28

80 7 3
                                    

BUMABA ang mga halik niya patungo sa leeg ko na nagbigay sa'kin ng kakaibang kiliti. Nakahawak ang isa kong kamay sa kaniyang matigas na dibdib habang ang isa ko pang kamay ay nasa likod ng batok niya at doon kumukuha ng suporta.

Alam kong mali 'tong ginagawa namin. I should probably make him stop from what he was doing... but, I just can't! Parang gusto ko rin ang ginagawa niya. His lips on my body, that make me crazier.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin pabalik, dahil wala naman akong alam sa mga ganitong bagay. Hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya.

Napahigpit ang pagkapit ko sa batok niya nang dahan-dahan niyang ipasok ang kaniyang kamay sa loob ng damit ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang palad sa balat ko.

Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghinto niya sa ginagawa. Habol ko ang hininga ko nang huminto siya sa paghalik at bahagyang lumapit sa tainga ko.

"Ali sabihin mo sa'kin..." he trailed off. "Sinong gago ang naging first kiss mo?"

Bahagya akong namula sa naging tanong niya. Ramdam ko sa boses niya ang inis ngunit nanatili itong masarap sa tainga.

Gosh! How can someone be so hot and cute at the same time?

Kaya ba ganon nalang 'yung reaksyon niya kanina nung umoo ako sa tanong niya? Hanggang ngayon pala ay iniisip niya pa rin kung sino ang first kiss ko! Cute Lazaro.

Napairap ako at marahang napangisi. Sigurado akong hindi niya kita ang pag angat ng sulok ng labi ko kasi para kaming magkayakap ngayon.

Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa batok niya at unti-unti ring lumapit sa tainga niya gaya ng ginawa niya.

Mas lalo akong napangisi nang marinig ang pagsinghap niya dahil sa ginawa ko. Kahit malamig dito sa tabi ng dagat, mas nangingibabaw ang init na nararamdaman ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng lamig!

"You... dumbass," mahina kong sambit.

Agad na napawi ang pag ngisi ko nang mabilis pero maingat niya akong hinarap sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang magtama ang mga mata namin.

Para akong tangang napatulala sa mukha niya nang makita ko itong pilyong ngumiti at kumidnat sa'kin.

Pakshit! Bakit ang ba ang gwapo niya?

Nagulat ako kasabay nito ay napapikit ako nang hatakin niya ako palapit sa kaniya at marahan akong hinalikan sa noo.

***


NAKABALIK na ako sa room ko ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag init ng pisnge ko. Yakap-yakap ko ngayon ang dalawa kong tuhod habang iniisip ang nangyari kanina sa tabi ng dagat.

Hindi nga ako nananaghinip! Totoong-too yung mga nangyari kanina! Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Shutangina hindi ko lubos na maisip na magagawa ko 'yon!

Kapag naiisip ko yung mukha ni Lance at kung paano niya ako halikan, legit yung pakiramdam na parang may paru-parong nagwawala sa aking tiyan.

Muntik na akong mapatalon mula sa kamang inuupuan ko nang biglang mag ring ang cellphone ko na nasa tabi ko. Mabilis ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ito. Nakailang ring pa ito bago ako nagdesisyong sagutin ang tawag. Baka kasi mamaya importante pala ito.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now