48

49 5 0
                                    


"WHAT? How are you? Nag usap na ba kayo ulit?" tanong ni Nicole nang sabihin ko sa kaniya ang nangyari kanina sa Conference Hall.

Matunog akong bumuntong-hininga at umiling. "Hindi ko nga siya kayang makaharap, makausap pa kaya..."

Nasa isang fast food chain kaming dalawa ngayon. Nilibre ko siya dahil na promote ako bilang Head Department sa Lazaro Hospital. Sayang nga kasi kaming dalawa lang. Busy sa trabaho ang tatlo kaya hindi sila makakapunta.

Sumaglit lang din si Nicole dahil susunduin niya pa si Zia sa school, anak niya. Sa aming lima, si Nicole ang naunang ikasal at naunang nagkaroon ng anak. Professional Fashion Designer na rin ang gaga, ang taray!

Kinuwento ko sa kaniya 'yong unang pagkikita namin ulit ni Lance sa coffee shop at 'yong nangyari kanina. 

"See? Ali, sinabihan na kita na 'wag mo ng pasukin ang mga Lazaro, 'di ba?" aniya at pinagsingkitan ako ng mga mata. "Aminin mo nga sa'kin, Ali. Gusto mo bang maghiganti?"

Mabilis na kumunot ang noo ko. "Nicole, alam mong hindi ko gawain 'yon. Pumasok ako sa mga Lazaro para malaman ang katotohanan, 'yon lang."

Tumigil siya sa pagsubo ng pagkain at tiningnan ako mata sa mata. "Hindi pa ba sapat sa'yo 'yong mga nalaman mo? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ng imbestigador, Ali?"

Umiwas ako ng tingin. "Ibang katotohanan ang gusto kong malaman, Nicole. Kung bakit nila isinawalang bahala ang nangyaring aksidente sa mga magulang ko..." mahina kong sambit sakto lang para marinig niya.

Napansin ko ang pagtayo niya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Alam kong mahirap para sa'yo 'to, kasi nararamdaman kong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya." sambit niya.

Naiiyak akong tumingin sa kaniya. "Bakit mo alam?"

Sa tuwing kaharap ko ang mga kaibigan ko, lagi akong nagpapanggap na matagal nang burado ang nararamdaman ko kay Lance. Ayaw ko lang maging mahina sa harap nila.

"Malamang kaibigan kita," sagot niya.

Saglit kaming tumahimik. Pareho na naming hindi tinapos ang kinakain.

"Pero beshy, mas lalo ka lang mahihirapan pag nandoon ka. Narinig ko pa naman na may dine-date na 'yon sa New York." aniya.

Hindi na ako nagulat nang sabihin niya 'yon. Kahit ako ay alam na ang tungkol doon. Siguro nga halos lahat ng employees sa Lazaro Hospital alam 'yon.

"Si Dra. Fuentenegra. Siya 'yong kasama ni Lance kanina sa Conference Hall. Alam kong siya ang bago niya." pait kong sambit.

Mahina nitong pinisil ang kamay ko. "This is just a piece of advice, Ali. Stop holding onto someone just because you have history together, try to let him go."



***

"THE transplant was a success. There were no complications." balita ko sa pamilya ng pasyente na nag aabang dito sa labas ng operating room.

Mabilis na lumapit sa'kin ang babaeng sa tantsya ko ay nasa mid 40's at ang kasama nitong batang babae na siguro anak niya rin.

"Thank you po, Doktora Pineza..." sambit nito at bahagyang yumuko. Kung kanina ay kita ko sa mga mata niya ang kaba at takot, ngayon naman ay unti-unti na 'yong napalitan ng saya at pag asa.

Marahan kong hinimas ang likod ng balikat niya at ngumiti. "It's okay, it's my duty. Please, excuse me."

Naglakad na ako paalis ng OR. Bahagya ko pang inayos ang suot kong white coat habang nasa daan ang tingin. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Dra. Fuentenegra malapit sa Central Service Room.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now