23

109 8 0
                                    

At dahil nakaabot tayo ng 1.12k reads this december 24, ito na, mag uupdate ako ngayon! Tysm po!

PAGKARATING ko sa bahay ay mabilis akong naglakad paakyat ng hadgan. Kahit nanghihina ay sinubukan ko pa ring bilisan ang hakbang ko paakyat. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko.

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong pumunta sa banyo. Marahan akong napasandal sa pinto at wala sa sariling napahawak sa'king dibdib.

Nakaawang ang mga labi ko at ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang lakas ng pagtibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa salamin na nasa harap ko. Mariin akong napapikit nang makita mula sa salamin ang mala kamatis kong mukha!

Unti-unti kong inangat ang kamay ko at marahang hinawakan ang maninipis kong labi. Nakagat ko ang labi ko nang biglang may namuong luha sa mga mata ko.

Shuta, bakit ako naiiyak? Hindi naman pera ang ninakaw sa akin... kaso first kiss ko pa rin 'yon!

Pinahid ko ang mga luha sa mga mata ko. Naiiyak ba ako kasi ninakaw ang first kiss ko? O naiiyak ako kasi hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lance bukas?

Waaaah! Bakit niya ba kasi ginawa 'yon? Hindi niya naman siguro sinasadya Alison! Ang tigas naman kasi ng ulo mo! Kung nakinig ka lang at hinayaan siyang gawin 'yon, edi hindi sana 'to mangyayari.

Lumabas na ako ng banyo at agad na tinawagan si Abby.

"O, Ali? Ang bilis mo naman makamiss!" natatawa niyang sambit nang sagutin ang tawag.

Sasagot na sana ako ngunit agad rin akong napahinto nang marinig ang boses ni Klea sa kabilang linya.

"Kasama mo pa rin si Klea?" tanong ko.

Mabilis kong nailayo ang cellphone ko sa aking tainga nang sabay silang apat na magsalita. Tf? Magkakasama pa rin sila ngayon? Ibig sabihin ay naka loudspeaker ang phone ni Abby.

"Bakit ka napatawag? Hindi mo na ba kasama ang manliligaw mo?" singit ni Nicole mula sa kabilang linya.

Bigla na namang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina sa kotse ni Lance. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon sa ginawa niyang pagnakaw ng first kiss ko.

"Ali, still there?"

Napakurap-kurap ako bago bumalik sa huwisyo. Muntik ko ng makalimutan na may kausap pala ako.

"Bigla ka atang natahimik? May problema ba?"

"Uhh..."

Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari. Natatakot ako na baka asarin lang nila ako lalo.

"Spill the tea Alison! Kahit hindi ka namin nakikita, napaka obvious mo pa rin!" bulalas ni Klea.

Marahan akong napapikit bago matunog na bumuntong-hininga.

"Uhh... p-para kasi akong kinakabahan na naiiyak..." nakanguso kong sambit.

"Ano? Bakit... may ginawa ba sa'yo si Lance?" agad na singit ni Nicole, bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Umiling ako kahit alam kong hindi naman nila makikita. "Oo... i mean wala! Pero...."

"Pero???"sabay nilang saad mula sa kabilang linya.

I pursed my lips. Sasabihin ko ba talaga sa kanila? 'Wag na lang kaya? Bahagya akong tumingala. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kanila.

"Hinalikan niya ako..."

Rinig kong sabay silang napasinghap mula sa kabilang linya. Unti na lang ay dudugo na ang labi ko sa riin ng pagka kagat ko rito.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now