33

39 6 0
                                    


TUMAYO na ako para iligpit ang mga gamit ko sa bag. Kakatapos lang ng klase namin. Pakiramdam ko ay parang sasakit ang ulo ko sa naging lecture ng professor namin kanina.

Marahan kong pinatunog ang batok ko bago isinabit ang bag sa kabilang balikat. Itinali ko ng pang ipit ang buhok ko habang naglalakad palabas ng room.

Sa tingin ko, dito na mag uumpisa ang hassle ng buhay ko bilang isang kolehiyo.

Mahina akong napamura nang biglang may bumangga sa'kin dahilan para mahulog ko ang mga dala kong libro. Bwisit!

Ang mas nakakainis pa dun, tiningnan niya lang ako saglit bago ako nilagpasan. The freak! Ayaw niya man lang ako tulungan! Gusto ko siyang murahin ng malakas kaso nagpipigil ako dahil naalala kong nasa campus pa pala ako.

Yuyuko na sana ako para damputin ang mga nahulog kong gamit nang biglang may nauna sa'kin para gawin 'yon. Napaayos ako ng tayo at pinanood siyang isa isang kunin ang mga libro ko sa sahig.

"Gamit mo," sambit niya nang makatayo at inabot sa'kin ang mga 'to.

Saglit pa akong natigilan habang nakatitig sa kaniya. Bahagya kong pang tinagilid ang mukha ko.

"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko bago tinanggap ang mga libro mula sa kaniya.

Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabila niyang bulsa. "Halos oras-oras tayong nagkikita, Pineza. Limot mo agad?"

Agad na nangunot ang noo ko. Saglit ko pang inaalala ang mga nangyari sa'kin kahapon. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.

"Gosh! Naalala ko na! 'Di ba ikaw yung laging na la-late tuwing first subject?" paghula ko habang tinuturo siya.

Nakita ko ang pasimple pag ikot ng kaniyang mata. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa'kin dahilan para mapaatras ako ng kaunti.

"I maybe late pero atleast pumapasok." sambit ng malalim niyang boses. Ang akala ko ay lalagpasan niya na ako nang magsalita siya ulit. "Next time, be careful. Baka ikaw naman ang mahulog."

Matapos niyang sabihin 'yon ay walang pasabi niya akong nilagpasan. Pinanood ko na lang siyang makaalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Weirdo," mahina kong usal.

Naglakad ako patungo sa locker ko. Naiinis pa rin ako dun sa lalaking bumangga sa'kin! Walang modu!

Padabog kong sinarado ang pinto ng locker ko. Nang masarado, halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Lance na nakatayo mula sa gilid ko.

Potek! Nagiging magugulatin na ata ako!

Marahan kong inayos ang bag ko sa aking balikat bago siya tingnan.

"L-lance? Anong ginagawa mo diyan? Ugali mo ba talagang gulatin ako?" mahina kong singhal bago ni lock ang locker ko.

Nakatingala lang ako sa kaniya habang hinihintay siyang magsalita. Nahuli ko ang pag igting ng kaniyang panga bago inilahad sa'kin ang dala niyang iced coffee. Imbes na sagutin ako, tahimik niya lang itong inabot sa'kin.

"Mhmm, your favorite iced coffee, frappuccino."

Nag aalangan pa akong abutin ang binigay niyang coffee pero sa bandang huli ay kinuha ko rin ito. 5/0 para kay Lance.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now