Chapter 50

534 11 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


" Louis is my greatest love. "


Pagkarinig ko ng mga katagang yon, napayukom ang kamay ko pagkatapos ay tinignan siya mata sa mata. Pansin ko ang pag ngiti niya sa akin, ngunit tanging galit lang ang pinaramdam ko sakaniya.





Anong greatest love sinasabi niya? Nababaliw ba siya?! Parang gusto ko siyang kumprontahin ngayon sa sinabi niyang iyon. Anong greatest ang sinasabi niya, matapos niya akong iwanan sa ere at itapon ng parang basura?! Nang gagago ba siya?!



" Wowww. Sabi na may something sa inyo eh. Ano nangyari at hindi niyo itinuloy. " tanong pa ni Yumi.



" Yumi, can you please stop asking that non-sense fucking question?! And you Gianna! Anong karapatan mo na sabihin kay Yumi na greatest love moko?! You're my stepmom in the future for Pete's sake! " galit ko na bulalas sakanila.



Bahagya itong natahimik ngunit ngiti lang ang ginanti niya sa nagliliyab kong tingin sakanya. Samantalang tong Yumi nato, natahimik nalang din. First time niya kasi ako nakitang galit ng ganito.




" I'm no longer your future step-mom Louis. Matagal na kaming hiwalay ng Dad mo. " wika nito na kinagulat ko.



" Opppsss. Guys, alis muna ako. Mag usap muna kayong dalawa. " sabay alis ni Yumi sa table.



" Rey and i, broke up 3years ago. Nung iniwan kita, hindi ko ginusto yon. Natakot lang ako. "



" Then fuck you Gianna! Natakot?! Natakot na ano?! Matanggalan ng sustento!? " sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin dito sa bahay. Galit na galit na talaga ako!




" Yes, you're right. Natakot ako dahil kapakanan ng kapatid ko nakasalalay. Kung sarili ko lang sana ang iniisip ko, mas ikaw ang pipiliin ko. But nag usap na kami ng Daddy mo, we both decide na itigil na ung relasyon namin. Hinanap kita, pinilit kitang hanapin para makausap na ikaw ung pinili ko at tanggap na tayo ng daddy mo. Pero huli na ang lahat, hindi kita nakita. " tila paiyak na ito.




" Tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa sinasabi mo ha?! Ano ako sira ulo para maniwala sa mga sinasabi mo?! At tanggapin nalang lahat! " sigaw ko



" I'm sorry Louis. Pero, lahat ng naramdaman ko at pinaramdam ko sayo ay totoo. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Pero nasaktan din naman ako sa nangyari. Lahat ng nasabi ko sayo ay pinagsisihan ko. Walang araw na hindi kita inisip, kung kamusta kana. Kung okay ka lang ba. "




" Shit, come on Gianna. I'm fucking doin good simula ng umalis ako ng Pilipinas dahil sa sakit na ginawa mo sakin. Natatandaan mo ba ung sinabi mo sa akin that night na tinapon mo akong parang basura at pinalayas sa condo mo?! Na nandidiri ka sakin dahil parehas tayong babae?! At pinagsisihan mo na pumatol ka sa akin?! Tapos ay wala kang mapapala sa akin dahil hindi ko kayang higitan si Daddy sa pagbibigay sayo ng sustento?! Then fuck you Gianna. Wag mong sabihing greatest love mo ako, dahil hindi ko kahit kailan makakalimutan yung mga sinabi mo nung araw na yon! Wala kang alam sa nangyari sa akin nung panahon na umalis ako condo mong umiiyak habang pinagtitinginan ng mga trabahador sa condong yon! Kung paano ako nagsuffer sa pagka broken ko dahil sayo! Kung paano ako umiyak gabi gabi dahil iniisip ko na, tama ka, babae ako. Ngunit hindi babae lang. Dahil nung mga panahon na yon, sarili kong ama kinalaban ko dahil sa pagmamahal ko sayo tapos ikaw? What did you do?! Tinapon moko at pinandirihan. So tingin mo, sa lahat ng sinasabi mo ngayon ay maniniwala pala ako sayo?! " di ko na napigilan lahat ng nararamdaman kong poot sakanya.




" Louis, hindi kita masisisi kung hanggang ngayon ay galit kapadin sa akin. Pero lahat ng sinasabi ko sayo ngayon ay totoo. Lahat ng yon pinagsisihan ko. Gusto kitang habulin nung gabing yon para bawiin lahat ng masasakit na sinabi ko, pero nanaig ung takot ko. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Patawarin mo ako kung hindi ko nagawang ipaglaban ung pagmamahalan natin dahil alam natin parehas na mali yon. At ayokong tumagal pa iyong relasyon na un dahil ikaw nalang meron si Rey. Mas pinili kong unahin ung kapatid ko, mas pinili kong saktan ka. Pero hanggang ngayon Louis mahal na mahal pa kita. Kahit kailan hindi nawala o nabawasan ung pagmamahal na yon, nandito ako sa bahay niyo dahil nakiusap sa akin si Rey na dumito muna habang nagpapagaling siya. Umaasa din ako na muli kitang makikita at humingi ng kapatawaran mo. Hindi ko hinihiling na magkabalikan tayo, pero isa lang amg gusto kong mangyari. Un ay mapatawad mo ako Louis. " sabay tayo nito at lumuhod sa harapan ko na umiiyak.



Ayokong maging marupok, pero unti unting tumutulo ung luha sa mga mata ko habang pinapakinggan lahat ng sinasabi ni Gianna. Eto nanaman ung puso ko, gustong gusto kong yakapin siya ngayon at sabihin na ganon din ang nararamdaman ko para sakanya. Pero hindi ko magawa, dahil mas nangingibabaw ang pride ko sa sarili ko.




Alam kong maling mali talaga ung nangyari sa aming dalawa noon, habang pinapakinggan ko lahat ng paliwanag niya ay meron akong doubt na nararamdaman. Hindi ko magawang magtiwala muli sakanya, dahil sa nangyari noon. Hindi ko magawang mapatawad siya dahil oras na mangyari un ay magiging mahina nanaman ako.




Pero tila lumalambot ang puso ko sa nasa harapan ko ngayon habang hawak hawak ung tuhod ko na nakahulod sa harapan ko.



Sobra kong namiss si Gianna. Hindi ko ineexpect na hahantong kami sa ganitong usapan. Nailabas ko lahat ng galit ko sakanya, lahat ng hinanakit.



Ngunit may bumabagabag sa isipan ko na patawarin ko na siya dahil hindi lang naman siya ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin yon. Dahil kasalanan ko din naman. Kasalanan naming dalawa, dapat nga ung tatay ko ang mag rant sa akin ngayon tungkol sa nangyari before. Pero ako itong may lakas ng loob na sigawan itong si Gianna sa kasalanan na hindi lang naman siya ang may gawa, kundi ay ako din naman.



Mas pinanaig ko ung pride ko dahil hindi ko matanggap na si Daddy ang pinili niya. Samantalang ako ang nang agaw sa sarili kong ama sa babaeng minahal din niya. Mas ako nga dapat ang kasuklaman ng tatay ko dahil sa nagawa kong kataksilan para patulan itong babaeng ito, kung tutuusin ginawa lang naman ni Gianna ung nararapat dahil un naman ang totoo. Ang totoo naman ako lang naman ang sampid sa relasyon nila ng tatay ko. Ako ang nakisali, ako ang nagpagulo ng sitwasyon. Pero ako ngayon itong nagmamatigas sa babaeng nakaluhod sa harapan ko dahil hindi ko matanggap na tinapon niya ako ng parang basura lang.

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now