21

125 9 0
                                    

DAHAN-dahan akong bumangon at maingat na umupo sa higaan. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot sa mga sugat ko.

"Alison! I told you not to move. Alam mong hindi mo pa kaya," agad akong nilapitan ni Lance para pigilan.

Saglit pa kaming nagkatinginan bago ako umiwas ng tingin sa kaniya.

"Kaya ko na sarili ko," anas ko. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Okay, let me help you." sambit ng malalim niyang boses.

Bago pa man ako maka-angal ay nahawakan niya na ang braso ko at maingat akong inalalayan na makaupo ng maayos.

Ngayon ay magkadikit na naman ang mga balat namin at ramdam ko na naman 'tong kakaibang pakiramdam sa tuwing dumidikit ang balat niya sa akin. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kaniya.

"Lance, hindi mo naman kailangang gawin pa 'to, hindi mo na ako kailangang bantayan pa. Alam kong may pasok ka pa... hindi mo na ako obligasyon." anas ko, hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kaniya.

Sinabayan niya ang mga titig ko na nagpatiklop sa akin. Mabilis kong inalis ang tingin sa kaniya at nagkunwareng may tinitingnan.

"Do you want something to eat?"

Mariin akong napapikit sa inis. Bakit ba ang kulit niya! Nang tingnan ko siya, nakatayo na siya ngayon sa side table kung saan nakalagay ang mga prutas na dala niya kahapon.

"Lance nakikinig ka ba sa akin?" seryoso kong sabi dahilan para mapatingin siya ulit sa akin. "Bakit mo ba ginagawa 'to?"

Nakagat ko ang labi ko nang mariin niya akong tiningnan. Binasa niya ang pang ibaba niyang labi bago ibinalik ang tingin sa side table.

"Kung hindi lang sana kita niyayang magkape, edi sana hindi ito nangyari sa'yo." mahina lang ang pagkasabi niya nito pero narinig ko pa rin. Nagsisisi ba siya?

"Alison, just please... let me do this."

Naputol lang ang pag uusap namin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya 'to sa bulsa niya at tamad na tiningnan ang screen. Saglit siyang tumingin sa akin bago lumayo ng kaunti.

Binaling ko na lang ang tingin ko sa mga prutas sa side table. Napasimangot ako nang mapagtantong gutom na ako. Kita kong abala pa rin ang lalaki sa kausap niya kaya kumuha ako ng orange at binalatan ito.

Nakailang subo na ako ng orange bago ko napansin ang paglapit ng lalaki sa akin. Pasimple akong ngumuso nang mapunta ang tingin niya sa hawak kong orange bago ibinalik ang tingin sa akin nang nakataas ang kilay. Ano na naman ba?!

"Uhh... nakausap mo na ba ang doctor ko kung kailan ako makakalabas ng hospital?" basag ko sa katahimikan.

"Maybe a week." he uttered. "But don't worry, I will talk to my sister so you can get out here right away." he gave me an assurance.

Tumango ako bago siya nginitian. Ngunit agad din na nangunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi niya.

"Ano nga ulit sabi mo? Kakausapin mo ang kapatid mo? Teka... bakit naman nasali ang kapatid mo?" nagtataka kong tanong.

"I'm talking to Doc Kristel, my sister. She's your personal doctor, Ali."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at kasabay nito ay nalaglag ang panga ko. Gulat akong nakatingin sa kaniya kaya agad siyang nagtaka.

"Lazaro ka din?" gulat kong saad.

Mas lalong kumunot ang noo niya habang binabasa ang ekspresyon ko.

"Yeah. Why?"

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon