Chapter 49

581 8 0
                                    

Rendiel Louis Salonga

Boring ang weekend, palagi lang ako sa bahay dahil mas gugustuhin ko pang manatili dito para kay Daddy. Madalas akong kinukulit ni Yumi about kay Gianna. Pero hindi ko ito sinasagot dahil ayokong may malaman pa siya sa nakaraan naming dalawa.



Lagi niyang tinatanong sa akin kung bakit daw umiiwas ako kay Gianna. Oo, umiiwas ako lalo pag alam kong lalapitan ako nito dahil ayokong manumbalik at mabuo ulit ng tuluyan ung nararamdaman ko nanaman para sakanya. Kailangan kong limitahan ang sarili ko, dahil ayoko ng magsuffer muli sa ginawa niya sa akin. Although hindi naman ako bitter, pero mas mainam na din un para sa aming dalawa.



Nasa iisang bubong kami kaya hindi maiiwasan na lagi kaming maghaharap na dalawa at magkikita. Pero ung usap? Malabo pa sa malabo na lagi kami mag uusap dahil umiiwas nga ako rito.

" You know what, ang cute ni Gianna. Mukang wala naman silang relasyon ng daddy mo. " wika ni Yumi. 

Hindi ko nalang ito pinansin, lahat na napansin nitong babaeng to.


" Tingin ko ay crush ka niya. Nahuhuli ko siyang lagi nakatingin sayo eh. Umamin kanga sa akin, siguro ay may namamagitan sa inyo hano? " kumunot ang noo ko sa sinabi niyang yon.


Balak balak ko sabihin na oo, siya ang nang iwan sakin at naging dahilan para mapunta ako sa States dahil broken na broken ako. Tskk!


" At tingin ko ay gusto ka din niya. Sure kaba? I mean, she's your future step-mother? Sa nakikita ko, mukang kayong dalawa ang may relasyon eh. "

" Alam mo, ang kulit mo. Bumalik kana nga ng Amerika! " sigaw ko sakanya.


Nakakainis kasi tong babaeng to, walang alam gawin kundi ang makitsismis.

Tok. Tok. Tok.


Hindi ko iyon pinansin, baka kakain na kami ng dinner. Tinatamad pako lumabas ng kwarto


Tok. Tok. Tok.

" Buksan mo nga ung pinto niyo Rendiel, kanina pa may kumakatok. I'm so lazy right now. " utos ni impakta sakin.



Galit kong binuksan ung pinto.

Gulat ako ng si Gianna ang tumambaf sa harapan ko, sisigaw na sana ako ngunit tila parang namilipit ung dila ko dahil na din sa gulat ko ng makita ko ung maamo niyang muka.


Yung muka ng tao na dapat kasuklaman ko ngayon dahil sa ginawa niya sa akin, ngunit tila mas nanaig sakin ung ma-amazed sakanya dahil sa gandang taglay nito.


Erase erase! Mapanlinlang yang gandang yan! Gumising ka Louis!

" Pinapatawag na kayo ng Dad mo kakain na daw. " then biglang umalis ito sa harapan ko at naiwan padin akong nih isang salita ay walang nasambit.


" Tsk. Tsk! Something fishy, i thought sisigaw kana kanina Rendiel. Pero nung nakita mo kung sino nasa harapan mo, bat biglang umurong ang dila mo? Siguro ay may relasyon talaga kayo nung gf ng daddy mo. " pang aasar sakin ni Yumi.


" Shut up! " galit ko dito. At wala ng ibang ginawa kundi ang asarin ako!


Agad naman akong bumaba, bahala siyang maiwan sa kwarto! Wala ako panahon makipag asaran sakanya.


Natapos ang dinner namin, napagkwentuhan lang namin ni Daddy kung ano ang nangyari sa akin. Ilang araw na ako dito pero ngayon lang siya nagtanong. Masayang masaya naman daw siya dahil nagbalik na ako. Well, kilala ko na siya pag natutuwa, hindi maalis nito ang ngiti sa labi.



Samantalang ung Gianna na yun tahimik lang na kumakain na tila hindi interesado. At syempre itong katabi ko naman nato, abot ang asar sakin na kesyo broken daw ako nung nakilala niya ako. Madalas ay tinatakpan ko ang bibig niya dahil nakakainis na din ang kadaldalan!



" Guys, ano matutulog naba tayo? Let's drink naman! Ano Gianna, okay lang ba sayo? " tanong nitong hitad na si Yumi na feeling close kay Gianna.


Nakita kong tumango din naman si Gianna dito.


" Tara Rendiel! Let's drink and enjoy, feeling ko magandang spot ung garden niyo doon malapit sa pool. Tara! " sabay hila niya sa akin.



Wala na akong nagawa kundi magpahila nalang din. Minsan ay gusto ko din mag inom para makatulog agad.



Pinagayak ko na sa mga maid namin ang mga alak at mga pulutan para idala sa garden kung saan gusto uminom ni Yumi.



Andito kami ngayon sa garden habang nag iinom, tahimik lang ako habang nagdadaldalan ung dalawa.


Itong Gianna talaga na to, kapag may tama na ng alak ay nagiging madaldal. Sinama pa tong amerikanang hilaw na to na ubod ang kulit. Kung minsan ay natatawa nalang ako sa mga joke niyang walang kwenta. Hahaha!

" Gianna, kwento ka naman tungkol sayo. " eto ung pinangangamba ko dito sa babaeng to eh! Baka makulitan si Gianna, ayaw pa naman niyan ng makulit!



" Oh, I'm Gianna. Ex ng daddy ni Louis. " ngiti niya habang pulang pula na ang pisngi nito.



What?!


Tama ba narinig ko?!


Hindi ba ako nabingi?!


Anong ex sinasabi niya?!


Or baka ako ung sinasabi niyang ex, hindi si Daddy?!


Teka.

" Oh, i see. " maikling ngisi ni Yumi. Balak balak ko bulungan ito at sabihin kay Gianna na ulitin niya ung sinabi niya kanina.



" Yes Yumi. And cheer's tayong lahat! " sigaw ni Gianna.


Lasing na ito kaya nagiging makulit na din. Pero wala ako sa mood makipagsabayan sa dalawang to. Daig pa mga nauhawan sa alak kung makainom. Palagay ko'y mag aalaga ako mamaya ng mga lasing.



" So, ano status mo ngayon Gianna dear. Single? Taken? Or broken? Hahaha! " tawang demonyo ni Yumi.


" Start with the Single, and ending up with the Broken. Ouch. Ahahaha! " sabay tingin nito sakin.



" Tapatin mo nga ako Gianna, may something ba sa inyo ni Rendiel? " diretsyang tanong ni Yumi.


" Yumi, stop. " pagbabawal ko sakanya. Baka mamaya marinig kami ni Daddy, kung ano pa ang isipin nito. Ayoko ng bigyan pa ng sakit ng ulo ung tatay ko. Tama na ung minsan.



" No Rendiel. Hindi ikaw ang kausap ko, saka tsupi! Dun kana, bumalik kana sa kwarto. Kanina kapa di nagsasalita diyan. Wala kang kwentang kausap. Tsupi! " aba! Itong babaeng to makapalayas sakin. Baka nakakalimutan niya na nasa pamamahay ko siya!



" Louis is my greatest love. "

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now