Chapter 19

662 8 0
                                    

Gianna Dela Vega

" I'm sorry. I didn't mean it. Forgive me "

Ang malambing na tinig na un na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko. Para akong nablanko at napatitig nalang ako sa mga mata niya na tila nakikiusap na huwag bitawan ang mga kamay ko sa oras na ito.


Parang may kung ano sa sarili ko na ngayon ko lang naramdaman ung bagay na to kagaya nung naramdaman ko ung mga effort na binibigay at atensyon ni Drake na buong akala ko ay totoo nun pala ay siya din ang may kagagawan.


Para kong unting unting natutunaw sa titig ng mga mata namin, parang may humahaplos sa puso ko at parang may bumubulong na yakapin ko ito at sabihin na okay lang ung mga salitang nabitawan niya sakin.

Kung kanina lang ay sobra akong galit dito, pero bakit ngayon ay tila nawala nalang ng parang isang iglap dahil lang sa paghawak niya sa kamay ko.


Aminin ko man o hindi, ang lambot ng kamay niya at ramdam na ramdam ko ang init nito.


Para akong mawawala sa katinuan.



" You need a rest Louis. Before that magluluto muna ako ng pagkain mo para makainom ka ng gamot. " sagot ko dito.



Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko, hindi ko alam kung kilig ba ito o nahihiya ako sakanya.



Pero bakit naman ako kikiligin at mahihiya?

Dahil lang ba na hawak niya ung kamay ko?

Damn this feeling Gianna!

Tumango lang ito pero hindi padin binibitawan ang kamay ko.

" Eh paano naman ako magluluto aber? Kung hawak mo padin kamay ko. " Tingin ko padin sakanya.

Binitawan niya din agad ung kamay ko pagkatapos ay ngumiti.

Oh! Cute!

Tse! Anong cute na sinasabi ko?! Nasisiraan naba ako ng ulo?!


Mabilis akong lumabas ng kwarto pagkabitaw niya para makatakas sa tensyong un. Agad kong hinawakan ung dibdib ko at ramdam na ramdam ko ung mabilis na pagtibok ng puso ko.


Ano ba! Pano ba ko makakaluto kapag ganito nararamdaman ko! Tsk!



" Ate, kamusta si ate Louis? " tanong ni Cheska habang nag gagayak ako ng pagkain ni Bruha.

" Mataas ang lagnat niya, pero don't worry gagaling din ang ate Louis mo. Matulog na kayo ni Clyde, maaga pa kayo bukas. " sagot ko sakanya.

Mabilis kong naihanda ung pagkain, nagluto lang ako ng soup para hindi gaano ito mahirapan sa pagkain.


Alam ko ung feeling ng may lagnat na ang hirap hirap lunukin ng pagkain. Kung magpapadeliver ako baka makatulog na siya at hindi na ito mahintay kaya mas minabuti kong ako nalang mag prepare ng kakainin niya.



Binangon ko ito sa pagkakahiga pagkatapos ay pinatong ko ung table sa bed.


Nanghihina padin ito, ako na mismo ang nagsubo sakanya.


Tila nahihiya pa itong ibuka ung bibig niya pero bandang dulo sinunod din naman niya ako para makakain siya at gumaling.

" Your Dad's is calling. Sasabihin ko ba sakanya na you're sick? " tanong ko.

Umiling lang ito, kaya hindi ko na sinagot ung tawag ni Rey. Baka mag alala din kasi ito at isipin na pinapabayaan ko ang anak niya kaya nagkasakit.

Pinainom ko nadin siya ng gamot para makarecover siya agad.

" Gianna, can i ask some favor? " pagbasag niya sa katahimikan.

" Sure. Ano un? " sagot ko.

" Pwede bang dito ka magstay ngayon sa room mo? Then can i hug you, giniginaw kasi ako. " nahihiyang tanong nito.


Jusko! Hug?! Papatayin mo naba talaga ako Louis?! Kanina nga lang na hawakan mo lang ung kamay ko halos kalabugin na ng tibok ng puso ko ung buong pagkatao ko!

LUH? ANG OA MO NAMAN SIS! EH NAHALIKAN MO NA NGA YAN! singit nanaman ng malandi kong utak.

" Please? " sabay pout niya.


Tskkk!

" Okay, sige dito ako magsstay sa room, basta promise me magpagaling ka okay? Ayaw kong isipin ng Daddy mo na pinapabayaan kita. Atsaka andito ka sa akin, kargo kita kapag nagkasakit ka. " sagot ko na lamang dito.


Niligpit ko muna ung pinagkainan niya then lumabas ako ng kwarto pagkatapos ay nag toothbrush ako, nakakahiya naman kung maamoy pa niya akong mabaho. Todo pabango din ako, baka mamaya pala maasim ako, maamoy pa niya nakakahiya kaya.


" You know what, im really sorry sa nasabi ko sayo. " si Bruha.

" Hindi ko sinasadya yung pananalita kong yun. Ilang araw ako inuusig ng kunsensya ko, siguro kung di pa ako magkasakit di mo talaga ako papansinin. " aba at dumadaldal na tong bruha na to.

Nakayakap ito ngayon sakin habang ako nakahiga habang nagpophone. Eto nanaman ung puso ko, lakas nanaman ng tibok.



" Wag mo na muna isipin yun, ang isipin mo ngayon kung paano ka gagaling. Baka malate ka sa mga lesson niyo sa school. " matamlay kong sagot. Pero deep inside ibig ko ng kumalas sa yakap na un, hindi dahil sa hindi ako kumportable. Kundi dahil sa mga paru paro sa tiyan ko.

" Salamat sa pag alaga mo sakin, let's be friends? "

Ano daw? Let's be friends? Seryoso na siya? Eh halos gawan niya ako ng kawalang hiyaan. Hindi lang pala halos, kundi sobra! Pinaglaruan nila kaya ako, tapos sasabihin niya kung pwede ba kami maging magkaibigan.


Pero sabagay ung Daddy niya din ganon ang ginawa ko, agad naman ako inusig ng kunsensiya ko. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Saka wala namang mawawala sa akin kapag umuo ako dito.

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now