Chapter 17

652 11 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


Ilan araw na ang nagdaan simula nung pangyayari na nasabihan ko si Gianna ng masakit na salita, kaya hanggang ngayon mailap padin siya sakin. Kahit kay Drake hindi niya ito pinapansin pa. Lagi ko din ito chinachat sa dummy account na ginawa ko pero wala nih isang response.


Siguro ay nasaktan ito sa sinabi ko sakanya, alam kong below the belt yon. Pero may part sa akin na namimiss ko ung pangungulit niya at lagi naming pagbabangayan. Kapag andito naman siya sa condo unit na tinitiran ko din, hindi niya ako pinapansin. Para lang akong hangin sa paningin niya. Sinubukan ko siyang kausapin para magsorry kahit papaano dahil hindi naman ako ganon kasamang tao para hindi marealized ung mga masasakit na salita na nabitawan ko pero wala akong lakas ng loob para gawin un dahil natatakot akong mapahiya lang.


Tuwing kakain kami, lagi niyang pinapadaan sa mga kapatid niya na tawagin ako para sabay sabay na kami kumain. Ang awkward ng atmosphere pero buti nalang andito ung mga kapatid niya para may makausap manlang ako dito.


Dating gawi padin, dun siya sa sofa at dito ako sa kwarto niya. Naalala ko lagi ung halik na yun. Na gusto niya maging tutor ko siya para daw matuto akong humalik. Simula ng araw na nangyari un hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang nag iba sakin. Galit na galit ako sakanya na halos patayin ko siya sa isip ko sa ginagawa niya sa Daddy ko, pero bakit ngayon na tila nagiging apektado ako sa hindi niya pagpansin sakin.


Gusto ko na ngang umuwi nalang ng bahay para makaiwas dito sa babaeng to. Pero hindi ko magawa kasi malalagot ako kay Daddy. Ayoko namang magalit siya sa akin.


Ah talaga ba? Daddy mo ba dahilan, o gusto mo lang lagi nakikita si Gianna? Sabat ng bwcit kong utak.


Para akong maloloka, iniisip ko kung itutuloy ko paba ang plano. Kasi kahit si Drake hindi niya pinapansin pa. Useless na din ung mga efforts na ginagawa ko, walang effect na din. Nakikita ko sa malayo na tinatapon niya iyon sa basurahan na kung dati ay kinikilig pa ito kapag nakakatanggap ng kung ano ano galing sakin na kunware ay kay Drake.


Sinabihan na din ako ng mga kaibigan ko na magsorry, kasi hindi daw ba ako nakukunsensya maayos daw ako nito tinanggap sa unit niya at nagparaya pa ito sa kwarto niya tapos pagsasalitaan ko lang daw ng ganon.


Kung minsan nga ay nakikita kong nahihirapan na itong humiga sa sofa, nakabaluktot nalang itong natutulog at tinitiis ung ginaw.



Hindi ko maiwasan na maawa kay Gianna, may mali ako sa part na pinaglaruan ko ung damdamin niya pero nagawa ko lang un kasi hindi ko matanggap ung relasyon nila ng Daddy ko. Masyado akong naging selfish. Pero wala na akong magagawa, nangyari na.



Alam ko ngayon sa sarili ko na mabait na tao si Gianna, nakikita ko kung paano siya naging mabuting ate sa mga kapatid niya at pag aasikaso dito. Buong akala ko siya ung tipong babae na puro arte lang alam kagaya ko. Pero hindi pala, malaki ang responsibilidad niya sa mga kapatid niya, napag alaman ko din na wala na pala silang magulang. Madaldal kasi ung si Cheska kaya lahat nalalaman ko.



At wala daw itong naging nobyo, minsan panga tinanong ko sila kung laging andito ung Daddy ko at kung sino pumupunta dito. Ang sagot sa akin ng mga ay wala naman daw pumupuntang iba dito bukod kay Daddy. Baka nga talagang seryoso tong babaeng to sa tatay ko. Hays!


" Hoy bitch! Kanina pa kami nagsasalita. Nakikinig kaba?! " galit na sigaw sakin ni Cath.


Andito kami ngayon sa convinience store nakatambay.


" Ha? Ano ba un? " tanong ko. Kasi totoo naman di ko naman sila pinakikinggan, marami kasing pumapasok sa isip ko.



" Louis, hindi na ako pinapansin ni baby Gianna. Siguro dapat na akong magparaya. " emote pa kunwari ni Drake.



" Wala ng effect lahat ng ginagawa natin, saka mukang mabait si Gianna. Ano kaya kung ligawan ko siya ng totoo? Ung walang ikaw na nagmamando sakin? " aba siraulo ata tong Drake nato ha.


" Huwag mong subukan, baka nakalimutan mo tatay ko ung jowa non. At gusto mong isumbong kita kay Daddy? Then ipabagsak niya negosyo niyo? " gigil kong sagot sakanya.


" Ohh, relax relax. Nagbibiro lang ako. Pero look Cath. Narinig mo ba sinabi niya? Don't tell me, tanggap mo na siya bilang step mother mo? " tanong nito.


Irap lang ang ginanti ko sakanya. Hindi ko kayang sagutin ung tanong na yon, ngayon pa at masyadong ginugulo ni Gianna ung isip ko.


Mukang karma ko ata to sa larong ginawa ko sakanya.

" Ano Bitch? Bakit di ka masagot. " dugtong pa ni Cath.



Mga walang hiya talaga tong mga hayop na to, pagkaisahan ba naman nila akong dala.


" Masakit lalamunan ko, mauna na ako at masama ung pakiramdam ko. Bye. " di nako naghintay ng sasabihin nila at masama talaga pakiramdam ko ngayon.


Para akong nanlalamig na masakit ang lalamunan ko kaya mas minabuti kong umuwi nalang muna ng condo unit ni Bitch.

--

To be continued...

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now