14

123 7 0
                                    


"IT'S your night! Everybody, let's have fun!" sigaw ng dj bago sinimulan ang pagtugtog ng music.

Kasunod n'on ay ang pagpatay ng mga ilaw, kasabay ang pagbukas ng disco lights. Hindi na ako kumain ng dinner kanina, kumuha lang ako ng dessert at 'yon lang ang kinain.

Nang mapansin kong aktong pupunta na sila Abby sa gitna, kaagad akong lumapit at nagpaalam saglit.

"May kukunin lang ako saglit sa camp tent, babalik rin ako dito." pagpapaalam ko.

"Bumalik ka kaagad, ah. Bilisan mo!"

Tumango lang ako. Naglakad na ako pabalik ng camp tent. Marami akong nadadaanang mga estudyante na papunta pa lang doon sa ground.

Bumalik lang talaga ako sa tent para kunin ang cellphone ko. Nakalimutan ko kasing dalhin, incase na ma bored ako atleast may iba akong pagkakaabalahan.

Nang makapasok sa tent, kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Sinarado ko pa ang tent ulit bago ako bumalik sa Beach party.

Sinubukan kong hanapin sina Abby pero hindi ko na makita, sa sobrang dami ba namang tao dito. Nagtanong na rin ako sa mga kakilala kong dumadaan, pero hindi rin nila napansin.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko. Lumapit ako sa may lamesa at nagsalin ng alak. Napapikit ako nang inumin ko ito ng diretso. Naramdaman ko kaagad ang pait ng lasa nito na gumuhit sa lalamonan ko. Nagsalin pa ulit ako bago ito nilagok.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para inumin 'yon ng diretso. Gusto ko lang sanayin ang sarili ko na uminom ng iba't ibang klase ng inomin, sa dahilan na gusto ko rin na malaman kung gaano kataas o kababa ang alcohol tolerance ko.

Hindi ko namalayan na naka limang shot na ako bago ko makita sila Abby. Nakita kong naglalakad silang apat papalapit sa akin.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang mga itsura nila. Nagugulohan ako nang makitang para silang nababalisa na ewan. Nakita kong napatingin si Klea sa hawak kong baso.

"Saan ba kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap." sambit ko.

Lumapit si Nicole sa akin at saka nagsalin din ng alak. Nakatingin lang ako sa kaniya habang iniinum niya 'yon. Napabalik ang tingin ko kina Klea na nasa harap ko pa rin hanggang ngayon.

"Ali..." sambit ni Abby.

"O, anong meron sa mga itsura niyo?" nagugulohan kong tanong.

"Ali ano kasi.... may kailangan kang ma- my gosh..." hindi niya na makuhang tapusin ang sasabihin niya nang biglang nanlaki ang mga mata niya.

Mas lalo akong nagtaka nang makita ang itsura nila ngayon. Nakatingin sila sa likod ko nang may gulat sa mukha, para bang nakakita sila ng multo.

Nagtataka ako kung bakit ganun nalang sila kung umasta. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.

Imbes na magulat sa nakita, galit ang naramdaman ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso. Nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan at kaagad ko itong kinuyom.

Namalayan ko nalang ang paunti-unting pagbilis ng paghinga ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'to sa ininom kong alak, o sadyang dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Narinig ko ang mahinang pag mura nila Klea sa likod ko.

Biglang bumalik sa akin lahat ng nangyari sa gabing 'yon. Kung paano niya ako lokohin ng harap-harapan. Kung paano niya ipamukha sa akin na hindi ako naging sapat sa kaniya.

Bago pa man tumulo ang mga luha ko, mabilis na akong naglakad paalis doon. Nakikita ko pa lang ang pag mu-mukha ng gagong 'yon, bumabalik sa'kin lahat ng sakit at sama ng loob ko sa kaniya.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now