51

50 6 0
                                    

"HI everyone, good evening!"

Pareho kaming napatingin ni Doc Kristel sa pinto ng kusina. Nakangiting pumasok mula rito si Doc Juvy habang nakapulupot ang kaniyang kamay sa siko ni Lance.

Lumapit ito kay Doc Kristel at nakipag beso. Matapos ay napatingin siya sa'kin.

"Oww! Hi, Dra. Pineza! It's good to see you here!"

Tipid ko lang siyang nginitian bilang pagbati. Lumapit siya sa banda ko at aktong makikipag beso rin sa'kin nang pasimple kong iniwas ang mukha ko. Ayaw ko madapuan ng kaplastikan!

"Hi," tipid kong sambit bilang pag respeto.

Alam kong nakita ni Lance at Doc Kristel ang ginawa ko. Hindi ko na lang ito pinansin at tinuon na lang ulit ang atensyon sa pagkain sa harap.

Kita sa gilid ng mata ko na iginaya ng lalaki na makaupo si Doc Juvy sa tabi ng kaniyang upuan. Pakiramdam ko ay kanina pa napapansin ni Doc Kristel ang pagkaumay ko sa kararating.

Saglit kaming natahimik ngunit agad ring binasag ni Doc Juvy ang katahimikan. Pareho kaming napatingin sa kaniya.

"By the way, Dra. Pineza, Lance and I are getting married soon, and I have decided to have you as our maid of honor, 'cause why not?" aniya dahilan para mabulunan ako.

Kinuha ko ang wineglass sa lamesa at ininom ito. Marahan kong pinunasan ng panyo ang bibig ko.

"Ali, are you okay?" tanong ni Doc Kristel, bakas ang gulat sa kaniyang mukha habang nakatingin sa'kin.

I nodded. "I-im okay... excuse me, punta lang ako sa restroom." Paalam ko at agad na tumayo.

Mabilis pero maingat ang naging hakbang ko palabas ng dining. Napahinto ako nang biglang may humila sa'kin at hatakin ako paharap sa kaniya.

"Ali, wait."

Napatingala ako para pantayan ang mga tingin niya. Mariin ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Ano na naman, Lance? Ikakasal ka na hindi ba? Anong gusto mong sabihin ko? Congrats? Edi congrats!" sarkastiko kong sambit at sinabayan ng tawa.

Tinapunan ko siya ng tingin at tatalikod na sana nang bigla niya akong hawakan sa siko ko para pigilan.

"Ali..."

Mariin akong napapikit bago siya tingnan ulit. Pasimple kong nakagat ang labi ko. Napaka manhid niya para saktan ako ng sobra!

"Lance pwede ba? Hayaan mo na ako..."

Sa bawat salita na binibitawan ko, katumbas nito ang kirot sa bandang dibdib ko.

Nakita ko ang pag galaw ng kaniyang panga. Bahagya siyang tumingala kasabay ang pagbasa niya sa pang ibaba niyang labi bago ako tingnan ulit sa mga mata.

"Alison, minahal mo ba talaga ako?" tanong niya dahilan para saglit akong matigilan. "Kasi kung oo, bakit mo ako iniwan?"

Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin sa kaniya. Bakas pa rin sa boses niya ang lungkot habang sinasabi iyon.

Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa'king mga mata. Hindi ko inaasahan na magiging closure na pala ang dapat na dinner lang.

"Lance, ten years na ang nakalipas... ang tagal na no'n. Pwede bang 'wag mo ng ungkatin? Tangina, ikakasal ka na, eh!"

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon