Chapter 40

482 8 5
                                    

Gianna Dela Vega


" Halika pasok ka muna sa loob. " pag aaya ni Rey habang andito ako sa harapan ng bahay nila.


First time ko ditong makapunta, napamangha ako sa ganda nito. Isa itong magandang modern house. Napakaaliwalas sa loob at tamang tama ang cream na pintura nito na nakakapagpalamig sa mata ng titingin. Marami silang mamahaling furniture at may hagdaan na tila ganoon sa mga nagdedebut.



Pinaupo niya muna ako sa sala at sinenyasan ang katulong na maghanda ng meryenda. Gusto ko na sana umuwi dahil ung babae don halos magpapadyak na kanina bago kami umalis ni Rey. Hahaha! Halata sakanya ang selos.



" Hiwalayan mo ang anak ko. " seryosong sabi sakin ni Rey na nagpakabog ng dibdib ko. Kung kanina ay pa chill chill lang ako dito na namamangha sa ganda ng bahay nila, ngayon ay biglang tibok ng puso ko.



" Ano? " pag maang maangan ko sakaniya, hindi ko pinahalata na kabado ung boses ko.



" Hiwalayan mo ang anak ko. I'll give you 1 week para hiwalayan si Louis. Kakalimutan ko ung pagtataksil na ginawa niyo sa akin ni Louis at ni Henry. " napamaang ang bibig ko ng narinig ko ung pangalan ni Henry. Patay na! Tssk!



" Huwag mona akong tanungin kung bakit ko nalaman ung sa inyo ni Henry. Dahil hindi na mahalaga iyon, mapapalagpas ko pa kung si Henry lang ang sinabay mo sa akin. Pero ung sarili kong anak at kaming mag-ama ung tuhugin mo, yun ang hindi ko mapapaglagpas. "



Para akong naestatwa ngayon sa kinauupuan ko, nakayuko lang ako at hindi na ako makatingin sa kanya ng diretsyo, dahil hiyang hiya ako sakanya. Huling huli na niya ang mga ginagawa ko. Natatakot ako magsalita dahil anumang oras ay pwede niya akong saktan, kaninang tingin ko sakanya ay madilim na ang aura nito at seryosong nakatingin lang sa akin.



" Hindi dapat ako uuwi ng maaga, pero maraming dumating sa akin na balita na hindi maganda tungkol sa inyo ng anak ko. Alam mo kung gaano kita kamahal Gianna, at alam mo din kung gaano ko kamahal si Louis. hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sakin ng dahil lang sayo. "


" Si Louis lang ang nag iisa kong anak. Oo alam kong galit siya sayo una palang, huwag mong isipin na mamahalin ka niya Gianna. Masyadong tuso ung anak ko na yon. At kung ano man ang namamagitan sa inyo ay putulin niyo na. Mahal na mahal kita at kaya kitang patawarin, pero ang hindi ko kayang mapatawad ay kung itutuloy niyo pa yang maling relasyon niyo. "



" Hindi ko lubos maisip na papatulan mo ang kalokohan ng anak ko, ayokong ipaalam sakanya na may alam na ako sa relasyon niyo. Kagabi lang na nasa kabilang kwarto kayo ay gusto ko na kayong sitahin sa pinag gagagawa niyo ngunit pinigilan ko ung damdamin ko. Kaya ngayon ay nakikiusap ako sayo, hiwalayan mo ang anak ko kung gusto mong matanggap at patawarin pa kita. Hindi na issue sa akin kung pineperahan mo lang ako, ang mahalaga sakin ay magstay ka at mahalin moko. Magpapaka martir ako para sayo Gianna. " sabay buntong hininga niya



" Kung talagang mahal si Louis, palayain mo siya. Hindi ko gugustuhin na mag away kami ng dahil sayo, hindi ko gusto na ipagpatuloy niyo yang ganyang relasyon. Parehas kayong babae, karelasyon mo ako pero bakit pumatol ka sa mismong anak ko? Anong klaseng pag iisip ang meron ka? " pilit nitong pinapakalma ang sarili.



Habang pinapakinggan ko ung mga sinasabi ni Rey ay unti unting tumutulo ang luha ko, hiyang hiya ako ngayon sa sarili ko habang pinapakinggan ung mga salita niya sa akin.



Mahal na mahal ko si Louis, pero bakit hindi ko manlang siya maipaglaban sa tatay niya. Bakit hindi ako makakibo? Bakit hindi ko masabi na mas mahal ko ang anak niya kesa sakanya? Bakit para akong naestatwa ngayon. Tanginang sarili ko na to! Masyado akong naduduwag! Anong magagawa ko! Tinamaan ako ng lintek na pag ibig na yan kahit alam kong maraming pwedeng mangyari at malaman ni Rey ang lahat. At eto na nga, nangyari na.



" Makinig ka Gianna, diba pera ang kailangan mo? I'll give 10million. Layuan mo lang ung anak ko, huwag kang mag aalala at hindi niya ito malalaman. Mananatili ang relasyon natin, dahil alam mo kung gaano kita kamahal. At alam mo din kung ano ang pwede kong gawin. Anytime pwede ko idala si Louis sa ibang bansa at kahit kailan di mo na siya makikita. Un ba ang gusto mo? Pero hindi ko gagawin yon, hindi ako ganon kasama para ganon nalang agad ang gawin ko sa inyo pagkatapos niyo akong pagtaksilan. "



" I'm sorry Rey. " maikli kong sagot habang tumutulo padin ang luha sa mga mata ko.


Tangina! Ang sakit sakit! Tangina! Eto ba ung karma ko?!




" Don't say sorry. Hindi ko kailangan ang sorry mo. Ang kailangan ko ngayon ay layuan mo ang anak ko. Wala kang mapapala sakanya, bata pa kayo. Hindi tama yang mga desisyon na ginagawa niyo. After 1week, sumama ka sa akin sa States. Dun ka na mag aral, kahit isama pa natin ang mga kapatid mo walang problema sa akin. Magsimula tayong dalawa. Kakalimutan ko lahat ng nangyari na yun. "


" Hindi ako pwedeng umalis ng bansa Rey. Madami akong gampanin na maiiwan sa school. " hindi ko gusto ung gusto niyang mangyari, hindi ako tauhan niya na kahit anong ipagawa nito ay gagawin ko.



" Wag na tayo magpilitan Gianna. Come on! You need a brighter future sa mga kapatid mo diba? Kaya kong ibigay yun. Kaya kong tupadin lahat ng pangarap niyo, kaya kong gawin lahat ng gusto mo pero ibang usapan ung anak ko. Si Louis ang natitirang alaala namin ng dati kong asawa. At mahal na mahal ko siya, mahal na mahal ko ung anak kong yon kahit na sobrang pasaway. At hindi ko hahayaan na masisira lang kami dahil sa isang babae. "


" Makakaalis kana Gianna, I'm sorry. Pero mag isip ka para sa inyong magkakapatid. Walang ibang tutulong saiyo kung ang sarili mong desisyon na ako ang piliin mo. Hindi ko alam kung mahal mo ba talaga ang anak ko o ano. Pero tandaan mo sinabi ko sayo, mas may naghihintay sayong magandang future na hindi mabibigay ni Louis. Maaaring ngayon masaya kayong dalawa, pero tingin mo ba pagdating ng panahon na wala na kayong dalawang makain ay magiging masaya pa kayo? Pag isipan mong mabuti. Isang linggo Gianna, papatawarin kita sa lahat ng nagawa mo sa akin pati na si Louis ay papatawarin ko at hindi ko na ipapaalam sakanya itong pag uusap natin, hiwalayan mo na siya. "




Hanggang ngayon ay paulit ulit pading nag eecho sa tenga ko lahat ng sinabi ni Rey sa akin.



Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, pakiramdam ko ay kahit humakbang ako ay hindi ko kaya. Ibig kong bumagsak dahil sa mga salita sa akin ni Rey. 


Patuloy padin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko, hindi ko nagawang magpaliwanag manlang kay Rey at sabihin na totoong mahal ko ang anak niya. I'm sorry Louis, hindi ko sinasadya na ganito ang mangyari. Pero ayokong mag away at magkasira kayo ng ama mo ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano sakanya sasabihin na kailangan naming maghiwalay. Mismong sa sarili ko, iniisip ko palang na malalayo ako sakanya ay para na akong unti unting nanghihina. Tanginang pagmamahal to! Bakit ang hirap hirap maging masaya!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon