Chapter 24

558 6 0
                                    

Gianna Dela Vega

" Wake up Louis. Malelate na tayo sa usapang oras. Gagayak pa! Bangon na diyan dali na. " gising ko skanya.

Andito ako ngayon sa kwarto ko, dito na din ako natutulog kasi pinilit akong bumalik na dito dahil naaawa na daw siya sa akin sa sofa. Buti naman at may awa pa pala sakin tong babae na to.


Pero hindi! Ginawa ba naman akong taga kamot ng likod niya gabi gabi, tapos lagi ako kinukulit na halikan ko siya bago matulog. At eto pa ang matindi, gusto niya daw turuan kosiya kung paano di makagat ung labi pag nagkikiss. Anong klaseng babae to!



Kapag naiisip ko na may hahalikan siyang ibang tao, parang naninikip ung dibdib ko. Minsan nga gusto ko nalang siyang patungan at iparanas sakanya ung pakiramdam ng langit para wag na siyang maghanap ng iba pero paano ko gagawin un, eh wala naman akong experience pa sa babae o kahit sa lalake.


Honestly, siya din ang first kiss ko. Ewan ba at kakapanood ko siguro ng naghahalikan sa movie kaya ako natuto. Ahahaha!


Teka, ayaw mo bumangon ha.

" Kung ayaw mo sumama sa amin, si Drake nalang ang kokontakin ko para samahan ako. " pagbabanta ko sakanya.


Ewan ko ba sa babaeng to at pag napag uusapan namin si Drake, galit na galit ito. Kala mo hindi siya ung nagplano para makilala ko ung lalakeng un.


Simula nung nalaman ko ung ginawa nila sa akin na un, kung dati ay gwapong gwapo ako kay Drake at kilig na kilig. Ngayon parang hangin nalang siya sakin, muntikan na akong mahulog sa bitag noon. Kung anong isip naman kasi meron tong babaeng to.



" What?! No! Give me 10mins, gagayak na ako "

O diba? Ang bilis bumangon, daig oa si flash pagpasok ng banyo.


" We're here na. Sarap ng simoy ng hangin. Namiss ko tong ganiton " sigaw ni Jenica pagka baba namin ng Van.


Ako, Louis, Jenica, Venus, Adrian, Ian and Mariane ang magkakasama ngayon dito. Ung iba ay hindi nakasama dahil hindi daw pinayagan ng parents nila. Sila Clyde at Cheska iniwan ko muna sa mga tita ko dahil gusto ko munang mag enjoy ngayon kasi super stress ako sa pag aaral.


Hawak hawak ko ung luggage ko at ganon din si Louis.

" Hindi ka manlang gentleman, ayaw mo manlang dalhin gamit ko! Hmmm! " pag iinarte nanaman ni Louis.


" Edi sana sinama mo ung maid niyo sa inyo para may taga buhat ka. " inis na sagot ko.

" Akina miss. Ako na magdadala " sabay pa kaming lumingon ni Louis kay Adrian tapos kinuha nito ang Luggage niya.


Nagkatinginan kaming dalawa ni Jenica at nginisian ako nito ng nakakaloko. Bwcit talaga!


" Alam mo ang landi mo, bat ka pumayag na dalhin ung maleta mo? " bulong ko sakanya habang naglalakad papunta dito sa tent namin.


" Anong magagawa ko inagaw na sa akin. Nagmabuting loob lang ung tao, hindi kagaya nung isa diyan walang ginawa kundi magalit. " sabay irap nito sakin.


Kung wala lang taong kaming kasama dito baka hinalikan ko na siya sa inis ko. Bwcit na babae to, gustong gusto naman!

" Eto na miss ung maleta mo. I'm Adrian nga pala. " sabay lahad ng palad nito kay Bruha. Makangiti naman tong Adrian nato, mabungi ka sanang hinayupak ka.



" Oh hi, I'm Louis. Nice to meet you and thankyou pala ha. " wow! Ang pabebe naman ng boses mo bruha ka. Nagpapacute yan!? Hmmm!


" Ung kilay mo besh salubong na. Huwag kang magpahalata. Hahaha! " bulong ni Jenica. Akmang babatuhin ko to ng sapatos bigla ba namang nagtatakbo. Kainis!


Binaba ko na ung gamit namin sa loob ng tent, bale ako at si Bruha ang magkasama sa isang tent, si Ivan and Adrian sa kabila. At ang huli si Jenica at si Mariane sa kabilang tent.


Nahiga muna ako dito dahil sobrang pagod ko sa byahe. Ilang oras din ang byahe namin mula manila hanggang dito.



Nahiga sa tabi ko si Bruha. Hinalig nito ang ulo niya sa balikat ko, hindi ako kumikibo dahil nababanas ako sa pagpapa cute niya don sa kaklase ko.

" Hey, why are you ignoring me? " di padin ako kumikibo. Pumikit lang ako at nagpatay malisya.


Ayoko muna makipag away sakaniya dahil pagod na pagod talaga ako sa byahe. Antok na antok pako, hindi naman ako nakatulog kanina sa sasakyan dahil kagulo ng Jenica na yon. Kahit mag headset ako bunganga padin niya ung naririnig ko dahil sa kadaldalan.

" Hi Miss President, baka gusto niyo muna magmeryenda. Tara sa labas. " katok ni Ivan dito sa tent.


" Thanks but I'm tired and sleepy. Itong si Louis isama niyo na muna baka hinahanap ni ADRIAN. " diniin ko talaga ung pangalan niya.



" Sige Ivan, sama ako sa inyo. Nagugutom ako eh. "

Aba! At talagang bumangon pa ito at sumama. Iniinis mo talaga akong bruha ka!

Bahala ka diyan! Hindi kita papansinin magdamag!


Makatulog na nga lang ng mawala tong inis ko. Masyadong papansin tong bruha na to sa Adrian na yun. At ung Adrian na un, halatang pumoporma din. Kainis! Hmmm!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now