PROLOGUE

704 27 8
                                    

"Doc Alison, okay lang po ba kayo? Sa tingin ko po ay kailangan niyo munang magpahinga."

Mahigit dalawampu't apat na oras na rin akong walang pahinga. Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.

"Medyo nahihilo lang… pero ayos lang ako." Nginitian ko siya bago ako naglakad pabalik sa table ko.

"Sige po, Doc Ali, mauna na po ako." paalam ni nurse Althea bago lumabas ng opisina ko.

Pagod akong napaupo sa swivel chair at marahang minasahe ang aking sentido. Napatingin ako sa relos ko para tingnan ang oras. Matunog akong bumuntong-hininga nang mapagtantong mag-uumaga na pala.

Abala ako sa pag aayos ng mga gamit sa’king lamesa nang biglang may kumatok mula sa labas ng pinto ng aking opisina. Napahinto ako at napaangat ng tingin doon.

"Come in," sambit ko at hinintay itong makapasok.
   
Napako ako sa kinauupuan ko nang makita siyang naglakad papasok palapit sa’kin. Gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya hanggang sa makalapit ito sa harapan ko.
  
"Dra. Pineza," sambit niya. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay at diretso lang ang tingin sa'kin.
 
"O-orwel…" mahina kong usal. Mabilis ko ring pinilig ang aking ulo sa'king isipan. "Dr. Yamson. What can I do for you?" bigla kong seryosong sabi.
  
Imbes na sagutin ako, marahan niyang inilibot ng tingin ang bawat sulok ng aking opisina. Bahagyang napagilid ang mukha ko bago siya pinagsingkitan ng mga mata. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito?
   
Huminto ang tingin niya sa'kin bago pinagkrus ang kaniyang dalawang braso. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi.
   
"You have a nice office, huh?" tumatango niyang sambit.
   
Sa pagkakaalam ko, ngayon pa lang siya nakapasok dito sa office ko. Nakatingala pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Obviously, mas matangkad siya sa'kin.

"If that's a compliment, thank you, then.” peke ko siyang nginitian.
  
Napansin kong saglit niya pa akong tinitigan. Parang dinaga ang puso ko sa sobrang kaba dahil natatakot ako na baka magtanong siya ng kung ano.

"Is it okay If I sit down?” taas kilay niyang sambit habang ikinukumpas ang upuan sa tabi niya.

"Do whatever you want, Dr. Yamson. But, just tell me why are you here?" may diin kong saad.
   
Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga bago umupo sa upuan na nasa tapat ko. Napalunok ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya na minsan ko lang nakikita sa kaniya.
   
"Ali, bakit mo ginagawa 'to? Bakit kailangan mo pang bumalik?" diretso niyang sambit dahilan para matigilan ako.
  
Pasimple akong umiwas ng tingin sa kaniya. Ito na nga ba 'yong sinasabi ko, eh. Nagtatanong na siya!
   
"Pagod ako, Orwel. Wala ako sa mood para pag-usapan ang tungkol diyan. Kaya pwede ba… umalis ka na?"
   
Nakita kong binasa nito ang pang ibaba niyang labi. "Ali, sinasabi ko sa'yo. Nagkakamali ka ng pinasukan." sambit niya.
   
Hindi ko alam kung nananakot ba siya, kasi kung oo, hindi ako natatakot sa sinasabi niya!
   
"Umalis ka na habang hindi pa nauubos ang pasensya ko sa'yo." malamig kong sabi.
   
Saglit niya pa akong tinitigan ng mariin bago siya tumayo at umalis. Para akong nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas.
   
Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para dito. Ngunit sa tuwing nakakaharap ko sila, bigla na lang akong nagpapanic.
   
Tinapos ko ng ayusin ang mga gamit ko at nagdesisyong umalis. Kinuha ko ang aking shoulder bag at agad na sumakay ng elevator.
   
Pagkalabas ko ng ospital, agad akong nagtungo sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Ine-start ko na ang engine at nagsimulang magmaneho.
   
Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta ngayon. Gustuhin ko man na matulog na lang pero hindi ako inaantok.
   
Namalayan ko na lang na sa coffe shop pala patungo ang tinatahak kong daan. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa tapat ng coffee shop. Saglit pa akong napatulala bago naisipang lumabas ng sasakyan. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang papasok sa loob ng coffee shop. It's been a while.
   
Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Matagal tagal na rin 'yong huli kong pagpunta rito. Gustuhin ko mang umatras at umalis na lang pero parang may pumipigil sa'kin.
   
Dahan-dahan kong inikot ng tingin ang loob nang makapasok. Napansin kong marami na rin ang nagbago.
   
Dahil sa kalikutan ng aking mga mata, natuon ang paningin ko sa direksyon kung saan doon kami laging umuupo tuwing pumupunta kami rito no'ng college… no'ng kami pa.
   
"Miss Ali?"
   
Agad akong napalingon sa’king likod nang may magsalita. Umawang ang mga labi ko nang mapagtanto kung sino ito.
   
"Freya? Kamusta ka na?" gulat kong sabi.
   
"Ayos lang po, Miss Ali. Kayo po ba? Balita ko, isa ka na pong mahusay na Doktor!" aniya habang nakangiti.
   
"Oo nga, eh. Thanks to God at naging Doktor din." natatawa kong saad.
   
"Alam mo ba Miss Ali— este Doc Ali, malapit na po akong maging Architect!" masaya niyang sambit.
   
"Really? Advance congrats sa'yo, Freya!"
 
"Salamat po Doc— kayo pa rin po?" namamangha niyang usal ngunit hindi na siya sa'kin nakatingin ngayon.
   
Kumunot ang noo ko at agad na lumingon sa likod ko kung saan siya nakatingin. Napaawang ang mga labi ko. Parang nahigit ko ang hininga ko nang makita ang tinitingnan niya. Parang dinaga ang puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nakauwi na pala siya?
  
Lance.
   
Narinig kong tinawag na si Freya ng katrabaho niya kaya ka agad rin itong natauhan.
   
"Uhh… excuse me po." usal nito bago nagmamadaling umalis.
   
Nakatayo pa rin ako ngayon sa harapan niya. Hindi rin naman kami gano'n ka lapit sa isa't-isa.
   
Wala man lang akong nakikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Mas lalong bumilis ang pagtibok nang puso ko nang humakbang ito palapit sa'kin.
   
"Excuse me." malamig niyang sabi.
   
Saglit pa akong natulala habang nakatingala sa kaniya. Nang ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya, agad akong tumabi at binigyan siya ng daan. Nakita kong pasimple niya akong sinulyapan bago walang pasabi akong nilagpasan.
   
Ngunit agad akong napatakip sa’king ilong at bibig nang bigla akong napabahing. "Excuse me…" mahina kong bigkas.
   
Napatingin ako kay Lance na nakatalikod na ngayon sa'kin. Masama ko siyang tiningnan kahit hindi niya naman makikita. Fuck his perfume!
   
Bigla siyang lumingon sa'kin dahilan para makita niya ang galit kong mukha. Tinapunan niya lang ako ng tingin bago nag order.
   
Biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari noon na may koneksyon sa pabango niya. Dahan-dahan akong napaatras bago lumabas ng coffee shop.
   
He used it again.
   
And I hate it.


Copyright © 2022

A/N:

Other Chapters are still under editing/revision. Kaya kung ikaw ay perfectionist hindi para sa'yo ang kwentong 'to.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon