Chapter 11

1.2K 18 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


So ito na pala ang magaling na magiging step mother ko in the future? Andito ako ngayon sa condo niya na walang ka emosyon emosyon.


Nag away pa kami ng tatay ko para lang dito ako magstay ng ilang months. Ilan paliwanagan ang nangyari at tila seryosong seryoso siya dito sa babaeng to.


Mygod! Kasing edad ko lang siya, tapos magiging step mother ko siya in the future?! No one can replace my mom in my heart and dapat ganon din kay dad. Pero wala, patay na patay na ung tatay ko dito sa babaeng to.


Lagi siyang kinukwento sa akin ni dad to the point na napapangiti pa ito at soon daw magkakakilala kaming dalawa ng girlfriend niya.



And this is it, andito ako ngayon sa condo niya.




Flashback



" Dad, ayokong dun tumira. May sarili akong condo. And pwede ko naman sila Cath papuntahin don para samahan ako. Bakit kailangan pa don ako tumira sa kabit mo?! " galit na pagmamaktol ko kay daddy.



" Stop this non sense conversation Louis. Sa ayaw at sa gusto mo dun ka kila Gianna magsstay. Para na din magkakilala at magkasundo kayo. Anak listen to me, alam kong mahirap sayo na tanggapin ung ganitong sitwasyon. Mahal ko ang mommy mo, alam mo yan. Pero wala na siya anak. Kailangan ko din naman na may makakasama habang buhay. Mahal ko si Gianna, sana matanggap mo yon. " malungkot na tugon ng tatay ko.




" Pero dad! "



" Please Louis. Give Gianna's chance. 2 months lang. Gusto kong magkakilala kayong mabuti. Nasabihan ko na sila manong driver na ihatid ka bukas sa condo unit nila. " at wala na akong nagawa sa kagustuhan ng dad ko.



End of flashback



Ano ba naman kasi nagustuhan ng tatay ko dito sa babaeng to at tila patay na patay siya?!



Kung hindi ko lang mahal si dad hindi ako makikisama sa babaeng to. At alam ko lang naman ang habol niya. Ang pera lang naman ng Dad ko!


" Pasok ka, anyway im Gianna pala. And you are? Hindi kasi nabanggit ni Dad mo ung name mo. " tahimik lang ako dito nakatingin.



Nagmasid ako sa loob ng condo unit niya. Maaliwalas naman ang loob nito, at hindi makalat. Infairnes mabango huh.



" I'm Rendiel Louis. " matamlay kong sagot sakaniya.



" Nice to meet you. Sana magkasundo tayong dalawa. " sabay ngiti nito.



Ewan ba at naiinis ako sa ngiti niya, feeling ko pinepeke niya lang ako. Malakas instinct ko sa mga ganitong babae.



" Asan ung room ko? Gusto ko ng magpahinga. " sagot ko.



" Dun kana muna sa room ko matulog, ung dalawa ko kasing kapatid ung may gamit ng room na isa. Tulog na sila, anyway nagdinner kanaba? Magpapadeliver nalang ako. Hindi kasi ako handa sa pagdating mo. " tssk! Halatang walang alam sa bahay. Kawawa naman si Daddy, hindi kagaya ito ng mom ko na magaling magluto at maalaga. Hays! Sana lang talaga di kanalang nawala mommy.

" It's okay. I'm not hungry. Sorry for staying for 2months. Pinilit lang ako ni Dad. " sagot ko sakanya na wala pading kaemosyon emosyon.



" You sure? " paninigurado nito at tinanguan ko nalang siya.



Sumunod nalang ako sakanya papasok ng kwarto nito. Maaliwalas din ang loob at hindi ganon kalaki ang kwarto, at panigurado good for 2 lang itong kama niya.


Well, ayoko siyang makatabi. Hindi kami close para magtabi sa kama.




" Don't worry, sa labas nalang ako ng sofa matutulog if hindi ka kumportable. " hays buti naman. Tumango nalang ulit ako at ayoko siyang kausap.



Paano ko iiwasan tong babae na to kung magkasama kami sa iisang bahay? Hays! Kunting tiis lang Louis. Dalawang buwan lang at titiisin mo, para sa daddy mo. At para na din sa plano.



Pagkalabas niya sa kwarto, nilock ko na agad ung pinto. Ayokong maistorbo ako at ayoko siyang makausap. Late na din naman ng gabi. Kumbakit kasi hindi ko matanggihan ung tatay ko. Wait kalang daddy. Ako ang bahala sa kirida mo.



" Guess what, I'm here at soon to be my step mother fucking shit condo unit. " kausap ko ngayon si Cath sa kabilang linya.



" So what's goin on? Kamusta ang pag haharap niyo ng witch? Hahaha. " halakhak niyang parang demonyo. Demonyita talaga tong babaeng to. Sakanya ata ako nagmana.


" Dad's told me pakisamahan ko siya at kilalanin for 2months. "


" Ohh, goodluck my friend. Kapag need mo ng back up, pasabugin natin ung unit niya. " sabay hang up nito ng call.


Ung babae talagang yon, mahilig siyang mag hang up ng tawag kahit hindi pa tapos ang sasabihin ko. Palibhasa bawat segundo gusto niyang kausap ung boyfriend niyang ulikba.


Anyway, I'm Rendiel Louis Salonga. Anak ni Rey, ang jowa nung bruhang magiging step mother ko. As she wish. Duh! Hindi ko hahayaang mangyari yon na mapapalitan nalang agad agad si Mommy sa puso ni Daddy. Selfish na kung selfish. Pero mahal ko ang Daddy ko ayoko siyang mapahamak at mapunta lang sa walang kwentang gold digger na to.



Schoolmate ko yang si Gianna. At ewan ba kung ano ang nakita niya sa babaeng to. Oo maganda siya, president siya sa school at nirerespeto ng karamihan. Eh ano kaya kung ikalat ko ang tsismis na may jowa itong matanda at pera lang ang habol niya?


Pero wait, hindi pupwede yon. Daddy ko ang masisira and ung pangalan ko nakakabit din sa issue na yun kung gagawin ko.


Well, Gianna Dela Vega. Hindi mo pa alam kung sino ang makakalaban mo. Marami kang baho na tinatago at alam ko yon. Hindi ito ang tamang oras para malaman niyo at mga plano ko.



Basta pinapangako ko sayo Mommy, hinding hindi sila ni Daddy magkakatuluyan. Hindi ko siya gusto para sa Daddy ko, papalabasin ko ung tunay niyang ugali. Alam kong pera lang ni Daddy ang habol niya, ipaparamdam ko sakanya kung saan siya nararapat.



Huwag niya lang tatangkain magsumbong kay Daddy. HAHAHA!



Be careful Gianna, mag iingat ka sa mga galaw mo. At sisiguraduhin ko sayong mali ang taong kinakalaban mo.

--
To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now