35

43 4 0
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Siyam na buwan na akong nililigawan ni Lance. Mas nakilala pa namin ang isa't isa. Minsan ay may hindi kami pagkakaunawaan pero naayos rin naman namin ito agad.

Kagaya nang napag usapan naming dalawa, hindi namin minamadali ang lahat. Naging madalas na rin ang pagdalaw ni Lance sa dorm ko. Dinadalhan niya ako ng pagkain o 'di kaya sabay kaming nag rereview.

Hindi na rin ako nakakauwi sa bahay. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Deyron. Pareho na kaming busy sa studies at hindi na kami pareho ng school na pinapasukan. Namiss ko na nga yung mokong na 'yon eh!

Minsan na lang din kaming mag usap ng apat kong kaibigan. Magkaiba na kami ng university ngayon. Si Jared at Nicole ay nasa iisang university lang dahil pareho sila ng kursong kinuha. Kursong BA in Fashion Design.

Si Klea naman ay kinuha ang kursong Architecture kasi 'yon ang gusto ng pamilya niya. Habang si Abby naman ay Business Administration, katulad ng mga magulang niya.

Saglit akong tumigil sa pagtitipa sa laptop ko. Tinanggal ko ang suot kong eyeglasses at marahang nag inat ng katawan.

Shutaaa! Sakit na ng likod ko! Walang katapusang powerpoint ba naman!

Nandito ako ngayon sa coffee shop na madalas naming tinatambayan ni Lance. Kaharap ko ang laptop ko habang ni rerevise ang powerpoint na ipapasa ko sa professor ko mamaya.

Napatigil ako sa pag iinat ng katawan nang biglang may naglapag ng coffee sa lamesa ko. Napangiti ako nang makita ang nakadikit na sticky note rito. Parang nawala na lang bigla yung pagod ko.

You look more gorgeous with your messy hair♡
— ur poging manliligaw.

Matunog akong ngumiti nang mabasa ang nakasulat sa note. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Small thing," kibit-balikat niyang sabi bago ako kinidnatan.

"Small thing ka d'yan! Lumala na pagiging corni mo, Lazaro!" pabiro kong singhal.

Umupo siya sa katapat kong upuan at tinuon ang kaniyang siko sa lamesa. "It's not corni. 'Yan ang tinatawag na words of affirmation, Pineza."

Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si Freya. Nilapag niya sa lamesa ang maliit na platito na may lamang isang slice ng strawberry cake.

"Enjoy your cake, Miss Pineza." nakangiti niyang sabi bago bahagyang yumuko at umalis.

Napatingin ako sa coffee at cake na nasa lamesa. Buti na lang ay may manliligaw akong ganito ka-alaga. Binaling ko ang tingin ko kay Lance at napansin kong kanina pa pala siyang nakatitig sa'kin.

Agad ko siyang binigyan ng 'anong tinitingin tingin mo diyan' look.

He smiled. "Wala. Ang ganda mo kasi,"

Natigilan ako sa sinabi niya at ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Kinikilig pati organs ko!

One more thing I like about Lance, he really appreciate my beauty.

***

HABANG hinahanda ko ang powerpoint ko para sa pag se-send ko nito sa gmail ng prof ko, napatingin ako sa lalaking kapapasok lang mula sa pinto ng room.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kaniyang upuan. Nag aalala ako sa kaniya kasi madalas ko siyang nakikitang pumapasok ng may mga pasa sa mukha.

Minsan naiisip ko kung sumasali ba siya sa mga gang na 'yan. Pero kahit na may mga pasa ang mukha niya, nangingibabaw pa rin ang kaniyang kaguwapohan.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon