Chapter 46

482 8 0
                                    

Rendiel Louis Salonga



Finally, after a long months and year nasa Pilipinas na ulit ko.



Pilipinas na naging dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra. Pero mas pinili kong umuwi ulit dahil kinakailangan.



May sakit si Daddy, hindi ko kayang tiisin ang galit ko sakanya na nanaig sa akin ng ilang taon. Ayoko mang umuwi pero hindi ko gugustuhin na manaig ang galit ko at magsisi bandang huli kapag may nangyari sakanyang masama.



Mas pinili kong magpakalayo layo at maging successful para may maipakita kay Gianna. Na kahit babae ako kaya ko siyang tulungan sa responsibilidad niya sa mga kapatid niya.



Maraming nangyari bago ako umalis ng bansa na ito, andun na yung pag aaway namin ng mag ama matapos akong pagsalitaan ng daddy ko na hindi tama ung relasyon naming dalawa ni Gianna at siya pala ang nagpumilit dito para hiwalayan ako.


Hindi ko masisisi ung tatay ko sa ginawa niya dahil kasalanan ko naman at pumatol ako sa gf niya.



Walang araw na hindi ako umiyak sa amerika. Tiniis ko lahat ng sakit ng ako lang mag isa. Binangon ko ung sarili ko sa pagkakadapa ng mag isa lang. Walang sinong tumulong sakin, kahit naman may tumulong ay ayokong tanggapin.




Lagi kong kausap ang kaibigan kong si Cath sa phone para makibalita kay Gianna. Alam kong mahal niya ako, alam kong naduwag lang siya. Alam kong totoo lahat ng pinaramdam niya sakin. May kunti sa puso ko na doubt dahil sa mga sinabi nito sa akin bago kami maghiwalay, pero mas nananaig ung pagmamahal ko skanya na kahit anong pilit ko ay siya padin ang pumapasok sa isip ko at minamahal ng puso ko.




Lagi ko ding pinapabantayan si Gianna kay Cath ng hindi niya alam. Gusto ko in the end of the day ako ang piliin niya. Gusto kong mamiss niya ako, pero nung nalaman kong sila padin ng tatay ko ay wala na akong nagawa kundi isuko mismo ang pagmamahal ko para sakanya.




Araw araw akong umiiyak habang pinapakinggan ko yung boses niya sa binigay nitong stuffed toy sa akin nung panahon na kami pa.


" Hi Love, it's me Gianna. I want to say thankyou for everything you've done for me. Ako na ata ang pinaka masayang tao dahil dumating ka sa buhay ko. Lagi mo tatandaan kung gaano kita kamahal at hindi basta basta mawawala iyon. Hindi man ako showy na tao, pero alam ng puso ko kung sino tinitibok nito. Ikaw yon impakta ka! Hahaha! I love you so much! Happy weeksarry sa atin Love! Mawala man ako sa tabi mo, at maghiwalay man ang landas natin always play this voice record. Corny man tong regalo ko pero wala e. Inlove na inlove ako sayo! Mwa! "



Yun lang ang tanging alaala sa akin ni Gianna. Kapag gusto ko marinig ung boses niya paulit ulit ko lang itong pinapakinggan.



Hindi lingid sa kaalaman ko na sila padin ng Daddy ko, at wala na akong magagawa pa don. Napatawad ko na si Daddy sa ginawa niya sa akin, dahil kasalanan ko naman. Pero ngayon ay gusto kong humingi ng tawad sakanya dahil sa mga maling nagawa ko dahil sa pagmamahal.



Alam kong masaya na si Gianna sa piling ni Dad. Gustuhin ko man siyang kalimutan sa puso ko ay hindi ko magawa. Kahit na madami sa aking nanliligaw sa States and madami ding babae don, hindi ko nagawang makipagrelasyon dahil ayoko makasakit ng tao.



Sa States din ako nakahanap ng sandalan. Un ay si Yumi, walang namamagitan sa aming dalawa. Gaya nga ng sabi ko si Gianna padin ang laman ng puso ko. Pero mas pipiliin kong unti unting alisin nalang siya dito dahil ayoko ng masaktan pa ang daddy ko.



Nalaman kong dun na din siya nakatira sa bahay dahil inaalagaan niya si Daddy.



May time pala na hinahanap ako ni Gianna kay Cath, based sa kwento nito ay may sasabihin daw siya. Nung panahon na yun na sinabi sa akin ni Cath ay gusto ko na agad umuwi ng pilipinas para makausap siya at malaman kung ano ang sasabihin niya. Pero mas nanaig sa akin ung takot na baka masaktan nanaman ako at iwanan sa ere. Kung maaari ay ayoko ng mangyari pa yun.



Matindi lahat ng napagdaanan ko simula ng maghiwalay kaming dalawa, to the point na halos gusto ko nalang mawala sa mundo kapag naalala ko siya. Sobrang wasted ng buhay ko, pero mas kinailangan kong bumangon. Mas kinailangan ako ng sarili ko. Mas inisip ko padin si Gianna at pagbutihan ang pag aaral ko dito at makakuha ng magandang trabaho na kikitain ko ng sarili kong pagod para iwanan na niya ung tatay ko at ako ang piliin niya dahil kaya ko ng ibigay lahat ng gusto niya.



Masyado akong martir pagdating kay Gianna. Ako na nga ang iniwan sa ere pero siya padin at ang future niya ang iniisip ko. Pero mukang late na ako, dahil sila padin ni Daddy hanggang ngayon. Buong akala ko ay hihiwalayan na niya si Daddy after niya ako hiwalayan. Pero nagkakamali ako, sa tuwing kinukwento ni Cath kung paano sila laging masaya kapag magkasama sa labas ay tila nadudurog ung puso ko.




Panahon na siguro para harapin ko lahat ng maling ginawa ko noon na tinakasan ko. At kalimutan ang mga nangyari na hindi maganda. Tatanggapin ko nalang siguro na hindi na kami para sa isa't isa ni Gianna. At ang tinadhana saming dalawa ay para maging future step-mom ko siya.


" Rendiel, ang init naman. Asan naba ung driver mo? " pagmamaktol sa akim ni Yumi.



Oo kasama kong umuwi si Yumi, pinoy din siya. Pero american citizen siya at duon na nakatira. Wala na siyang mga kamag anak dito, lahat nasa states na. Pero nung nalaman niyang uuwi ako ng pilipinas ay nagpumilit itong sumama dahil miss na daw niya umuwi.



" Kumalma ka ngang babae ka! Eto na tinetext ko na! "



Hindi pala alam ng Daddy ko na uuwi ako, dahil balak ko supresahin siya. Matagal na panahon na kasi kaming hindi nag usap na dalawa. Miss na miss ko na si Daddy kahit ganon ang nangyari sa aming dalawa.




Sa wakas ay dumating na yung driver. Ito ang mahirap sa pilipinas masyadong mainit at traffic. Nasanay na din kasi ako sa sistema sa States.




Bahagya akong kinakabahan ng papasok na kami ng gate ng bahay. Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag kaharap na ung tatay ko at mas lalong lalo na si Gianna.




Binuksan ko na yung pinto. Grabe miss na miss ko itong bahay namin. Andito padin ung malaking family picture namin na nakalagay sa wall.


Natuon ung pansin ko sa sala kung saan nakaupo si Daddy sa wheel chair habang sinusubuan ni Gianna ito.



Bahagyang naging slowmotion lahat lahat. Parang nanumbalik sa akin lahat ng masasayang alaala naming dalawa pati na ung sakit na naramdaman ko.


Wala padin itong pinagbago. Maganda padin siya, ang napansin ko din dito ay ang mahaba niyang buhok. Mukang hindi ito nagpagupit. Dahil as in, hanggang pwet na niya ata ung buhok niya.



Ano kaba naman Louis! Umayos kanga! Pati ba naman buhok napansin mo! Singit ng reklamador kong utak.



" Louis?! Anak! " sigaw ng daddy ko na mas kinagulat ni Gianna.


Ramdam ko ang pagkagulat ni Gianna, dahil matagal niya ako tinitigan sa mata. Ung titig na yon na namiss ko, ay hindi lang titig. Lahat sakanya ay miss ko na. Ano ba! Ang rupok rupok ko naman! Kanina lang ay sinabi ko susukuan ko na siya, samantalang ngayon ay parang gusto kong halikan ito at yakapin pagkatapos ay sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal.

Pagkatapos ng matagal na titig niyang iyon ay, dumapo ang mata niya sa braso ko na hawak hawak ni Yumi pagkatapos ay umiwas ito ng tingin sa akin.



Lihim akong natuwa, hindi ko alam kung nagseselos siya o ano. Masyado nanaman akong umaasa!


Pero hindi siya ang pakay ko kaya ako umuwi. Kailangan ko makamusta si Daddy at maalagaan. Kailangan ko bumawi sakanya dahil sa mga kasalanan ko. Un lang yun, period!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now