Chapter 26

540 4 0
                                    

Rendiel Louis Salonga

Napalunok ako ng papalapit sa pwesto namin si Gianna habang nakatingin lang ito sa mata ko.


May gagawin kasi itong dare na inutos nung kaibigan niya. Medyo kinakabahan ako ng bahagya.


Ramdam ko ang kaba niya bago gawin ung dare na yon, dahil ininom muna nito ang beer na hawak niya bago tumayo.


Nandito kami ngayon sa buhangin, tila masaya ang lahat dahil sa laro na naisip nung mariane.


" Si.. Si.. Si Adrian ang napili ko. " tila mabulol bulol pa itong napatingin kay Adrian.


What?! Bakit si Adrian?!




Tumaas ang kilay ko sabay tingin sa mga mata niya, tapos tinignan lang ako nito ng walang reaksyon.



Medyo nasampal ako ng kahihiyan dahil iniisip ko na ako ang pipiliin niya.



Nakita ko ang pagsinghap ni Adrian matapos niyang dilaan ang leeg nito.



Shit! Gianna! Anong ginagawa mo!



Ibig kong magalit, pakiramdam ko sasabog ako ngayon sa galit.


Kitang kita ko din ang pag ngiti nito kay Adrian matapos gawin ang challenge na yon.


Damn you Gianna!



Bakit hindi nalang si Mariane or Jenica ang pinili mo?! O kaya ako! Bakit si Adrian pa! Matatanggap ko pa kung ung ibang girls na kasama namin ang napili niya. Pero shit! Sa guy pa na to!


Actually kanina pa ako naalibadbaran dito sa Adrian na to. Kung hindi lang talaga ako nagugutom kanina hindi ako sasama sakanya, kaso mas nanaig ung mga ahas sa bituka ko.



Napapansin ko din kasi na minsan nakatingin sa amin si Gianna kapag nahuhuli ko ito ay agad naman siyang umiiwas ng tingin.



At mas lalo ko pang kinabwcit ung Ivan na yon, kung magpacute kay Bitch akala mo gwapo! Pero gwapo naman talaga siya, pero para sakin hindi siya gwapo! Feeling boyfriend siya kay Bitch! May pasuot suot pa ng jacket. Eh dapat nga ako sana mag aabot sakanya, kaso naunahan lang ako ng lalakeng un!


Hindi nalang sana ako sumama dahil kanina pang maghapon ay hindi ako pinapansin ng bitch na to. Wala naman akong nagawa sakanya ah!


At kung ung dahilan na yon ay ung pagdala ni Adrian ng maleta ko. Grabe! Nagseselos ba siya?!


Kaya kahit hindi ko din gustong kasama tong si Adrian pinipilit ko nalang pakisamahan e. Nakikita kokasi na naiinis siya. Akala mo Gianna ikaw lang pwede mang inis ha!


Ininom ko ung beer na hawak hawak ko at umiwas ng tingin kay Gianna. Hindi na siya nahiya! Bf niya ang daddy ko tapos may iba siyang didilaan!


Ung daddy mo ba talaga? O nag expect kalang kasi na ikaw ang lalapitan niya at didilaan sa leeg?!



What the fuck! Ofcourse not.



Nagtawanan naman ang lahat pagkatapos ay bahagyang nakaramdam ng awkwardness ung dalawang boys namin na kasama.



Ramdam ko na may gusto itong si Ivan kay Gianna. Ngunit patay malisya naman ung bitch na un! Hindi makaramdam! Nakakainis!




" Oh Adrian, lucky. Sayo tumapat. Truth or dare " tanong ni Gianna. Ngunit tila seryoso ang muka nito, hindi ko manlang nakitang ngumiti. Tila may tensyon na nagaganap sa pagitan nilang dalawa.


" Truth Miss President " sabay ngiti niya.


" Okay, do u like Louis? " direktang tanong niya na walang paligoy ligoy. Tinaasan ko naman ito ng kilay ngunit wala padin siyang reaksyon.

" Honestly, unang kita ko palang kay Louis may kakaiba sakanya na hindi ko alam. Iba ung nararamdaman ko para sakanya. And yes, i like her Miss President. " seryosong sagot ni Adrian. Hindi naman nako nagulat kasi halata naman. Hindi mag aaksaya ng oras at panahon sayo ung lalake kung hindi ka nito gusto.



" Baka infatuation lang yan Mr. Adrian, anyway, happy for you. " pekeng ngiti lang ang binigay niya kay Adrian napansin kong nagkatinginan sila ng bestfriend niya pero kumibit balikat lang ito.


" Oh, pre. Sayo tumapat. Truth or dare? " sabi ni Adrian kay Ivan.



" Dare pare. " ngiti nito.


" Hug mo si Miss President, then umamin ka sakanya. " hmmm?!



Napansin kong tumayo agad si Ivan para yakapin si Gianna. Nakatingin ito sakin, umiling ako para iparating sakanya na huwag siyang pumayag yakapin ito. Pero huli na ng nakita kong niyakap siya ng mahigpit ni Ivan.


Parang nanikip ung dibdib ko sa yakap na yon. Hindi manlang siya tumanggi, sabagay sino ba naman ako para pigilan siya e bitbit lang naman niya ako dito sa outing nila.



May binulong si Ivan sakanya pero ngumiti lang ito, buti pa sakanila nangingiti siya samantalang sakin. Nih tignan niya ako ng matagal hindi niya magawa. Hays!

" O Louis ikaw na. Truth or dare. " napansin kong sakin pala nakatapat ung bote.


" Dare. " mabilis na sagot ko. Wala ng paligoy ligoy, naiinis padin ako sa Ivan nato.


" Choose and kiss someone here for 5seconds. " utos nito sakin.



Mabilis akong tumayo, ramdam ko ung tingin nilang lahat sakin. Kinuha ng palad ko ung muka ni Adrian at mabilis itong hinalikan. Kita ko sa mata niya ung pagkagulat pagkatapos ay gumanti ito sa mga halik ko.


Natapos ang 5seconds ng humiyaw ang lahat maliban kay Gianna at Jenica. Hindi ko na tignan ung muka nito dahil wala akong pakialam sakanya.


Medyo lasing nadin ako, pero para sakin ung ginawa kong un para isampal sakanya na hindi lang siya ung pwedeng gumawa non.


Natapos ang laro at eto masaya kaming nagkukwentuhan. Ung bitch at ung Ivan na un kanina pa nagbubulungan at tila may pinag uusapan.

Itong katabi ko kadaming sinasabi, wala akong naiintindihan kasi mas nakatuon atensyon ko sa pinag uusapan nilang dalawa.


Bwcit kang babae ka! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon! Dahil ba sa feeling ko pinag tataksilan mo si Daddy?! O dahil sa gusto ko sakin lang nakatuon ang atensyon mo at hindi sa iba?!!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now