22

122 7 3
                                    

MATUNOG akong bumuntong-hininga at mariin ang hawak ko sa cellphone ko. Kanina pa natapos ang pag uusap namin ni Ulap.

Nang tingnan ko ang mga kasama ko, lahat sila ay tahimik. Napansin ko rin na parang malungkot si Deyron. Tumikhim ako.

"Pwede niyo bang iwan muna kami ni Deyron saglit?" basag ko sa katahimikan.

Hindi rin naman sila umangal at agad akong sinunod. Naunang lumabas si Doc Kristel at sumunod naman ang mga kaibigan ko.

Nang tingnan ko si Lance, tamad itong umayos ng tayo mula sa pagkasandal. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago lumabas ng room ko.

Nang makalabas na sila ay humarap ako kay Deyron.

"K-kamusta kayo ng girlfriend mo?" tanong ko. Hanggang ngayon ay ayoko pa ring banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon.

Bahagya siyang yumuko habang nakapamulsa pa rin ang dalawang kamay. Mabilis na nangunot ang noo ko nang dahan-dahan siyang umiling.

"Ali, wala na kami ni Andrea..." basag na ang boses niya nang bigkasin 'yon.

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinanood ko lang siya at bahagya siyang tumingala. Parang unti na lang ay tutulo na ang mga luha niya.

"Anong wala na kayo? D-dahil ba sa'kin?"

Tumingin siya ng diretso sa akin at kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Peke siyang tumawa at nagkibit-balikat.

"I didn't regret for making that decision, anyway. I won't settle for less. Ang pangit ng past status niya. Nang agaw lang naman siya ng boyfriend at kahit ibigay ko pa ang buong tiwala ko sa kaniya... kung red flag siya, red flag siya."

Napatulala ako saglit sa sinabi ni Deyron. Kahit pala gaano na kayo katagal, dadating rin 'yong araw na mapagtanto mong hindi pala talaga kayo para sa isa't isa.

Natapos ang usapan namin ni Deyron ng maayos. Naging maayos na rin ulit kaming dalawa.

Pumasok na ulit ang mga kaibigan ko at hindi na nila kasama si Doc Kristel. Sila na lang ang kinausap ni Doc dahil may mga gagawin pa siya.

"Ayos lang ba sa inyo kung ako na ang maghahatid kay Ali pauwi?"

Pareho kaming napalingon kay Lance nang magsalita siya. Gulat akong nakatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.

Katabi ko si Klea kaya ramdam ko ang pagkurot niya sa gilid ko. Palihim rin akong siniko ni Jared sa kabila. Kaya naman, masama ko silang tiningnan na ngayon ay halatang nagpipigil na tumili.

Binalik ko ang tingin ko kay Lance, nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Ano ba ang ginagawa niya? Shutaaa naman oh!

"Oo naman!"

Nagulat ako nang biglang sumagot si Nicole. Nginang mga kaibigan 'to! Tahimik lang ako dito tapos gugulohin pa nila buhay ko!

"Nicole!" sita ko kay Nicole na ngayon ay parang tangang nakangisi.

"Bruha ka talaga! Okay lang, as in okay na okay! 'Di ba mga teh?" nahuli kong siniko nito si Abby, nagulat man ay agad itong tumango.

"O-oo nga! 'Tsaka may... may dadaanan pa kami, oo! Nandito naman si Deyron... sa kaniya nalang kami sasakay— este sa sasakyan niya!" mabilis na sabi ni Abby.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa sa gilid ko. Talagang pinagtutulakan nila ako!

"Ano? I-iiwan niyo ako?" nauutal kong saad.

"Teh hindi ka namin iiwan! Sasamahan ka naman ni Lance. Kaloka!" singit ni Jared.

"Suus, kunware ayaw!" mahinang bulong ni Klea sa gilid ko sakto lang para ako ang makarinig nito.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now