhan ako. Tumikhim ako.

"A-ano nga ulit 'yon?" pakiramdam ko parang biglang nawala 'yung alak sa katawan ko.

"Don't make me repeat my question, Alison." he said in a deep and husky voice. Pakshit! May tama na nga siguro ako.

Mabilis kong inisip ang naging tanong niya kanina. Pinilig ko ang ulo ko sa aking isipan. Shit behavior Alison!

"C-chase? Oo naman." sambit ko bago tumawa. Parang ewan lang.

Napahinto ako sa pagtawa nang makitang nakataas na ang isa niyang kilay habang nakatingin pa rin sa akin. Engot mo naman kasi Ali!

Mabilis kong inubos ang laman ng hawak kong beer para magkaroon ako ulit ng kakapalan ng mukha.

"I do..." napangiti ako sa sinabi ko. Hays pakiramdam ko parang kinakasal kami. "I do cheysing when i really love the ferson." medyo lasing kong bigkas.

Napansin kong hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin niya sa'kin.

"What if that person doesn't deserve to be chase?" tanong niya dahilan para magkatinginan kaming dalawa.

"Teka nga, bakit ba gan'yan mga tanong mo?" kunot-noo kong tanong bago siya pinagsingkitan ng mga mata.

"Damn! Just answer my question." napangiti ako nang marinig ang mahina niyang pagmura.

Wala na akong pake kung magmukha akong tanga kakangiti. Pero par, ang cute ni Mr. PP.


***


Lance's POV

NAKATINGIN lang ako sa mukha niya. Fvck! Kahit lasing na siya, ang ganda niya pa rin. Damn! What with this girl? Bakit ako nagkakagan'to sa kaniya.

Nakangiti na naman siya habang nakatingin sa akin. Nakakapagtaka lang, kanina nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot, pero ngayon parang may kumikinang sa mga mata niya.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now