Chapter 27

622 8 0
                                    

WARNING !!
BAWAL SA BATA !!! charot. Basahin niyo na. :D

Rendiel Louis Salonga

After ng inuman namin ngayon, nagpaalam ako sakanila na may pupuntahan lang ako saglit. Nung una ay ayaw nila akong payagan. Pero wala na din silang nagawa dahil mapilit ako. Hindi padin ako pinapansin ng babaeng yon. At wala akong pakialam sakanya! Masyado niyang ginugulo ung damdamin ko.



Ang paalam ko sakanila may pupuntahan lang ako saglit, pero ang totoo niyang mag check in ako sa malapit na hotel dito dahil ayokong kasama ung bwcit na babaeng yon. Dumaan muna ako sa convinient store para bumili ng alak dahil gusto ko maglasing mag isa. Gusto ko muna mapag isa kahit ngayon lang at magpakalunod sa alak.


Tingin ko ay mga tulog na din ang mga yon dahil pare parehas nadin naman silang mga lasing. Nakadami din kami ng ininom kanina, masaya ako na malungkot sa outing na to. Masaya ako dahil hindi mahirap pakisamahan ung mga kaibigan ni Bitch. Malungkot dahil, hindi man lang ako pinapansin nong Gianna na yon. Bullshit!


Nandito na ako ngayon sa lobby ng hotel, hawak hawak tong paper pag na may lamang chips and beer. Nagcheck in nadin ako at nagbayad.

Paakyat nako ng elevator then mabilis akong nakapunta sa room number ko, akmang isasarado ko na sana tong pinto ng biglang pumasok tong babaeng kinaiinisan ko ng sobra sobra! Si Bitch!

Teka pano bako nasundan ng babaeng to?! Ugh! Kaya nga ako andito kasi ayoko siyang kasama tapos bigla bigla siyang pumasok dito sa room ko!

" Hey, bakit ka andito?! " galit ko sakanya. Umupo lang ito sa couch at walang imik na binuksan ung beer na binili ko.

Ilang segundo niya lang nilagok yon, ano ba tong babaeng to. Uhaw na uhaw sa alak?!

Napapailing ko na umupo dito sa upuan sabay bukas na din sa beer. Hindi ko padin siya pinapansin. Kung magagalit ako magsisigaw, useless din. Kabisado ko na ung ugali niya. Titignan niya lang ako ng seryosong emosyon niya kagaya ng ginawa niya sa akin non nung nagalit siya dahil may hindi ako magandang sinabi sakanya nuong nasa bar kami.


" Why you kiss him? " seryosong tanong niya pagkatapos ay nagbukas ulit ng alak.


Hindi ako sumagot, nagpatay malisya ako.

" Damn Louis! Ano ba ang nasa isip mo at hinalikan mo ung lalakeng un na kanina mo lang nakilala?! " galit na ito.

Hindi ko padin siya pinansin.


Bahala siya mang galaiti sa galit. Wala ako sa mood makipagsalitaan sakanya dahil ayokong mahalata niya na nasasaktan ako sa tuwing masaya siya sa Ivan na un. Hindi ko alam kung para sa tatay ko ba ako nasasaktan o mismong para sa akin na ung sakit na yon.

Tuloy lang ako sa pag inom, iniisip ko na lang na wala siya dito sa loob.

" Mahal mo naba si Adrian, Louis? " kalmado na ito.

" You may go. Gusto kong mapag isa ngayon. " malamig na sagot ko sa tanong niya.

Siraulo ata tong babaeng to. Anong mahal sinasabi niya?!

" Sagutin mo muna kung mahal mo si Adrian. After this aalis na ako. " seryoso itong nakatingin sa mga mata na tila nangungusap na sagutin ko ang tanong niya.

" No. " maikli kong sagot.

" Then, fuck! Why are you kissed him?! " eto nanaman ung galit niya.

" Eh ano bang pakialam mo ha?! Ano kong hinalikan ko si Adrian! Bakit ikaw?! Masaya kading nakipagharutan sa malanding Ivan na un! Makapagsalita ka! " sigaw ko sakanya, hindi ko na napigilan ung reaksyon ko dahil naiinis nako ng sobra sa mga galit at sigaw niya sakin.



I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now