37

33 7 0
                                    

MAAGA akong umalis sa dorm ko para kunin ang inorder kong cupcake sa bakeshop na pinuntahan ko kahapon.

Dumiretso na rin ako ng campus pagkatapos kong makuha ang inorder ko. May dalawang subject pa akong dapat e attend bago ang breaktime namin.

Habang nakikinig ako kay professor Borja, hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon pa lang ay nae-excite na akong makita si Lance. Special day niya ngayon kasi ngayong araw ay ang kaarawan niya.

Napatingin ako sa relos ko. Napanguso ako nang makita ang oras. Shutangina ang bagal naman ng oras! Miss ko na siya!

Nang tingnan ko si prof, abala siyang nagsasalita sa harap kaya naisipan kong kunin ang cellphone ko sa bulsa. Palihim akong nag type ng text kay Lance.

To Lancelot:

psst pogi!

Napangiti ako nang ma send ko na 'to. Saglit akong napaisip. Ano kaya magiging reaksyon niya 'pag nabasa niya text ko? Siguro kikiligin siya!

Naghintay ako ng ilang minuto para tingnan kung may reply na siya. Ngunit napasimangot ako nang makitang wala man lang siyang reply ni isa. Kaya naman, naisipan ko ulit na mag text sa kaniya.

To Lancelot:

busy ka ba?

goodluck Lancelot ko!

kita na lang us later.

"Miss Pineza!"

Napatigil ako sa ginagawa at muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat. Mabilis kong itinago sa libro ko ang aking cellphone at kinakabahang nag angat ng tingin kay professor Borja.

"Y-yes sir?"

"What are you doing there?" strikto niyang tanong, matalim ang tingin na iginawad niya sa'kin.

Shutangina! Mag isip ka Alison!

"W-wala po sir! Uhh... may binabasa lang po ako..."

Matagal pa siyang nakatitig sa'kin bago nagpatuloy sa pagsasalita. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Muntik na ako don, ah!

Matapos ang dalawang klase ko ay agad akong nagtungo sa room ni Lance. Break time namin at saktong wala ang professor namin sa susunod na subject kaya may oras pa akong e celebrate ang birthday ni Lance.

Papalapit pa lang ako sa room nila ay nakita ko na si Orwel. Nasa labas ito habang abala sa binabaa niyang libro.

"Orwel!" tawag ko sa kaniya.

Napatigil siya sa pagbabasa at agad na hinanap kung sino ang tumatawag sa kaniya. Bahagya kong tinaas ang kamay ko at mas binilisan ang paglalakad.

"Yoo Ali! Napadpad ka rito?" tanong niya nang makalapit ako. "Siguro miss mo ako, 'no?" makapal na mukha niyang sabi.

Agad ko siyang binigyan ng nakakadiring tingin. "Bakit naman kita mamimiss? Si Lance ka ba? Teka, nasan na ba si Lance?" pasimple ko pang sinilip ang loob ng room nila.

"Wala kang makikita diyan," aniya.

Napabalik ang tingin ko kay Orwel at kinunotan siya ng noo.

"Eh, nasan siya?"

"Nasa anatomy lab si Ardie ngayon. Nag c-celebrate mag isa sa birthday niya." seryoso niyang sabi pero bigla ring tumawa ng malakas. May saltik ata 'to!

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon