32

37 6 0
                                    

MARAHAN kong pinahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo bago ko siya nilingon. Nagtama ang mga mata namin. Kung kanina ay galit at lungkot ito, ngayon naman ay parang nangungusap ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin.

Bahagya akong napatingala. God, bigyan niyo ako ng lakas!

"Naiintindihan naman kita sa nararamdaman mo ngayon..." basag ko sa katahimikang namutawi sa pagitan namin.

"Lance alam mo ba yung pakiramdam na sinusubukan mong tumulong... kaso tinataboy ka lang? Siguro hindi 'no?" peke akonv tumawa. "Palibhasa, hindi mo pa nasubukang ma reject!"

Matapos kong sabihin 'yon ay umiwas ako ng tingin sa kaniya. Mabilis pa rin ang paghinga ko. Gusto kong magalit sa kaniya kaso hindi ko kaya.

Kita sa gilid ng mata ko ang pagtayo niya. Ramdam ko ang paglapit niya sa'kin.

"Ali..." maingat niyang hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry, i did'nt mean it..."

Parang may kumirot sa dibdib ko. Galit ako pero sa kabilang parte ay nakokonsensya ako. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya. Hindi ko man lang siya hinayaan munang mapag isa.

"Please, don't leave..."

Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Isang lambing lang ng lalaking 'to, tumitiklop na agad ako.

Walang mangyayari kung magpapadala ako sa emosyon ko. 'Tsaka alam ko namang maliit lang na bagay 'yon. Tanggap ko na rin na mag kaibigan lang kami.

"Tara. Gagamutin natin 'yang sugat mo." sambit ko.

Napatingin siya sa kamay niya. "Aling sugat ba, Ali?"

Kumunot ang noo ko at nagugulohan sa tanong niya. Napansin niya siguro ang mukha ko kaya pasimple siyang ngumisi.

"Sa kamay o dito?" matapos niyang ituro ang kamay ay tinuro niya ang kaniyang bandang dibdib.

Umawang ang mga labi ko at mahina siyang hinampas sa dibdib.

"Ang corni ng jokes mo!" singhal ko at nauna sa kaniyang maglakad.

Narinig ko pa ang pagtawa niya bago sumunod sa akin. Nagulat ako nang higitin niya ang kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad.

Tss, kaya ako umaasa eh!

Pagkarating namin sa hotel ay agad akong nanghiram ng first aid kit sa baba bago kami nagtungo sa room ni Lance. Naka separate pala ang room nilang apat. Ang buong akala ko ay iisa lang sila ng room. Well, kami kasi nila Abby 'pag nag t-travel, 'di kami naghihiwalay ng room.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng room niya. Nasa room 9 pala siya nag s-stay.

Nakaramdam ako ng ilang nang makapasok kami sa loob ng room niya. Hindi kasi ako sanay na pumasok sa room ng kahit sino basta lalaki. Lalo na ngayon na kami lang dalawa rito.

Inaya ko siyang umupo sa kama niya. Saglit kong inikot ng tingin ang paligid at agad rin naman akong nakakita nang single chair. Kinuha ko 'yon at dinala sa harap niya.

Umupo na ako at binuksan ang first aid kit. Nagsimula na akong gamutin ang kamay niya. Tahimik lang kami pareho kaya naisipan kong magsalita.

"Uhh... Lance. Pasensya na nga pala kung nagtanong pa ako tungkol don sa... ahh, sa pagbanggit ko—"

"About Danica?"

Hindi ko magawang tuldokan ang sasabihin ko. Iniiwasan ko lang kasing banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon. Mamaya masigawan na naman ako ni Lance.

Tumango lang ako bago ipinagpatuloy ang pag gamot sa sugat niya. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kaniya.

"Paano mo nga pala nalaman?" tanong niya dahilan para mapatingin ako ulit sa kaniya.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now