Chapter 34

537 6 0
                                    

Gianna Dela Vega


Hindi ako makapaniwala na kami na ni Louis. Buong tapang akong nagtapat sakanya nung una pero tinubuan ako ng konsensya nung panahon na nagtatapat ako ng nararamdaman ko nung nasa seafood restaurant kami kaya binawi ko ito, pero nung nakita ko siyang umiyak na naglalakad palayo sa akin, ung puso ko unti unting natutunaw. Hindi ko kinaya na makita siyang ganon kaya mas lalo ko pang tinapangan na sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal.


Hindi ko akalain na mamahalin din ako ni Louis gaya ng pagmamahal ko para dito.


Ngunit hindi ko maiwasan na mabagabag sa kadahilanang anak siya ni Rey. Si Rey na pineperahan at niloloko ko, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagpadala ako ng damdamin para kay Louis pero hindi ko ito pinagsisihan. Ang mali ko lang dito ay mahalin ko ang anak niya.


Napaka hirap pigilan ng damdamin lalo kapag lagi mong nakikita ung taong mahal na mahal mo. Napaka bilis ng pangyayari, hindi ko akalain na si Louis ang magiging karma ko sa ginagawa kong kalokohan kay Rey.


Ngunit hindi ko na muna ito iisipin. Alam kong mali itong relasyon namin ni Louis pero hindi iyon ang magiging hadlang para itigil ko ang pagmamahal ko.


Sinubukan ko naman, pero mismong puso ko ang nagpupumiglas para mas mahalin pa siya ng sobra sobra.


Kung dati ay puro lang kami asaran at galit, ngayon ay sigurado akong mahal ko siya.



I've never been inlove before, wala akong nakarelasyon na seseryosohin ko. Until Louis came in my life na nagpabago ng tibok ng puso ko.


Hindi ko alam kung saan patungo itong relasyon naming dalawa, pero gusto ko maging masaya sa unting panahon. Alam kong padalos dalos ako ng desisyon na gusto ko siyang maging girlfriend. Pero hindi ko kasi kaya na maattach ito sa iba na tila sasabog ang puso ko tuwing may nalalaman akong nanliligaw sakanya. Nakakaramdam ako ng matinding pagseselos.


May problema pa ako ngayon kung paano ko tatakasan si Henry. Gusto ko ng kumawala dito pero hindi ko alam kung paano ang gagawin, ayokong sabihin ang matindi kong sekreto kay Louis baka kasi pandirihan niya ako at kasuklaman lalo pa pag nalaman niyang pati tatay nito ay niloloko ko gayong seryoso naman ito sakin.



Hindi ko kinukwestyon ung pagmamahal sakin ni Louis, pero ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niya din sa aming relasyon. Hindi ko alam kung bakit pati tatay niya ay kakalabanin nito para lang sa akin. Pero hindi ko na dapat tanungin pa sakanya yon dahil alam namin parehas na mali ung ginawa at pinasok naming iyon.

Kaya ko sinabi sakanya na itry namin ng 1month before pag uwi ng daddy niya. Masakit sa part ko na hanggang isang buwan lang aabot ang relasyon namin, masyado akong selfish na hindi iniisip kung talaga bang payag ito sa ganong kundisyon pero wala akong magagawa. Ayokong masira ung relasyon nilang mag ama pero sa ginagawa kong ito parang ganon na din ang mangyayari.


" Seryoso ka President? Kayo na ni Louis? " tanong sakin ni Jenica. After that day sinabi ko na din kay Jenica na kami na, dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa akin.


" Oo. " sabay ngiti ko.



" Hindi kaba padalos dalos diyan Gianna? I mean, ang tulin niyo namang magdesisyon ni Louis. Eh paano ngayon si Daddeh Rey mo? Baka mag away pa ung mag ama dahil sayo. " nangangambang tanong ni Jenica. Pero tanging buntong hininga lang ang sinagot ko sakanya.


Wala akong pagsisisi sa nagawa kong desisyon, pero hindi ko maiwasan maisip yon na paano kapag nag away ung mag ama. Ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin.




" Besh, pag isipan mo mabuti ung desisyon mo sa buhay. Wag kang padalos dalos. Ibang level na kasi yan. Oo sinabi ko na support ako sayo, akala ko naman gagawin mo iyong bagay na un sa malinis na paraan. "

" Malinis na paraan? " tanong ko


" Oo, what i mean is hihiwalayan mo muna si Rey. Then saka ka aamin kay Louis. " paliwanag nito.


" I can't do that Jenica. Alam mo kung gaano ako natutulungan ni Rey sa pangangailangan ko. "


" Exactly Gianna, you know how important si Rey sa buhay mo. Pero dapat inisip mo din ung galaw mo at desisyon. Paano kapag nalaman yan ni Rey? Lagot na. Tinuhog mo ang mag ama. " iiling iling pa ito.


" Seryoso ako Gianna sa sinasabi ko, once na malaman ni Louis na pineperahan mo ung tatay niya ano tingin mo mararamdaman niya? Tingin mo ba ay tatanggapin ka nito at mamahalin? "

Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Tama si Jenica, pero mahal ko si Louis. Hindi ko na pwedeng bawiin ung sinabi kong pagtatatapat sakanya.


" Ayusin mo na hanggang maaga. Masyado kang nagpadalos dalos girl to the point na mahirap ung kalalabasan ng desisyon mo. Kung mahal mo si Louis, gawin mo ang tama. Hiwalayan mo ung tatay niya at tanggapin mo ung realidad na hindi kana nito tutulungan lalo pa pag nalaman nitong karelasyon mo ang anak nito. Take the risk Gianna, masarap magmahal. Pero hindi lahat ng pagkakataon magiging masaya kayong dalawa dahil alam niyo sa sarili niyong maling pagmamahal yang pinasok niyo. " tugon pa nito.


Hays! Sumasakit ung ulo ko! Akala ko naman matutulungan ako nito, ngunit mas lalo pa pala akong mag iisip at ngayon palang nasasaktan na ako.


" Miss President, so do you agree with this? Miss President are you listening? " tanong ng head namin.

" Sorry po. Ano na po ulit un? " tanong ko ulit sakanya dahil kanina pa ako tulala dito kasi iniisip ko lahat ng sinabi sa akin ni Jenica.


" Are you okay? Kanina ko pa napapansing tulala ka. Masama ba ang pakiramdam mo? " nag aalala pa nitong tanong. Umiling lang ako sakanya dahil wala ako sa mood magsalita.


Natapos ang meeting pero ung isip ko andon pa din sa sinabi sakin ng kaibigan ko.


Hindi ko pwedeng bawiin ung desisyon na ginawa naming dalawa ni Louis. Tama nga si Jenica, masyado akong naging selfish at hindi ko manlang naisip na masisira ko ang relasyon nung mag ama dahil lang sa umibig ako kay Louis. Hays!

--

To be continued...

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon