26

84 7 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa magiging bakasyon ko.

Matagal ko ng planong bumalik ulit sa Villa Agatona Seascape at ngayon ko na agad naisipang pumunta. Isang linggo lang akong mag s-stay roon at wala akong ibang kasama kung hindi sarili ko lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iimpake ng mga gamit ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas ito.

Napaangat ang tingin ko at agad kong nakita si Deyron. Ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Tuloy na ba talaga ang alis mo?" tanong niya nang makapasok.

I sighed and nodded. "Mhmm..."

"Bakit parang biglaan naman yata?" kunot-noo niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin at nagkunwareng may inaayos sa mga gamit ko kahit tapos naman na. Napasimangot ako nang maalala yung nakita ko kagabi.

Matapos kong masaksihan 'yon ay agad akong umalis sa bahay nila Dion nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan ko.

Alam kong nagtataka sila kung bakit bigla akong umalis pero sigurado naman akong maiintindihan nila ako. Bago ako makalayo sa village nila Dion ay nag iwan ako ng text message sa mga kaibigan ko.

"Wala... gusto ko lang ulit pumunta sa Villa Agatona Seascape. Namiss ko yung magandang tanawin doon, lalo na yung sunset."

Napabalik ang tingin ko kay Deyron nang marinig ko itong mahinang tumawa. Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Sumama ka na lang sa'kin. Mas maganda yung view ng sunset sa pupuntahan ko." sambit ni Deyron.

"Tsee! Gawin mo pa akong alalay mo!" singhal ko.

Tumawa lang siya bago nagpaalam. Saglit pa akong napatulala sa pinto bago ako tumayo at kinuha ang mga gamit ko.

I'm coming Villa Agatona Seascape.


***

NAG bus lang ako papunta sa Villa Agatona. Tahimik lang akong nakaupo sa inuupuan ko malapit sa may bintana habang nakatingin sa labas.

Lumipas ang ilang oras na byahe ay namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa tinig ng isang bata mula sa katapat kong upuan.

"Yey! We are here!"

Napangiti ako habang nakatingin sa bata. Nang ibaling ko ang tingin sa labas ng bintana ay saka ko lang napagtanto na nasa Villa Agatona na pala kami.

Umayos na ako ng upo at hinanda ang dala kong gamit. Unti-unti ng huminto ang bus na sinasakyan ko.

"O, sinong bababa sa Villa Agatona? Nandito na po tayo." sabi nung condoctor na nakatayo sa harap malapit sa driver.

Tumayo na ako at agad na sinabit ang bag ko sa aking likod. Pagkababa ko ay agad kong nalanghap ang familiar na hangin.

Now, i found my comfort zone.

Sobrang gaan lagi ng pakiramdam ko kapag nandito ako sa Villa Agatona. Pakiramdam ko tila ba'y nawawala lahat ng pag o-overthink, sama ng loob, negative vibes o kahit breakdowns 'pag nakatungtong ka sa Resort na 'to.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa front desk dito sa hotel ng Villa. Pagkalapit ko ay agad akong nginitian ng isang babaeng receptionist.

"Good afternoon ma'am! Welcome to Villa Agatona Seascape!"

I smiled. "Alison Pineza, please?"

Kagabi lang ako nagpa book ng room dito at buti na lang ay may mga slots pang room. Marami rin kasing magbabakasyon ngayon kaya paniguradong baka ma fully book ang mga rooms rito.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now