Chapter 3

1.2K 16 1
                                    

Gianna Dela Vega

" Hi, kamusta ka ngayon? Sana maganda ang araw mo. Kasi ako hindi maganda ang araw ko because I'm still waiting for your response "

" Good afternoon. Smile naman diyan, mukang badtrip ka yata ngayon? Kung pwede lang akong lumapit para yakapin ka at sabihin sayong kaya mo yan gagawin ko. Kaso hindi pa pwede ngayon. "


Kumunot ang noo ko habang nabasa ko ang msg nitong mystery person na ito sakin. Hindi ako nagkakamali na mukang schoolmate lang kaming dalawa. At nakikita niya bawat galaw ko dito sa school, sabagay ako nga pala ang president at queen-bee dito sino ba naman ang hindi makakakilala at magkakagusto kay Gianna Dela Vega. HAHAHA



" Oh besh, sino ba yang kausap mo at halos mabali na ang leeg mo kakalingon diyan. " tanong sakin ni Jenica. Tsismosa talaga tong babaeng to.



Pinakita ko sakaniya ung nag mmsg saking mystery person. Mismong pangalan niya kasi sa facebook hindi akma sa totoong pangalan ng tao. Ikaw naman magpangalan sa facebook ng John Cena grabe. Tsk tsk.



" Omg besh. Mag ingat ka diyan, baka mamaya ma-wrestling ka niyan ha. HAHAHA " biro niya sakin. Nakita niya kasi ung facebook name niya.



Kung bakit sa dami daming nag mmsg sa akin. Dito ako sa taong to nacucurious. Makikilala din kita.



" Miss President what do you think your doing?! Anong klaseng plataporma ang nilalatag mo sa school nato?! Seriously?! I-open natin na bawat gays and lesbian na pupwede sakanila ang dual uniform?! " sigaw sa akin ng head.



" Madam, hindi ko po ito ipapatupad kung wala pong mga LGBTq na nagrerequest. Ang gusto lang po nila ay ung matanggap sila, na hindi nagtatago sa likod ng mga uniporme. " nakayukong sagot.



" I'm so disappointed Miss Dela Vega. Hindi ko gusto itong gusto mong mangyari. For Pete's Sake! Alam mong Catholic School ito diba? You may leave. Hindi ko matatanggap yang gusto mong mangyari. I'm sorry Gianna, much better to think every single thing na pwede mong gawin. Maling desisyon yang ginawa mo. " sabay turo nito sa pintuan.



Malungkot akong lumabas. Hindi naman ako part ng LGBTq pero sa mga hinanaing sa akin ng mga kaibigan ko at kakilala kahit sa ganitong paraan naglakas loob akong iparating sakanila na kung pupwede mag dual uniform ang mga Lesbian's and Gay's. Pero nagkamali ako, oo alam kong catholic school to. Pero nagbakasakali akong gawin padin ang plano ko. Pero wala, mataas talaga ang sexual discrimination dito sa Pilipinas.


" Pres, ano balita? Pumayag ba ung head sa plataporma mo? " tanong ni Venus , isa sa mga kaibigan at kaklase kong gay.


" Oo nga pres, ano balita? Successful ba? " yugyog din sa akin ng isa pang Gay na kasama niya.



Malungkot akong umiling sakanila. At alam kong na-gets agad nila yung ibig kong sabihin.



" Naku Pres. Okay lang yon, ganon talaga. Kung bwcit naman din kasi ung tatay kong panget, dito ako dinala para daw maging lalake ako. Di mo kasalanan un President. Ung tatay kong panget ang may kasalanan non. Wag kana malungkot. " pilit na ngiti ni Venus at alam kong pinapatawa niya lang ako. Pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito.



" I'm sorry guys. Sinubukan ko, isang beses lang ako nagpaliwanag pero di ako pinakinggan. Pinalayas ako agad. " malungkot na balita ko sakanila.


" Okay lang yon Pres. Okay lang kami, atleast sumubok tayo diba? And the best ka talaga, bilib ako sayo kasi alam mong Catholic school ito pero sinubukan mo padin ung pinaka malaking bagay na mahirap talagang tanggapin. Pero okay lang, tara lunch na tayo? " aya nila sa akin.



" Ganon talaga, anong silbi ko at binoto niyo ko kung hindi ko pakikinggan ung mga hinanaing niyo at mga karapatan niyo diba. Andito lang ako lagi nakasuporta sa inyo. Group hug! " sabay yakap ko sakanila



" At dahil pumalpak ako at hindi pumayag ung mga head natin. Sagot ko na ang lunch. Tara! Pizza and burger? " pilit kong ngiti sakanila.



" Sama ako besh! " sigaw ni Jenica papalapit sa amin.


Ito talagang babaeng to, bigla nalang susulpot pag alam na libre.



" Oh, yuck! Ayan na pala ang mga bakla na salot sa lipunan. Look at them, mukang sumama na din sa kulto itong pinaka magaling nating President. " tila diring diri na bungad sa amin nitong si Faith kasama ung mga kaibigan niyang kulang nalang mabura ang muka sa make-up. Isa si Faith sa mga bitter sa akin dito sa school kasi nakalaban ko siya sa Presidency. At natalo ko ito.



" Huwag niyo silang pansinin. Ang saaaaaraaaap ng pizza, guys kung gusto niyo pa magpapa deliver pako. " pang iinis ko pa dito sa taong nakatayo sa harapan ko. "


" Whatever! " sabay alis ng mga haliparot sa harap namin.



" Akala mo magaganda, ang chaka chaka naman nila hahaha! Alam mo ba yang si Faith may jowang matanda yan. Ang totoo niyan hindi yan mayaman. Feeling rich lang yan. Hahaha un ang kwento sa akin ng source ko. " kwento sa akin ni Venus.



Nagkatinginan naman kami ni Jenica at tila alam niya ang tumatakbo sa isipan ko.


Aba kagrupo pala kita Faith ha. Hahaha! Kung alam lang nitong mga bakla nato na ganon din ako, baka magulantang sila.

--

To be continue..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now