49

49 4 0
                                    

"GRABE ka naman sis! Paano mo nagawa 'yon? May sama ka ba ng loob kay Doc Lance?" mahinang sambit ni Doc Mitzi nang makalabas kami sa Conference Hall.

"Doc Mitzi, ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makabubuti para sa lahat." sambit ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Shocks! Hindi ka ba natatakot, sis? Baka nakakalimutan mong medical director ang binabangga mo!" wika niya, sinasabayan ang paglalakad ko.

"At this point, I'm not afraid of anything, Dra. Santos." saglit ko pa siyang tinapunan ng tingin. Huminto ako nang makarating na ako sa tapat ng opisina ko.

"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutang ikaw pala si Alison Pineza." ngumisi siya at umirap. "Una na ako, sis!" paalam niya bago umalis.

Aktong bubuksan ko na sana ang pinto ng opisina ko nang biglang sumulpot si nurse Althea.

"Good afternoon, Doc Ali!"

"Hey, nurse Althea, good afternoon. May kailangan ka ba?"

"May invitation letter po tayo galing sa UACM." Ngumiti siya at inabot sa'kin ang maliit na puting envelope.

"Talaga?" usal ko at tinanggap ito mula sa kaniya. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat. "Two representative?" tumaas ang kilay ko.

Nakalagay sa imbitasyon na gusto nilang mag imbita ng dalawang representative doctors dito sa Lazaro para sa one day lecture ng mga fourth year nursing student.

"Alam na ba 'to ni— ng Medical Director?" tanong ko kay nurse Althea.

She shook his head. "Not yet po, Doc Ali, ikaw pa lang po."

"Gano'n ba? S-sige ako na bahalang magsabi sa kaniya tungkol dito. Thank you, nurse Althea."

Tuluyan na akong pumasok sa opisina ko at pagod na umupo sa swivel chair. Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin. Buti na lang at rest day ko bukas, makakapagpahinga na rin ako.

Uminom ako ng tubig bago naisipang pumunta sa opisina ni Lance. Hawak ko ang invitation letter habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ng lalaki.

Nang makarating ako sa tapat ng opisina nito, bahagya kong inangat ang kamay ko at mahinang kumatok. Nakadalawang katok pa ako bago ko marinig ang boses niya mula sa loob.

"Come inside."

Humugot ako ng malalim na hininga. Kumalma ka, Alison! Iaabot mo lang naman itong invitation letter sa kaniya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at binuksan na ang pinto ng opisina niya. Ngunit agad rin akong napatigil sa kinatatayuan ko. Pareho silang napaangat ng tingin sa'kin.

Bahagyang umawang ang mga labi ko kasabay nito ay  nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa nakita. Magkasama silang dalawa sa loob ng opisina ni Lance. Nakaupo ang lalaki sa swivel chair nito habang nakatayo si Doc Juvy sa bandang likuran niya.

Mas lalong dinurog ang puso ko nang mapunta ang tingin ko sa kamay ng babae na nakapatong sa balikat ni Lance habang minamasahe ito.

Tumingin ako kay Lance dahilan para magtama ang mga mata namin. Wala akong nakikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Siguro... ako lang 'yong nagulat.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon